Chapter 65

759 14 3
                                    

Chapter 65

K I N A B U K A S A N

Third Person's POV

Pinayagan narin ng mga G.R.E. si Queen na pumunta sa ICU para bisitahin si Ivan.

Palaging nagsusumamo si Queen na lumaban si Ivan. Nangangailangan ng heart donor si Ivan. Palaging nagdadasal si Queen sa diyos na sana magkaroon na ng heart donor si Ivan.

Palaging tinitignan ni Jake sa malayo si Queen. Nasasaktan si Queen at pati si Jake ay nasasaktan. Ilang beses na niyang nakitang nasaktan si Queen pero ito ang pinaka malala sa lahat.

Umalis si Jake sa pagsilip sa ICU. Nakaramdam siya ng lungkot sa tuwing nakikita si Queen na malungkot dahil kay Ivan. Dahil kritikal ang buhay ni Ivan, idagdag mo pa na nasasaktan si Queen sa nakuha niyang sakit sa katawan.






Jake's POV

Umalis ako sa ICU dahil ayokong makita na nasasaktan si Lenna. Pumunta ako sa opisina ng doctor at handa ko nang ibigay ang lahat para maging masaya si Lenna.

Mahal na mahal ko siya at dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay gusto kong maging masaya siya.

Pumunta ako sa simbahan dahil may simbahan rito. Ipinagdasal ko sa diyos na patawarin ako sa lahat ng mga kasalanan ko at sana gagabayan ng diyos sina mama at papa na minsan ay wala nang oras para sakin dahil puro trabaho nalang sila dito sa ospital at parang nakalimutan na nila ako. May nangangailangan silang mga pasyente kaya nandiyan palagi sila samantalang ako...kailangan ko sila pero hindi nila ibinigay sakin ang oras nila. Wala naman akong sama ng loob kina mom at dad. Sana....sana....maging okay na ang lahat when I made my final decision.

To make her happy.











Lenna's POV

"Excuse me Miss Ramirez, we will transfer the patient to the operation room." sabi ng doktor.

Gulat akong napatingin kay doc "b-bakit po?"

"Nagkaroon na siya ng heart donor."

Sobrang saya ng puso ko. Salamat dahil may mabait na tao ang tumulong at ibinigay niya ang kanyang buhay kay Ivan. Hindi ko maipaliwanag sa kanya ang saya ng aking nararamdaman. Laking pasasalamat ko sa taong iyon.

Maya-maya ay lumabas na ang doctor at binigyan kami ng magandang balita at mamaya na rin ay gigising si Ivan kaya hihintayin namin ang kanyang comeback

Pumunta muna ako sa opisina ng doctor para itanong kung sino ang donor at makapagpasalamat ako sa kanya sa pamamagitan ng pagdadasal.

Kahit na masakit ang katawan ko ay pinipilit kong alamin.

"This is for you Miss Ramirez."may inabot na small envelope sakin si doc.

"Ano po 'to doc? Ah este pinamimigay ni sino?"

"I haven't read that because it's private at it's for you daw"

Tumango ako at lumabas na sa kanyang opisina at bumalik sa kwarto ni Ivan.

Umupo muna ako sa sofa at kunot noo ko itong binuksan.

----

Lenna,

Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Alam mo naman sigurong mahal kita diba? Sa pagmamahal kong ito...I'm willing to risk everything just to make you happy. Makikita lang kitang masaya ay masaya narin ako. Bestfriend, sorry rin sa mga kasalanan ko. You know how much I love you so I'm giving my life to Ivan. You love Ivan so much so I gave him my heart for you to live happily with him.

-Jake d' Asungot

----

Para akong nawalan ng kulay sa mundo. Bakit ba niya ito ginagawa sa akin?

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Jake! Pati ba naman ikaw?! Nawalan na nga ako ng ina, ama at kapatid...mawawalan na naman ako ng isang mabuting kaibigan?

Jake! Ang sakit na mawalan ng kaibigan! Jake! Sorry kung hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo but...sana hindi mo na ito ginawa. Ang sakit lang eh...

Isang matalik kong kaibigan. Nag-iisa kong kaibigan simula nung elementary. Masakit na mawalan ka ng taong importante sayo.

D*MN IT!

Bakit hindi nalang ako maging masaya? Wala na bang paraan para maging masaya ako? Bakit ba...kung maging maayos na...saka naman may mawawala?!

Wala na ba akong pag-asang...maging masaya man lang? Am I destined to be alone? Am I destined to be hurt? Kung ganon man iyon, sana hinayaan nalang ako ng diyos na mamatay sa kamay ni Zephariah para hindi ko na makita ang ginawa ng mga mahal ko sa buhay.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon