One day later. On a Wednesday night, heto tambak ako ng mga laboratory reports. So meaning maglalamay na naman ako para magsulat ng mga hand-written lab reports na ito na ipapasa bukas, tapos hindi naman babasahin ng mga prof. Nagsasayang lang kami ng papel. Eh kung nag-quiz na lang kami or practical, eh di sana may natutunan pa kami kaysa sulat kami ng sulat. Eh ano ba naman magagawa namin, estudyante lang kami, professor sila. Sad life.
At ngayon tinatamad na ako. Gusto ko nang humiga. Gusto ko na matulog. Kaya ayun unti-unti na ako gumagapang sa kama ko. Humiga ako at niyakap ko yung unan kong malambot na inorder ko pa online. Shocks! Hindi pwede ito. Anya labanan mo ang tukso! Unti-unti ko na ring nararamdaman na bumibigat ang ulo ko at pumipikit ang mga mata ko haggang may maamoy akong mabangong scent na nanggagaling sa kapitbahay namin. Ayun nag-iihaw na nga si Aling Choning ng barbeque, betamax, tsaka isaw at iba pa.
Isaw. Bigla na lang ako napangiti dahil naaalala ko yung paglibre sakin ni Jason ng isaw. Kinikilig ako ng slight. Okay kinikilig talaga ako. Ang cute niya pag di siya suplado. Yung singkit niyang mata, yung smile niya. Oh my gosh! Isa siyang oppa.
Thankfully dahil sa isaw ni Aling Choneng, nabuhay ang dugo ko and I'm ready to go back to work. At sana lang matapos ko to on time dahil ayoko na magsulat bukas sa school.
■■■
"Anya, may stapler ka? Pahiram nga ako", bungad ni Gilbert sakin.
"Wait lang ah, tignan ko sa bag ko," sagot ko naman habang binubuksan yung bag kong ang hirap buksan nung zipper. At hindi ko siya talaga mabuksan at the moment kaya hinila ko siya with full force dahil naiinis na ako and boom! Sira yung zipper ng bag ko. "Oh ayan na. My gosh! Sira na yung bag ko. Eottoke!" (What to do? in Korean)
"Hala sorry Anya nasira tuloy bag mo" guilty na kinuha ni Gilbert yung stapler sa kamay ko.
"Ano ka ba? Okay lang. Parang 'tong bata!" agad ko namang pagcomfort kay Gilbert na parang batang naiiyak na. Cute tong si Gilbert eh, kaso maliit lang siya. Halos kasing height ko lang siya. Natutuwa ako sa kanya at parang ang sarap pisilin ng pisngi niya.
"Sige. Thanks Anya! Isosoli ko na lang sa'yo 'to mamaya." magiliw niyang sagot sa akin.
"No problem!" sigaw ko naman habang paalis na si Gilbert.
Mag-e 11:00 AM na wala pa rin si Sir Marco namin. Sabi imi-meet daw kami ngayon. Wala naman. Inaantok na ako kahihintay. Wala naman si Jason, absent, kaya wala akong matitigan dito. OMG. What am I saying? May girlfriend yung tao oh. Pero tititig lang naman ako. Napabuntong hininga na lang ako dahil parang bang may dalawang version ko na naglalaban sa utak ko. Nagulat na lang ako nung tumabi si Toni sa akin.
"Diba lagpas 30 minutes nang wala si Sir? Pwede na tayo umuwi. Manunuod pa ako ng Game of Thrones", sabi ni Toni.
"As if naman sinusunod pa yung university policy na yun. Papasok lang naman yung mga prof natin kung kelan nila gusto", agad ko namang sagot kay Toni.
Umirap si Toni at ngumisi. "Sama ka samin bukas sa bagong bukas na Korean Restaurant sa bayan. Baka may oppa dun!", sabay aya niya sa akin. "Wag mo sabihing may gagawin ka, sabi mo sakin kanina tinapos mo na kagabi yung mga lab reports", Toni continued.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...