Chapter 8

924 20 0
                                    

Chapter 8

Nang makauwi na kami sa mansion. Ganun parin ang takbo ng mundo ko. Tahimik, walang asaran. Matagal ko nang hinanap ang ate ko.

"Ate, ayos ka lang?"

Hindi niya ako pinansin at dumaretso siya sa kanyang kwarto. Ako naman ay walang imik na umakyat sa pangalawang palapag.

Dati rati lagi kaming nagkuwentuhan ni ate. Iba na ngayon ang feeling eh.

Nagpalit muna ako ng maisusuot. Pajama at t-shirt lang naman.

Bumaba na ako para maghapunan. Handa na ang aming ulam. Gutom na ako. Ugh

Umupo na ako sa aking silya. Pinagmasdan ko ang wangis ni Ate. Pababa na siya ngayon.

"Kain na tayo." cold niyang sabi.

Nakalimutan ba niya ang dasal?

"Ate..magdasal muna tayo" sabi ko. Tinignan ako ni ate na walang ekspresyon sa kanyang mukha. Kung magalit siya edi magalit siya. Wala na akong paki kasi hindi ko na siya kilala.

"Tss." dinig kong singhal niya.

"Ate ikaw na ang mag-lead ng prayer." aya ko sa kanya habang inayos ko pa ang aking buhok. Ipapaalala ko sa kanya ang aming ginagawa.

"Ikaw nalang."

"Eh ate..." pagpupumilit ko.

"Ikaw nalang sabi eh!" sigaw niya.

Nabigla ako dahil sinigawan niya ako. Hindi naman siya ganito. Payak akong ngumiti.

"Ikaw na." balik niya sakin.

Ako nalang ang nagprisinta na mag-lead sa prayer. Ang mga maid nga namin nagtataka. Halata sa kanilang mukha ang pag-aalala sakin.

Hindi ko naman masisisi si Ate, yan naman ang epekto ng pagiging gang member. Hindi iniisip ang nararamdaman ng iba. Walang paki sa kanyang paligid.

Tahimik akong kumain dito. Inaya ko ang mga maid namin na makisabay sa hapunan, pati narin ang aming mga gwardya.

Ako na ang naunang matapos sa kinain ko. Nagsipilyo muna ako at nagmadaling umakyat sa aking kwarto.

Humarap ako sa salamin. I saw my reflection there. Para na akong mamamatay sa ganitong sitwasyon. I'm hurt. Ang feeling na parang nakalimutan ka na ng taong natitira nalang sa iyo.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin na umiiyak. Humihikbi. Gusto ko na may taong magpapatahan sa aking iyak ngayon.

Pinilit ko ang sarili ko na mapangiti pero ayaw talagang sumunod ang labi ko.

Huminga ako ng malalim at humiga sa aking kama. Niyakap ko ang unan ko. Patuloy parin ako sa paghikbi. Gusto ko na may taong yumakap sakin tulad ng kinasanayan ko.

Wala na kasi ang ate na matagal ko ng kilala pero ngayon.... Wala na! Kinalimutan niya na ako. Feeling ko nga eh para akong ewan. Wala lang ako. Palamuti lang ako sa kanyang paligid. Ang parating ginagawa ay magpaganda para ma-amuse ang iba sa kagandahan.

Nang patuloy ako sa pag-iyak ay nakatulog rin ako.

Narinig ko na may pintong bumukas. Hindi ko nalang ito pinakialaman pero curious ako. Kahit naniniwala ako sa curiousity kills the cat.

Kinuha ko muna ang flashlight ko. Tinignan ko ang wallclock. 11:57. Sa ganitong hatinggabi?

Lumabas ako sa aking kwarto. Wala akong ginawang ingay. Nakita ko sa di malayong direksyon ang nakaitim na babae. Naka-cap siya. May high-heels na suot. Puro black ang suot niya.

Pero nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Si Ate..

Sinundan ko siya patungo sa labas ng mansion. Napansin niya na may kaluskos akong ginawa pero balewala lang sa kanya. Tulad ng pagbalewala niya sakin sa tuwing nasa paligid niya lang ako,naghihintay sa kanyang yakap.

Sumakay siya sa itim na van na iyon. Tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing gabay ko sa aking daan na tinatahak.

Sumakay ako sa kotse para sundan sila.

Nang makarating ako sa hindi pamilyar na lugar. Bumaba ang anim na babae pero wala...wala si Ivan..so? Hindi nga siya kasali. Bakit ko ba siya hinahanap?

Nagtago ako sa puno. Nakita ko na rin sila na may tinatago.

May bitbit silang baril. Nakita ko si Zephariah na may bitbit na kutsilyo at baseball bat.

Si Ate naman...hawak hawak niya ang baril. Nagtawanan pa sila.

Ganito talaga ang maging pakiramdam mo noh?

Lumayo sila sa bahaging iyon. Ngayon nakita ko ang lalaking naka-eye glass. Akala ko isa siya sa gang na iyon pero sinipa ni Zephariah ang lalaki dahilan para matumba ito.

Napasandal ang lalaki sa pader. Pinaputukan siya na Zephariah. Napatakip ako sa aking bibig.

Nakita ko ang talsik ng dugo sa pader. Binubogbog nila ang lalaki. Nakita ko si Ate na parang walang ginagawa?

Siya lang ang nakatayo at walang ginawa. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ngayon.

Parang unti-unti ko nang nakilala si Ate ulit. Hindi niya kayang manakit ng iba. Lalaki man o babae, bakla o tomboy.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?! Kumilos ka!" sinigawan ni Zephariah ang ate ko.

"Wala na kasing pwesto diyan eh." napakamot sa ulo si Ate at tumawa na parang ewan.

Hindi ko parin tinanggal ang wrist watch ko. Pagkatingin ko dito. 1:33

Sumakay na sila sa kotse. At ako naman sinundan ang kanilang kinaroroonan

Napahinto sila sa shop. Hinalughog nila ang shop na iyon ng madalian. Ginamit nila ang baril para makagawa ng butas.

Nakamaskara silang lahat. Hindi ko mamukhaan si Ate. Di ko na kasi alam ang kilos niya.

May kinuha sila sa drawer ng cashier. Nakita ko ang kapal ng perang iyon. Kinuha nila iyon at isinukbit sa isang bag.

Naghiwalay muna sila. Nakita ko ang isa doon na may ginawa sa CCTV. Wala akong masabi. Ang talino niya! Sana may pumalakpak sa kanya kahit masama ang ginawa niyang iyan.

Ang ibang kagrupo ni Ate ay may kinuha sa corner. Mga softdrinks. Mga chutchirya ang nandoon. Isinukbit nila iyon sa bag.

Pagkatapos sa iligal na gawain nila. Pumunta agad ako sa aking kotse. Nagmadali akong tumakbo.

"Teka...may tao ata." boses iyon ni Gabby.

Nag-isip muna ako ng gagawin para hindi ako mabuking. Ah!

"Meow~" pagboboses ko sa pusa. Cute kasi ang boses ko kaya madali silang nauto.

"Ano'ng tao?! Eh pusa eh! Pusa! Letse ka talaga!" sigaw ni Cheska kay Gabby.

Hindi nila ako nabuking. Pinarada ko kasi ang kotse sa di kalayuang direksyon mula sa kanila.

Sinimulan na nilang iandar ang kotse pero napatigil ako dahil tumigil sila. Bumaba si Zephariah sa itim na van. Napansin ko na papalapit siya sa kotse ko.

Kumatok si Zephariah. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang glass pane ng kotse ko.

Pero wala rin akong nagawa kundi buksan ito. Nanginginig ang buong sistema ko dahil kahit papaano mamamatay na ako sa ilang sandali.

Tinignan ko sa mata sa mata si Zephariah. Naka-smirk siya sakin at may baril na hawak. Itinutok niya iyon sakin.

"Lenna?" tawag ng kung sino.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon