Chapter 4

1.7K 34 0
                                    

Chapter 4

Wala naman akong magagawa. Pumayag nalang ako. Kung malalaman ko ang totoo edi maayos na iyon.

Nang uwian na ay hinintay ko muna si ate malapit dito sa kanilang corridor. Ang tambayan ng ilan.

Pero parang napahinto ang galaw ng mundo ko dahil nakita ko siyang kasama ang BTS gang. Hindi parin mawala ang kutob ko na may gagawin silang masama sa kapatid ko. Imposible naman na mapasali ito si Ate. Pero may bagay na dapat kong paniwalaan ang nakasali siya.

"O sige..magkita nalang tayo bukas. Bye!" pagpapaalam ni Ate.

Naglakad na kami papalabas sa gate. Tahimik ang mundong kinatatayuan namin. Sumakay na kami sa van.

Napansin rin ni Ate na kanina pa ako nakatingala. Nakita ko sa rearview mirror na gusto niya akong kausapin.

"Ang tahimik mo naman yata." nagtataka nitong sabi.

Nilingon ko si Ate at binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti. Nag-aalala kasi ako sa pwedeng mangyari.

Hinawakan ni Ate ang aking kamay. "Magsalita ka naman."

Tumango ako at ngumiti lang sa kanya. Kapag humarap ako sa kanya parang iiyak ako. Naaalala ko ang nangyari kaninang lunch doon sa cafeteria. Nanganganib na nga ang buhay ni ate! Kailangan may gawin ako.

"Ayos ka lang ba? Alam mo? Lalabas na 'yang kaluluwa mo kapag hindi mo kinausap ang diyosang gaya ko." biro niya.

Kahit sa ngayon gusto kong tumawa pero parang nangingibabaw ang pakiramdam ko. Ang pwedeng mangyari sakaling totoo ang naging hinala ko na si Ate ang maging target nila. Hindi ko siya mabigyan ng totoong ngiti. Na hindi plastic. Hindi ko siya mabigyan ng asar at tampo. Hindi ko siya mabigyan ng tawa ngayon.

Nang tahimik kaming makarating sa mansion ay dumaretso na ako sa aking kwarto. Isinara ko ang pinto ng maayos at ni-lock ko ito.

Pagkatapos kong magbihis. Gusto kong maipalabas ang mga mixed emotion ko. Mga sentimental issues ko. Umupo ako sa kama ko at ipinatong ang ulo ko sa aking tuhod.

Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking pisngi. Am I being OA? Yes. Gusto kong may pumahid nito. Huminga ako ng malalim at hinayaan na humantong sa ganito ang aking nararamdaman.

Para akong nalunod sa tubig. Hindi makaahon. Katulad ng pangyayari ko ngayon. Gusto kong sulitin ang mga pangyayari na kasama ko si ate. Baka sa huli ay maari ko itong pagsisihan na hindi ko man lang trineasure ang aming pagsasama.

Niyakap ko ang aking tuhod. Gusto ko ng tahimik na buhay. Bakit pa ba kasi nabuo ang gang sa school namin? Pati ang sister ko nadamay na!

May kumatok sa pintuan kaya agad akong kumawala sa pagkakayakap ng aking tuhod at dali-daling nag-ayos.

Tumingin ako sa salamin. Halata nga na umiyak ako. Nagpulbo muna ako. Kahit sandali naman oh! Kailangan mawala ang kulay pula sa ilong ko.

Hindi naman ako kapatid ni Rudolph the red nose reindeer psh!

Huminga muna ako ng malalim at binuksan ang pinto. Sinuot ko ang ngiti ko dahil nakaharap ko si ate. Isang pilit na ngiti. Gusto kong umiyak ulit as in ngayon na! Gusto kong pagmasdan ang magandang mukha ni ate.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon