Chapter 57
Lenna's POV
Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ko. Lumingon ako roon at nandun si Xommia na nakatingin sakin.
"Queen, mag-lunch ka muna. Alas dos na baka lipasan ka ng gutom." nag-aalala niyang sabi.
"Hindi ako gutom." walang emosyon kong sabj
"Please queen? Hindi lang kita pinasok kanina dahil tulog ka."
I guess I have no choice. Mahirap tingnan ang taong nag-aalala para sakin.
Bumaba ako. May nakahain nang pagkain sa mesa. Umupo ako na walang gana. Totoo naman kasi, wala akong gana. Baka nga hindi ko malasahan ang pagkain kung masarap nga ito o hindi.
Matapos kong kumain ay nagsipilyo at agad na umalis.
"Teka Queen!" tawag sakin ni Xommia.
"May laban tayo ngayong gabi."
"Hmm Good!" sabi ko nalang para naman may pagbubuntunan ako ng galit.
Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng pocketbook para magbasa.
Dumating ang alas singko at bihis na bihis kami dahil may Gang Fight kami.
Lahat kami ay nasa sala. "Sino ba ang makakalaban natin?"
"Ang rank 5 gang."
Tumango ako at sabay kaming lumabas ng mansion at sumakay na sa van. Pagpasok namin sa Gangster Hall ay ganun parin, puno ng sigawan ang mga manonood.
Tumingin ako sa Gangster Boardlist na ngayon ay nagbago na ang mga nakapwesto. Marami ang mga gangs dito sa Pilipinas. Lagpas sa sampung mga gang. Yan ang ang mga top 10 pero ang bagong nakapwesto ay ang top 12
-----
Overall Gang Fight Rank
1. Gold Razor Empire
2. Devil Eagle Gang
3. Red Cobra Gang
4. Wild Lion Gang
5. Bloody Snakes
6. Dark Blood Gang
7. Sinister Gang
8. Fire Roster Gang
9. Dark Govern
10. Triple X Gang
------Ang Triple X Gang ang bagong gang na nakapasok sa top 10.
Total bored ako ngayong araw plus may sakit ako sa puso talagang dito ko na ibubuhos ang galit ko sa taong ginawa akong tanga na umaasa sa kanya.
Umaasa ka sa taong wala ka lang para sa kanya. Wala nga ba? Sabay-sabay kaming tumuntong sa stage fight.
"Bloody Snakes, their leader Crystal, members---Sarah, Curt, Jaz, (blah blah)"
"Gold Razor Empire---Queen Aire, Xommia, Ramzo, Euclid, Menger and Iverson."
Nakakalungkot lang dahil hindi kami kumpleto. 6-8 gang members lang ang dapat. Parang patay na ang gang namin? Hindi katulad noon na buhay na buhay dahil kompleto kami at nandiyan si BG na minsan ay nang-aasar at minsan hindi nagsasalita.
"Queen." maamong tawag sakin ni Ramzo. Alam ko ang ibig niyang iparating sakin....our group is not alive....parang wala na itong buhay.
"Ganun parin ang strategies." sabi ko sa kanila and the battle starts with the whole. Hindi na ito individual pa, you can either request to Gangster Hall Council na hindi by individuals ang laban.
"Get ready!" sigaw ng MC (Man in Council)
Marami ang lumapit sakin. More than one is many...dito ko talaga ilalabas ang galit ko.
"Ikaw ang uunahin ko Queen!" lumapit sakin ang tatlo. I kicked them all. Ang ginawa ko ngayon ay Taekwando. Wala ako sa mood ngayon kaya pasensyahan na tayo ah?
Lahat sila ay tumba na. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nakikipaglaban pa.
Nasasarapan talaga akong bigbugin ang mga tao ngayon ah? Dito ko na talaga ipapakita ang galit ko sa kanya. Iimagine ko nalang na si Ivan ito.
Tumakbo ako at napunta ang pagsipa ko sa mukha mismo ng kanilang leader. Crystal ata ang pangalan?
Natumba siya at dumudugo ang ilong.
"Urghhh!!! You're gonna pay for this!" galit na sigaw ni Crystal at akmang susuntokin ko ito ng hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamao at nagkaroon pa ng mala-musika sa pandinig ko ang kanyang kamay dahil parang......binabali ko na? Wala akong paki.
"Ahhhhhhhhh!!!!" sigaw niya sa sakit. Ang natitira na lamang ay ang babaeng nasa harapan ko
Binitiwan ko ang kamay niya at muli sumipa ako sa mukha niya. Umikot at sinipa muli ang kanyang mukha. Nagbigay ako ng distansya at sinipa. Isnag sipa nalang.......ayun tumba!
"Gold Razor Empire wins!" anunsyo ng MC. Ano pa bang aasahan nila sa mga laban? We always win.
Agad kaming binigyan ng komento. Ano ang benipisyo kung mananalo ka sa gang fight? Only they would pay you a 1 billion. It depends.
Agad rin kaming umuwi. Sa gate nakita ko doon ang miss na miss ko ng tao sa buhay ko. Lumapit ako roon.
"Jake."
"Long time no see at sorry" niyakap ko siya. Wala eh bestfriend ko yan hindi ko yan iiwasan. Sadyang hindi talaga siya nagpakita sakin.
Pinapasok ko siya sa mansion at umupo sa sala.
"Ito si Xommia-kanang kamay ko. Si Ramzo, Euclid, Menger at si Iverson"
"Bakit parang....wala yung lalaking nakita ko nung nag-away tayo?"
Ang tinutukoy niya siguro si BG dahil siya ang tumawag sakin at ibalik ako sa cafeteria.
"Wala na siya Jake, pinatay siya ni Zephariah."
Kahit na wala kaming patunay na si Zephariah yung pumatay. Isa kasi siyang malaking threat sa buhay namin. Tsaka hindu naman malabong hindi siya makakapaty. Eh yung tito David nga niya, nagawa niyang ipapatay.
"Kamusta ka na?"
"Ayos lang naman" mapait kong sabi. If they're going to ask about my physical appearance, walang pinagbago ag maayo ako pero sa emotional, sobrang sakit! Idagdag mo pa na hindi nag-text si Ivan sa akin para mag-explain.
"Sure kang ayos ka Queen?" sabi ni Ramzo.
"Hindi queen eh kasi ang daming sipa nung Crystal eh. Sapol sa mukha" dinig kong sabi ni Euclid.
"Hindi siguro?" Ngumiti lamang ako.
"Sige uuwi na ako, kinamusta lang kita at humingi ka naman ng tawad."
Tumango ako at hinatid siya sa gate.
K I N A B U K A S A N
"I miss class! May makokopyahan ako sa assignment!" sabi ni Menger na hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. Tsk! May primary source kasi siya sa assignment.
"Wala na si BG kaya wala akong mapagkokopyahan." sabi ni Ramzo at lumungkot ang kanyang mukha.
Pagdating namin sa Gilford University o G.U. nakatingin sakin ang mga estudyante. Tinapunan nila ako ng malungkot na tingin.
Anong nangyari?
Patuloy lang kami sa paglalakad. Pero.....parang tinusok ng ilang beses ang puso ko. Ang sakit! May dagger, swiss knife o kung ano mang uri ng kutsilyo ang tumusok sa puso ko. Isali mo pang may karayom. Basta! Hindi ko maipaliwanag yung sakit na...
Nasasaktan ako at feeling ko gusto kong matumba at umiyak. Parang pinipiga yung puso kong naging bato noon at ngayon naging malambot.
Nasasaktan ako at gusto kong pumatay ng tao. Gusto kong pumatay ng kung sino!
Nasasaktan ako, nasasaktan akong nakita silang dalawa na magkahawak ang kamay at nagpapalitan ng halik.
Naninikip ang dibdib ko na nakikita silang dalawa. Hindi pa nagagawa ni Ivan ito sakin, ang halikan ako.
D*mn I want to kill Haydee! I want to salute my middle finger on her.
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Jugendliteratur[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...