Chapter 7

1.1K 18 0
                                    

Chapter 7


"Goodbye my friend"

Bago pa maiputok ni David ang baril. Nakawala agad ako sa kamay ng kanyang mga tauhan. Sinipa ko sila.

Nang makawala na ako, ako ang natamaan ng bala na binitawan ng isa sa kanyang mga tauhan at tumama ito mismo sa aking binti.

Si daddy at mommy ay naliligo na sa dugo na hindi ko kinayang tingnan.

Paika-ika akong lumapit sa kanila. Bumuhos lahat ng luha ko. Ang luha ko ay pumatak sa kanilang paa.

Hinagkan ko sila mom at dad kahit na patay na sila. May humawak sa braso ko. At iyon ay ang lintek kong tiyohin.

"Halika na! Ipapagamot natin ang binti mo." mahinahon niyang sabi

"Hindi! H-hindi ko iiwan sina mom at dad." mangiyak-ngiyak kong pakiusap.

"Patay na sila!" sigaw niya. Hindi ko alintana ang kanyang mga tinuran.

"Bitawan mo'ko!" sigaw ko pa uli.

"Bitaw sabi eh!" sigaw ko pa pero ayaw niya talagang kumalas sa pagkakawak sa braso ko.

Pinatayo niya ako ng matuwid. At hinila ako papunta sa kanyang plano. Sinakay nila ako sa itim na van nila. Yung van na sinakay na ginamit nila sa pagkidnap nila mom at dad.

Pinaupo niya ako. Bibalik niya ang lubid sa aking kamay para hindi makawala. Hindi niya ako nilagyan ng panakip sa baba.

Nakarating kami sa mansion. Mansion ni tito. Ni David pala.

Pinaupo nila ako sa malambot at malaking sala. Maya-maya may tinawagan siya sa kanyang telepono. Ilang sandali ay dumating ang doktor.

Dinala nila ako sa isang kwarto. Mas malaki pa ito unlike sa kwarto ko in previous. Pero wala akong pakialam. Puro saya ang nangyayari doon. Pero dito puro kalungkutan.

Inihiga ako ng doktor sa malaking kama. Nakaupo sa isang couch si David. Habang pilit na ginagamot ang binti ko at kinuha ang bala. Ininda ko ang sakit kahit na may panlaban ito.

Lumuwag na ang pakiramdam ko dahil wala ng sakit ang binti ko. Nilagyan ito ng bandage.

Pero kahit wala na ang bala at maayos ang aking pakiramdam. Deep inside sobrang sakit. Pinatay niya ang aking mga magulang.

Lumabas sa kwarto sila Doc at David.

Tumagilid ako sa pagkakahiga. Iniisip ko ang magagandang pangyayari ko sa buhay noong nandoon pa sila mom at dad.

Tumulo na pala ang aking mga luha. Hindi malinaw ang pagkakatingin ko sa aking paligid. Maya-maya ay unti-unting pumikit ang talukap ng aking mga mata.

Nang nakaramdam ako ng prisensya. At ramdam ko ang paghaplos nito sa aking buhok.

"Gising na princess." sabi nito. "Aalagaan kita princess...ituturing kitang bilang anak ko." mahinahon niyang sabi.

Kahit narinig ko ang tinuran niya na gumising na ako ay ayaw ko parin iyon. Kasi para narin akong nagising sa katotohanan.

Gusto kong matulog na puro kasinungalingan.

Sana hindi nalang ako magigising dahil parang hindi ko tanggap na wala na sila.

Ramdam ko parin ang kanyang presensya sa aking tabi. Hindi ba ito aalis?!

Ginising ko rin ang aking sarili. Ang gago ay nakatulog sa couch. Ang bait niya kapag natutulog. Pwe! Yakk.

Gumising narin siya at sinalubong ang walang bahid na emosyon kong mukha.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon