Chapter 56

409 9 0
                                    

Chapter 56

K I N A B U K A S A N

Lenna's POV

Hindi ko alam kung susupot ba ako sa friendly date namin. Aish! Friendly date lang yun hindi yun ano...date na para lang sa magjowa.

Nanatili parin ako sa bath tub. Iniisip ko kung sisipot ba ako dahil wala akong sinabi kagabi na pumapayag ako.

Nang matapos na ako dito ay nagbihis na. Tss napakagaling naman ng mang-aaya ng date hindi pa naman sinabi kung anong oras?

Sabay sabay kami ng mga ka-gang ko na kumain ng almusal. Kung sinong nagluto? Walang iba kundi si kusinerang Xommia.

"Bakit hindi ka kumakain ng rice Xommia?" tanong ni Ramzo

"Wala kasi akong malalasahan sa rice eh"

"Uyyy bad yan ah?" nakangusong sabi ni Ramzo.

"Lagyan mo nalang ng flavor ang kanin mo. Its either strawberry, chocolate or vanilla" sabi ni Euclid na halata namang namimilosopo.

Agad akong natapos sa kinain ko. At nagsipilyo.

Pumunta ako agad sa itaas at kinuha ang cellphone ko. May dalawa akong unread messages.

---
From: Ivan

Magkita tayo sa 7/11

-----
From: Ivan

10:00 ang date natin ^___=

-----

Hindi naman siguro obvious na excited siya noh? Bakit sa 7 eleven? Hahaha tatawa nalang talaga ako dahil sa 7/11 kami magde-date. Pumili ako ng formal attire dress. Ano kayang mas bagay sakin?

Kinuha ko ang pink dress, red dress, white dress, black dress at lemon yellow dress.

Lahat ng dress na iyon ay ipinatong ko sa kama. May biglang pumasok sa kwarto ko. Ay? May nakalimutan?

"Uyy Queen! May date ka noh?" tanong ni Xommia.

Hindi ako sumagot. "Ay may date nga?"

Kinuha ko ang mga flat shoes ko. Tatlo lang naman ang inilapag ko sa sahig.

"Need help?" nakangiting tanong sakin ni Xommia.

Parang kailangan ko nga ng tulong? Wala akong alam sa susuotin during dates. At wala namang special sa date namin dahil friendly date lang naman. Wag na akong mag-aassume dahil masakit yun.

May kinuhang red at white dress na may kulay blue na inline. Magaling si Xommia sa mga fashions. Hindi lang sa pagluluto.

Itinapat niya yun sakin. "Hmmm? Ito mas bagay." pagtukoy niya sa puting dress.

"Ang ang flat shoes....mas bagay kung yung light pink." I smiled then tumango ako.

Pumasok ako sa banyo at isinuot na ang dress tsaka ang flat shoes.

"Gorgeous as always Queen!" nakangiting komento sakin ni Xommia. Proud itong si Xommia dahil siyempre, siya ang nag-create sa gorgeous outfit of the day ko.

Hinila ako ni Xommia at pinaupo doon sa make-up stand ko.

"Kailangan may make-over rin!"

Napatingin ako sa wallclock. 8:51 pa naman.

Wala na akong nagawa kundi hayaan siya na murderin ang mukha ko.

"Light make-up lang siya." nakangiti niyang sabi kaya siya ang nagmake-up sakin.

Marunong naman akong make-up. Ako ang mag-aayos sa mukha ko kapag sa Gang Fight.

Natapos ang kanyang pagmamake-up sakin at napatingin ako sa salamin. Ako ba 'to? Dejoke lang ako nga ito. Matagal ko nang alam na maganda ako. Hindi ako lang matanggap.

"Ang ganda! Teka icu-curl mo na natin ang buhok mo sa baba."

Kinuha ni Xommia ang hair curler at hair straightener iron.

Napatingin muli ako sa oras. 9:40.

Natapos na ang kanyang pag-aayos sa buhok ko at nilagyan niya ako ng perfume.

"Oh queen, ikaw na mag-ayos niyan ah? Good luck!"

Lumabas sa kwarto si Xommia. Napatingin ako sa sarili ko. Parang walang kulay ang labi ko. Naglagay ako ng kaunting lipstick na pink tsaka naglagay ako ng lip gloss.

Kinuha ko ang earrings ko. Then inayos ko muli ang buhok ko. Isinukbit ko ang slingbag na nasa balikat ko, laman noon ay cellphone, credit card at pera ko then perfume tsaka suklay at panyo.

Bumaba ako and all eyes are on me.

"AYIEEE DATE WITH IVAN!" pagtutukso nila sakin.

Dumaretso ako papalabas ng mansion at sumakay sa asul kong kotse.

Seven eleven....hmm ang unique naman? Bumaba ako ng kotse at naglakad papuntang 7 eleven.

Napatingin ako sa wristwatch ko. 10:15.

Maghihintay nalang siguro ako dito

10:30

10:40

10:50

11:00

Wag mong sagarin ang pasensya ko Ivan! Ang tagal kong naghintay rito. D*mn!!!! Kanina pa ako naghihintay sa wala.

Bakit ba ako ganito? It started nung umamin sa akin si Ivan that he loves me pero...hindi ako umamin sa kanya dahil hindi ko pa siya mahal nung mga panahong yun.

Malapit na talaga akong umiyak pero buti nalang hindi ako bumigay. I walked back at sumakay sa kotse ko.

I was.....hopeless. A hopeless woman...waiting for her guy in the middle of the date?

But he's not my guy. And I'm not his lady. Masakit mang isipin pero WALANG KAMI. Ito nga talaga ang kaparusahan sa mga babaeng katulad ko na palaging umaasa.

Umuwi ako sa mansion. All eyes are on me.

Lumapit sakin si Xommia. Wala akong kahit na anong reaksyon sa mukha ko.

"What happened Queen?" nag-aalalang tanong ni Xommia sakin. Inalalayan niya ako papaupo sa sala.

"Queen...."

"Hindi niya ako sinipot sa date" sabi ko.

Lahat sila ay nakatingin sakin at parang nasasaktang makita akong ganito.

"Oh well, It's just a friendly date so it's all nothing for me" sabi ko nalang and tried to laugh and smile.

Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Nagbihis ako ng damit na pambahay.

I want this to end now......it feels like I'm dumped.

Hindi ako kumain ng lunch at itinulog ko nalang ito.

****

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon