Chapter 11
"A-ate..."
Wala man lang akong nagawa pagkatapos siya mabaril. Tinuhod ako ng dalawang babaeng humawak sakin. Agad nila akong isinandal sa pader. Wala akong ganang tumayo. Masakit pa ang aking katawan pero nagtiyaga akong makabalanse papunta kay ate. Gusto ko sanang sundan ang gang members na yon.
Hinawakan ko ang kamay ni ate. Dahan-dahang tumulo ang aking luha, para siyang ulan kasama rin ang paghagulhol ko.
"Ate! 'Wag mo naman akong iwan oh! ang daya mo..may role ka pa sa mundong ito kaya hindi ka pa pwedeng mamatay. Eh ano 'to?!"
Kinapa ko muna ang aking bulsa kung nandito pa ang aking cellphone. Pero wala eh. Nakalimutan kong dalhin.
Kinapa ko rin ang bulsa ni ate kung nandoon ang cellphone niya, nakita ko rin ito.
Tinype ko ang numero sa ambulansya. Maghihintay pa ako ng ilang minuto para pumunta sila sa may lumang rent house.
Dahan-dahan ko munang pinatayo si ate. Umaasa ako na buhay pa din siya. Binuksan ko ang wooden door ng rooftop para makababa kami sa hagdan. Sa tingin ko ay nasa ikalima na palapag na kami.
Nang makaabot kami sa ikaapat na palapag, may nakita akong anino. Papunta siya sa direksyon namin.
Nang maiangat ko ang aking tingin. Isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Si Jake.
"Jake." sambit ko sa kanyang pangalan. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan. Tinulungan niya akong buhatin si ate. Hanggang sa makapunta kami sa gate kung saan doon naghihintay ang ambulansya.
Nagtataka ako kung bakit alam 'to ni Jake.
"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Jake. Lumingo siya sakin. Inalalayan niya ako papasok sa ambulansya samantalang si ate ay inihiga sa stretcher.
"Ayaw mo ba akong nandito?"
"I'm dead serious Jake." sinamaan ko ito ng tingin. Nasa seryosong sitwasyon kami ngayon at may gana pa siyang mambiro.
"Mommy ko kasi ang may-ari sa hospital."
Nakalimutan ko nga pala. Ang mommy niya ang may-ari ng Asuncion Hospital.
Kaya kung may mangyayaring masama na tungkol sakin ay alam na agad ni Jake. Sa mga sitwasyon katulad nito ay nagawa pang magsabi ni Mrs. Asuncion kay Jake.
"Salamat Jake dahil nandito ka."
"Wala iyon. Ikaw pa. Mahal kita eh"
Bigla nalang akong natigilan sa huling katagang binitawan niya. Maya-maya ay tumawa siya ng biglaan.
"As a bestfriend." sabay halakhak niya.
Ewan ko kung bakit may kaibigan akong ganito na malakas ang topak sa ulo. Sana naman may dumating diyan na isang kaibigan. Nasawa na ako sa kabaliwan nito. Pero kuntento na ako sa anong meron ako, siya lang kasi ang nagpapainis at nagpapasaya sakin maliban kay ate kaya wala na akong maihihiling pa.
Nang makarating na kami sa kanilang ospital ay agad na dinala si ate sa emergency room. Ako naman ay pinaypo sa kanilang waiting area samantalang sinabayan ako ni Jake sa pag-aalala. Inakbayan niya ako at pinatahan dahil kanina pa ako umiyak dito. Hindi ko alam ang mangyayari sakin kapag wala si ate.
Sinandal ni Jake ang ulo ko sa kanyang balikat habang ako ay patuloy parin sa pag-iyak.
Nang lumipas ang oras. Lumabas rin ang Doktor. May namumuong katahimikan dito sa labas kaya may masama akong kutob dito.
"Doc..kamusta si Ate?" tanong ko.
Hindi ko maipinta ang reaksyon ng doktor. "The patient is...."
"Doc...please."
"The patient is Dead On Arrival"
Parang gumuho lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Nawala na ang lahat ng sakin. Una si mom at dad ngayon naman si ate? Sino ang susunod? H'wag naman ganito ang parusa ko, buhay ang konektado dito.
"Jake."
Niyakap ako ni Jake at pinaupo uli sa bench. Dahan-dahang tumulo ang aking luha. Sinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat. Pilit niya akong pinapatahan. Kung sino man ang susunod na mawawala sana ako nalang. Because I can't handle this situation anymore. Bakit lahat ng malalapit sa akin ay nawawala?
Eh sino ang susunod? Si Jake? Please lord h'wag niyo naman akong parusahan ng ganito oh. Ayoko na! Sawang-sawa na ako! Gusto ko nang mamatay para wala nang hirap!
Pinauwi muna ako ni Jake sa amin. May sinabi siya sakin na ihahatid niya ako sa mansion pero tumanggi lang ako. Patuloy lang ako sa paglakad.
Gusto kong mapag-isa. Lahat nalang ba ay unti-unting mawawala? Bakit ganoon?
Sana ako nalang...ako nalang...ngayon mawawala naman rin ako.
Natanaw ko ang tulay. Gusto ko nang magpakamatay. Ayoko nang maghirap pa na puro kamalasan lahat ang nangyayari sakin. Itinaas ko ang aking paa sa railings at pinatong ko doon. Dahan-dahan akong humawak sa railing.
Kahit lahat naman hindi gustong mamatay, pero kapag nasawa na, magpapakamatay nalang. Kahit masama at ayokong mamatay, dahil sabi sakin ni ate noong nabubuhay pa siya na hindi pa pwede mamamatay ang isang tao dahil may role pa siya sa mundong ito. Naisip ko iyon.
Naisip ko kung anong role ko. Ano nga! Ang role ko ba ay iiyak? Iiyak at magtitiis sa hirap na wala ang minamahal sa buhay? What the f*ck?! Ang role ko lang ay taga-iyak. Taga-tiis. Taga-tawa sa may kasamang nagpapaligaya sakin pero siya pala ang mawawala.
Tutal wala namang natitira sakin. Si Mama patay na. Si Papa patay na. Pati ang ate ko ay patay na.
Lahat nalang ba ng mahal ko sa buhay kailangan mamatay? May role pa naman sila sa mundong ito ah.
Si mom, mag-aalaga samin ni ate.
Si dad, magtatrabaho ng maige para mabuhay kami na lahat ng kailangan namin ay makukuha namin.
Si ate, ang tagapagsalo sa problema ko. Tagapagsaya sakin.
And why the hell na kailangan pa humantong sa ganito ang sitwasyon ko?!
Gusto ko nang mamatay...
Gusto ko nang mamatay...
Gusto ko nang mamatay...
Handa na ako. Bumitaw ang isa kong kamay sa railing. Kapag bumitaw ang isa kong kamay ay mahuhulog na ako sa dagat.
Nang malapit ko nang ibitaw ang railing ay nay humawak sa aking braso. Nakatalikod ako mula sa kanya kaya hindi ko ma-rerecognize kung sino ito. Hinawakan niya ang kamay ko na papabitaw sana kanina.
"Kung nais mong mamatay, magpabaril ka sana sa gang namin"
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Fiksi Remaja[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...