Chapter 62
>Day 7<
Jake's POV
Nahihirapan akong makitang nasasaktan si Lenna. Parang pinipiga ang puso ko. She's my bestfriend at hanggang dun lang. Alam ko na mahal na mahal niya si Ivan at nakikita kong nagmamahalan silang dalawa.
Gagawin ko nalang ang nararapat para maging masaya si Lenna. Kaibigan ko siya at mahal ko siya.
Lenna's POV
Kinakabahan talaga ako. Ngayon na kasi ang last examination namin at kailangan kong maipasa ito para malaki ang makuha kong grado. Tsaka sana maging valedictorian ako.
"Kinakabahan ako Queen" sabi ni Xommia na nasa harap ko.
Magkaiba na ang seating arrangement dahil wala na si BG. Wala parin namang pinagbago sa akin dahil parating nalulungkot.
Xommia | Ramzo
AKO | Iverson
Euclid | MengerPumasok na ang aming examiner at binibigyan kami ng mga testpapers. Hindi halata sa iba na kinakabahan ako pero sa kaloob-looban ko, nanginginig ako sa kaba.
Like oh my god!
Okay kaya ko 'to!
Naiisip ko si Ivan....hindi siya makakapag-take ngayon pero nagkakaroon siya ng special examination.
Natapos ang tatlong oras na exam ay ipinasa na namin ang aming mga tespapers.
"Sana pumasa ako!"
"Papasa ka." pagpapalakas ng loob ko kay Xommia.
Sabay-sabay kaming lumabas ng G.U. pero hindi muna kami uuwi sa mansion or pupunta sa ospital pero pupunta kami sa malapit na 7 eleven malapit dito sa G.U.
Third Person's POV
Papalabas na sila sa 7 eleven na dala dala ang mga snacks. Maliban kay Queen na walang dala at naunang naglalakad.
Nagtatawanan sila sa away na naman nina Xommia at Ramzo. Hindi pa sinagot ni Xommia si Ramzo pero parang sila na..hindi nga lang mawawala ang bangayan ng dalawa.
Sa kalagitnaan ng tawan ay nagulat na lamang sila na may itim na van ang huminto saglit at hinila si Queen papasakay sa itim na van na iyon.
Natataranta ang mga kasamahan niya dahil hindi nila maaabutan ang van dahil wala silang dalang kotse dahil nasa parking lot pa ng Gilford University o G.U.
Lenna's POV
Todo pumiglas ako sa pagkakahawak ni Haydee sa mga braso ko para itali niya. Pati narin ang mga paa ko ay sinali niya.
"Saan mo ako dadalhin ah?" tanong ko kay Haydee.
"Basta tumahimik ka nalang at sumunod. Ayoko pang mamatay noh" bulong niya sakin.
Si Zephariah ay nanatiling nagmamaneho.
Matagal ang biyahe. Nakaagaw ng pansin ko ang bakanteng lote na pinuntahan namin noong si BG ang pinuntirya nila.
Maya-maya ay huminto na ang van at pinapababa ako ni Haydee. Ilang beses ko nang gustong magpumiglas pero ang higpit ng hawak ni Haydee. Sunod sunuran lang naman pala si Haydee. Eh bakit ginagawa niya ito?
Tsk! Loyalty! Loyalty!
Habang hawak hawak niya ako ay umakyat kami ng hagdan. Magulo at maalikabok rito. Hindi ko alam kung anong lugar ito.
Umakyat muli kami sa hagdan at pumasok sa double door.
"Hawakan mo ng maigi" utos ni Zephariah kay Haydee.
I guess this is my last day of existence here on earth. Right?
Tinanggal ni Haydee ang pagkakatali sa kamay ko pero plano kong suntukin siya pero hinawakan niya ng mahigpit ang kanan kong kamay
Ang kaliwang kong kamay ay may nakataling lubid at ikinabit sa kaliwang pader. Nakataas na ngayon ang kamay ko .
Ganun rin ang ginawa nila sa kanan kong kamay.
"Torture muna ah? Bago patay." nakangising sabi ni Zephariah.
"May 3 days ka, sa 3 days na iyon ay torture pero mga light lang." sabi ni Haydee
"Sa 3 days na yun kailangan matunton ka ng mga kasamahan mo. Hindi ito Temporary Hide-out namin." nag-smirk siya "Sana mahanap ka nila pero malabo namang mangyari yun." ngumisi ito.
Umalis na sila Haydee at Zephariah. Someone help me please....
Xommia's POV
Nandito kami sa mansyon at tinatawagan si Gabby. Alam ni Gabby kung saan kami dahil nung may natanggap si Queen na death threat mula sa kanila at lagi siyang sinusundan kahit saan.
"Oh? Bakit niyo ako ipinatawag?" tanong ni Gabby. Umupo si Gabby sa tabi ni Menger kasi boyfriend niya yun eh.
"Alam mo ba kung anong lugar ang pinagtataguan niyo noon?" tanong ko
"Bakit?"
"Kinidnap ni Zephariah si Queen."
"May Main Hide-Out kami at Temporary."
"Pwedeng ituro mo sa amin?" tanong ni Ramzo. Nag-aalala kami rito.
Agad kaming sumakay ng van at pumunta sa Temporary Hide-Out.
Hinalughog namin ang bakanteng apartment pero wala si Queen doon.
Don't lose hope! Makakaya namin ito. Sana nalang pinalagyan namin ng GPS tracking small device si Queen. Pero sabi ni Queen, she can do by her own.
I can't explain this feeling. Halo-halo kasi nag-aalala ako kay Queen. Nasa kanay siya ni Zephariah na wala sa pag-iisip.
"Buong araw natin siya hahanapin." sabi ni Menger
Agad kaming nagsitanguan at sumakay muli sa van and searching all the vacant places.
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...