Chapter 12

943 18 0
                                    

Chapter 12


"Kung nais mong mamatay, magpabaril ka sana sa gang namin"

Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Pero wala akong pakialam. Pilit kong magpumiglas sa pagkakahawak niya sa aking pulso pero hinigpitan pa niya ito.

"Bitiwan mo ako." ma-otoridad kong utos. Nakatalikod ako mula sa kanya kaya hindi ko alam ang nakapinta sa kanyang mukha pero kahit ganun paman ay pilit ko talagang lumingon.

Nakita ko ang buhok niya na buhaghag. Pang gangster style. May hikaw rin siya sa kabilang tenga. Pang gangster style nga.

"Umalis ka nga diyan. Bitiwan mo nga ako."

Pero napagtanto ko na ang kasama ko ngayon ay isang gangster. Ang laking manhid ko talaga! Ba't ba ang tanga ko? Hindi ko nalaman agad na binanggit niya kanina ang salitang gang at may namin pa.

"Kung gusto mong mamatay, magpalagay ka nalang sa Blood List namin para mapatay ka nila"

Bigla akong natauhan sa kanyang sinabi. Binaggit niya ang Blood List. Yung mga listahan ng pangalan ng mga taong papatayin nila Zephariah. Ng BTS gang. Ngayon, alam ko na kung sino ang kasama ko ngayong gabi.

Papaalis na ako sa pagkakapit sa railing ng tulay. Bumaba ako. Ngayon ay binitiwan niya na ang aking kamay. Ang tingin ko ay nasa ibaba. Tinignan ko lang ang sapatos nito.

Sa bandang huli ay inangat ko na rin ang aking tingin. Nagtama ang aming mga mata.

Ramdam ko ang ang tensyon sa aura nito. Sa dating palang niya ay pang-gangster na. Sa isa kilos lang niya, mapapatay ka na agad. Napatayo bigla ang aking balahibo.

Ramdam ko ang hangin na sumampal sa mukha ko at napasabay sa pagsayaw ang aking buhok. Napataas lalo ang aking balahibo sa lamig ng hangin.

Ang buong sistema ko ay tumigil. Nanginginig rin ang aking mga tuhod. Pinagpawisan na rin ang aking palad. Tumuyo bigla ang aking lalamunan. Wala akong boses mamaya, sure ako. Wala kong reaksyong ipapamukha sa kanya. Lumunok ako ng pangalawang beses at huminga ng malalim. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"I-Ivan---"

"Hindi ka na dapat nandito dahil gabi na." cold niyang litanya na pumutol sa aking sinabi kanina.

Eh siya ba? Ano naman ang ginagawa niya rito? Dapat kasi hinayaan nalang niya akong mahulog sa tulay psh! Baka naman siguro nagsasaliksik ng mga bibiktimahin at siya ang tagapagsulat sa Blood List ng gang nila pala patayin ni Zephariah.

Pagkatapos ni Ate ay mayroon namang isusunod.

First time ko siyang kaharap at pinakaunang beses ko narinig ang kanyang boses. Ito pala ang nararamdaman ng ilan kapag kaharap mo mismo ang isnag gangster. Pero hindi naman ganito ang nararamdaman ko noong kaharap ko sila Zephariah. Ang naramdaman ko noon ay pag-aalala dahil baka biktima si ate sa kanilang pinaggagawa.

Hindi lang siya isang gangster, may nalaman rin ako na kaunting impormasyon galing kay Jake na marunong siya sa pakikipaglaban like sa barilan, talagang marunong siyang dumipensa para sa kanyang sarili kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit naging back-up siya nila Zephariah.

Pero parang useless si Ivan kasi namalayan ko na palagi siyang hindi sumasama sa gang activities ng kanilang grupo. Yung pagpatay. Wala siya roon.

"Magpabaril ka sana kay Zeph." sabi niya at tsaka tumalikod.

Sa pagbanggit niya sa pangalan ng babaeng iyon ay naalala ko ang pagkamatay ni ate.

Napaupo ako sa aking kinatatayuan. Unti-unting nag-uunahan sa pakikipagbagsakan ang aking mga luha.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon