Chapter 58

424 8 0
                                    

Chapter 58

Lenna's POV

Recess time, lahat ng mga kasama ko may ganang kumain. Ako wala...kinukulit nga ako ng katabi ko na si Jake na kumain at pilit isubo sa aking ang french fries pero tinapik ko lang at umiling.

"Queen, please?" pagmamakaawa ni Ramzo. Wala akong gana!

"Queen sige na. Kami itong nasasaktan sayo eh." sabi ni Xommia.

"Queen, ang makita kang masaya..masaya kami pero kapag ikaw ay malungkot...malungkot kami" sabi ni Euclid.

"Queen....sige na " pagpupumilit ni Iverson.

Umiling ako. "H-hindi. O-okay lang ako." garalgal na boses na sabi ko.

"Punta muna akong restroom." sabi ko at umalis. Dumaretso ako sa restroom.

Pumasok ako sa isang bakanteng cubicle at doon ko pinigilan kanina ang luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Ang sakit eh! Hindi ako sinipit ni Ivan, iyon naman pala nakikipaglandian kay Haydee.

Pero ano bang karapatan ko para magalit? Magalit sa kanya eh wala namang kami. Bakit ba ako nag-aassume? Si Haydee nga ang ex girlfriend niya at first girlfriend. First love never dies.

"Kawawa naman si Queen Aire"

"Oo, at ang landi pa talaga ng dalawa"

"Ang maharot na Haydee na kumakapit sa braso palagi ni Ivan tss."

"Mapapatay ko lang talaga sila para lang sa idol ko"

"Bess"

Wala na ang mga nag-uusapang mga babae. Napahagulgol ako ng malakas at napatakip ako sa baba ko. I'm deadly hurt. I'm in pain.

"Yugiga Apayo" bulong ko at tinuro ang puso ko. (Meaning: It hurts here)

"Apeum." sabi ko habang umiiyak. Sinusuntok ko ang dibdib ko kasi masakit. (Meaning: Pain)

Bakit ba ako nag-kokorean dito? Tss sa kakapanood ng kdrama. Ang kdrama na puno ng nakakaiyak na episodes.

Muli ay umiyak ako...may gana pa akong mag-joke sa sarili ko? Ewan ko kung joke ba yun.

Hindi parin mawawala ang sakit ng puso ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Bumalik na naman ako sa pagiging mahina. Ang Lennaire Aryx Ramirez na mahina.

It sucks to be like this yung matapang ka sa laban pero mahina ka sa pag-ibig. Basta sa pagmamahal...marami talaga ang tanga. Masasabi kong tanga ako dahil....nagpaka-assume ako na mahal ako ni Ivan! Hindi naman pala niya nakakalimutan ang ex-girlfriend niya.

Lumabas ako ng cubicle. Nanghilamos ako.

Siguro nga dahil mahal ko na siya.....

Mahal ko si Ivan, mahal ko na siya

Bumalik ako sa cafeteria pero wala na sila. Iniwan ba naman daw ako? Bakit lagi nalang ako iniiwan ah?! Wala ba akong karapatang maging masaya dahil nandiyan ang nagmamahal sakin pero.....

Ang mga taong nagmamahal sakin ay iiwan ako. Pakiusap! Wag niyo akong mahalin oh?

FLASHBACKS

"Lenna! Dalian mo diyan!!!"

"Ate?"

"Kain na.."

Sinundan ko siyang pumunta sa dining room namin. Kami lang dito ni Ate ang nakatira pati ang mga maids namin.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon