Chapter 2
Pagkapasok ko isang sigaw ang aking narinig. "Happy Birthday!"
Hala! Birthday ko pala ngayon? Hindi ito ang unang pumasok sa isip ko. Busy ako nowadays kaya hindi ko na naalala kung kailan ako ipinanganak.
Pinanganak ba ako sa araw o gabi?
"Wow!" napangiti ako sa kanilang sorpresa.
May mga palamuti na nakasabit. May mga balloons. May cake sa mesa. So habang wala ako rito nagdedecorate sila? Ambilis naman! Nakaka-proud.
Lumapit sa akin si ate at inakbayan ako. "Bakit mo naman nakalimutan ang b-day mo sis?" tanong ni Ate na may bakas ang mukha nang panghihinayang.
Kasalanan ko ba kung nakalimutan ko? My brain is baliw! Na-amnesia. Bow!
Tumango ako at hinalikan ni ate ang aking pisngi. Maya-maya ay may pumasok na...
Okay panira ng moment oh! Pero sa nakikita ko sa mesa ay marami ang pagkain so, nag-order si Ate at nag-order rin ako? Tumpak! Madami ang kakainin ko ngayon. Magiging masaya ang tiyan ko wiee.
Inilapag ng delivery ang pagkain sa mesa. Nilapit nila ang cake sa harap ko. Pinaupo nila ako sa upuan.
"Blow the candle sis." nagagalak nitong sabi sa akin.
Hinipan ko ang kandila at pumalakpak naman silang lahat.
"Oh kainan na!" may excited pa pala kesa sa akin. Napangiti ako sa kanilang sorpresa. May effort eh.
Masaya kaming kumain dito sa kwarto. Ang mga gwardya namin ay abala sa pagsubo ng mga lumpia at bakas sa kanila ang saya. Syempre! Maganda ang may birthday eh.
Mahangin ba? Pasensya na.
Pagkatapos naming mag-celebrate ay bumalik sa kwarto ang mga body guards namin. Magkatabi kaming matutulog ni Ate. Binuksan ko ang aking cellphone. Ang daming greetings galing sa mga kaklase ko ang aking natanggap.
"Masaya ka ba?" tanong ni Ate.
Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. "Salamat ate."
Ganun paman ay may likidong gumapang sa aking pisngi. Sobrang saya ko at hindi ko makakalimutan ito.
Pinahid ni ate ang luha na kanina pa nag-unahang tumulo. "Basta para sa'yo." nginitian niya ako.
Maaga kaming natulog. Hindi ko alam ang saya na aking naramdaman. Kahit na nakalimutan ko, may nakakaalala sa aking kaarawan. Iba talaga kapag may nagmamahal sa'yo.
Kinabukasan. Maaga rin kaming gumising. Ang mga gwardya namin ay kanina pa naghintay sa amin sa labas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Pinasuot sa akin ni Ate ang dress na kulay pula. Kahit na absent ako sa klase pero masaya naman dahil sa korea ang uwi.
Sumakay na kami sa van. Dumaan ang halos dalawang oras ang aming biyahe. Huminto kami sa tahimik pero masayang tao ang nandirito.
Sa Nami Island
Pinasakay ako ni ate sa bike. Nakisakay rin ang mga gwardya namin. Bale tig isa isa kami ng sinasakyang bike. Nagpaikot ikot kami sa mga daang aming nakasalubong.
Pagkatapos namin sa Nami Island ay dumaretso kami sa N Seoul Tower.
Dumating rin ang gabi. Sulit na sulit ang South Korea happenings ko.
Ang dali lang ng oras. Bukas ay balik na sa Pilipinas. Maaga kaming natulog ni Ate kasi maaga din kaming aalis bukas para hindi kami magabihan sa pag-uwi sa Pilipinas.
K I N A B U K A S A N
Niligpit muna namin ang aming mga gamit at dahan-dahang inayos papasok sa maleta. May kinuhang private plane si Ate. Ganoon ba kami kayaman? Eh may pa private.
Matagal din ang duration ng biyahe. Pero katulad din sa inaasahan ko ay sampung oras ang lipad ng eroplano. Bumaba na kami at sumakay sa bus. Hindi na private bus ang kinuha ni Ate.
Hapon narin kaming dumating sa mansion. Sinalubong kami ng mga maids namin. Binati nila ako ng Belated Happy Birthday. Pero sana namn binati nila ako noong isang araw para walang belated. Eh oo baka nga hindi ako masorpresa kasi alam ko na para sa birthday ko ang magiging trip namin sa Korea.
Hinanda ko muna ang aking sarili bago lumusong sa hapag kainan. Binuksan ko ang aking laptop. At sanda makmak ang replies nila sa akin na bakit daw ako absent. May ilan na binati ako ng happy birthday. Puro naman mga tanong itong sinalpak sa akin. Eh kung sasabihin ko sa kanila na nag 2 day trip kami sa Korea. Hehe. May maniniwala ba?
Lumusong na ako sa hapag kainan. Mayroong cake at ice cream tsaka may lechon manok. Iba talaga itong si Ate. Ang daming mga pamana ni Dad at Mom. Pero ako wala pa kasi hindi pa ako nakatungtong sa 18. Ako 16 pa ako eh. Psh! Ang mana ko!!!!
Nagsimula na kaming kumain. Halos puro tawanan lang ang namumuo sa mansion. Pinag usapan rin nila ang naging reaksyon ko nang nalaman ko na nasa korea kami at ang naging tanong ko kung sa south o sa north ba. Eh ang sagot ni ate sa North kaya ako nakasimangot noon. Tinawanan nila ako. At noong ako si tanga na naunang lumakad at mali ang direksyon na aking tinahak. Yun ang lakas na naging tawa nila.
Ako dito nakaupo lang. Pa chill chill. Kumain ng ice cream. Nag una na akong magsipilyo at hindi ko na pa sinabay si Ate. Ang sarap ng ice-cream eh.
Pumunta ako sa itaas at binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang account sa facebook ko para magtanong sa mga kaklase ko kung ano ang mga leksyon na tinuro ng mga advisers namin.
Palagi nalang ba ako nagbubukas ng laptop? Sensya na.
Ang sinabi lang nila ay walang ganoong assognments. Ganoon pa man rin. Binigyan lang sila ng mga reviews sa subjects kasi malapit na ang test namin.
Nang nakaramdam ako ng presensya sa aking likod ay agad ko itong hinarap. Si ate lang pala. Akala ko multo eh
"Diba sabi ko sa'yo wala munang fb. Aral muna ang atupagin mo"
"Ate ba't mo naman sinabi sa mga maid natin ang tungkol sa paging tanga ko." sinamaan ko ito ng tingin at pilit na kinalma ang loob ko. Madali lang kasi akong mainis or mapikon.
"Don't change the topic" cold na sabi ni ate.
"Nagtanong lang ako kung ano ang lessons na tinuro ng prof namin---"
"Totoo ba yan?"
"Ano'ng akala mo sakin ate sinungaling? Before ka manermon eh sana nagtanong ka muna!"
Lumabas ako sa aking kwarto at doon ako lumabas para magpahangin. Gusto ko munang mapag-isa sa ngayon. Ang dali lang kasing uminit ng ulo ko. Hindi ko mapigilan ang mapagsalitaan si Ate.
Pumunta ako doon sa swimming pool namin at umupo. Ramdam ko ang presko ng hangin na sumampal sa mukha ko at sumabay sa galaw ng aking buhok.
Sana naman hindi na manermon si Ate. Nakakasama tuloy ng loob. Minsan nakakasawa rin pala na palagi kang sesermunan.
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...