Chapter 10
Lenna's POV
Sumakay ako sa car ni ate. Siya ngayon ang magda-drive. Inayos ko ang buhok ko sa pagkakapusod nito sa aking tenga. Kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking kandungan. Sinilip ko ang laman nito kung kompleto ba. Pero kompleto naman ang gamit ko, walang naiwan.
Inayos ko sa pagkakatayo ang aking mga kwaderno. Kinuha ko ang water bottle ko dahil nauuhaw na talaga ako.
"Ate..pwede i-turn on ang radio"
"Okay."
Sinimulan na ni ate ang pagpili ng estasyon sa radyo. Timing kasi dahil pinatugtog ang kanta na hold me tight sa BTS.
Nakinig lang ako sa kanta habang sumasabay ako sa pag-ugong. Nakarating na kami sa mansion. Nagmadali akong pumasok at dumaretso sa aking kwarto para magpalit. Dala-dala ko parin ang bag ko.
Bumaba ako at umupo sa sala. Nanuod muna ako ng balita sa telebisyon. Hindi ko naman trip na manuod ng balita pero tungkol naman ito sa ekonomiya.
Umupo si ate sa tabi ko at tinapik ang aking balikat. "Kain na"
Bumalik si ate sa dining room namin. Pinatay ko muna ang telebisyon tsaka dumaretso sa hapag. Umupo na ako sa silya. Pinagmasdan ko lang ang pagkakalapag ng mga pagkain sa mesa.
Nagdasal muna kami bago kumain katulad sa kinaugalian naming gawain.
Pagkatapos ay sabay kami ni ate na nagsipilyo. Umakyat ako sa aking kwarto na nakasunod si ate.
Umupo ako sa aking kama. Tumabi sakin si ate pero may naisip ako na itatanong sa kanya.
"Ate..may gagawin ba kayo ngayong hatinggabi?"
"Oo." tipid na sagot ni ate.
Sumang-ayon naman rin ako pero bigla akong napaisip na baka itutuloy ni ate ang pagback-out.
"Ate..itutuloy mo ba yun?"
"Ang alin?" magkasalubong na kilay na tanong ni ate.
"Yung--pagback-out mo."
Tumango si ate. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Pinatulog ako ni ate sa maagang oras. Ramdam ko ang pagpikit ng mata ko. Pero nakaramdam ako ng ingay sa labas. Baka naman guni-guni ko lang o papalabas na si ate sa mansion. Pero..pero?! Nakalimutan ko, baback-out siya ngayon.
May natanggap akong tawag galing sa unknown number. Agad ko rin itong kinuha at hindi muna ako umimik.
["Lenna..."]
Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko. Nanlalamig na nga ako dito pero dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko.
"Sino 'to?" tanong ko.
Bago niya sagutin ang tanong ko ay tumikhim muna siya.
["Makikilala mo kung pupunta ka rito"]
Hindi maganda ang kutob ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko nga ito kilala eh.
Pero mas nangingibabaw ang pagtataka ko kung sino ang kausap ko. Wala akong kakilala na ganito ang boses. Malamig at ang tono nito ay parang sa lalake.
"Hindi ako pupunta diyan. Bakit gusto mo na pupunta ako diyan?"
["Dahil may sopresa kami sa inyo"]
May narinig akong paghalakhak sa kabilang linya.
Kung ganoon mayroon palang nag-aabang sa amin.
["Nga pala. Gusto rin ng ate mo na pupunta ka rito. May kinalaman siya dito"]
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...