Lenna's POV
Andito kami lahat sa mansion. Lahat sila ay nagulat, akala nila na tatahimik na si Zephariah.
"Queen, anong gagawin natin?" tanong sakin ni Ramzo.
"Wala"
"Queen, bakit wala lang?" tanong ni Xommia.
"Pretend as if you don't know" huling sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
Tok tok tok
Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang nakangiti na si Xommia. Umupo siya sa kama ko.
"Oh naparito ka?"
"Grabeh, gwapo pala si Ivan noh? Maganda ka rin kaya bagay kayo"
"Bakit mo 'to sinasabi?"
"Aminin mo na kasing gusto mo siya"
Alam pala ni Xommia na may gusto ako kay Ivan. Pero gusto lang hindi mahal okay? Magkaiba yun. Napatingin ako sa pintuan at palihim akong nag-smirk.
"Wag na, sayang sa effort"
"Sana kayo nalang sa huli"
"Hindi ko siya mahal. Hindi rin naman niya ako gusto o mahal" sabi ko nalang at kinuha ko ang kumot ko at humiga sa kama.
"Ang sad naman"
"Eh ikaw? May gusto ka kay Ramzo..."
"Wala" sabi niya at biglang ngumiti "dahil mahal ko siya"
"Mahal mo 'ko?" biglang sabat ni Ramzo na nasa likuran ni Xommia.
Kinakabahan na reaksyon ni Xommia dahil tumingin siya sakin like she's asking for help.
Iba na talaga kapag pag-ibig noh? Malas ako niyan dahil wala ako, uunahin ko muna si Zephariah.
Tumayo si Xommia at tumingin kay Ramzo.
"Mahal mo 'ko?" nakangiting tanong ni Ramzo. Lumapit si Ramzo kay Xommia at hinawakan siya sa kamay.
Grabeh nice! Dito ba talaga sila sa kwarto ko gumagawa ng eksena? Anong klaseng ka-sh*tan ito?
"Uhhh....".
Nahihiya ako rito noh? Like sana naman pinalagyan ko'to ng camera ang kwarto ko pati sana may spotlight. Hindi ako inform na may eksena pala ngayon. >.<
"E-Eh h-hindi i-ikaw ang p-pinag-uusapan n-namin" biglang lumingon si Xommia sakin. Binigyan niya ako ng help-me-please look.
"Kanina pa kaya ako nandito. Pinakinggan ko lang ang pinag-uusapan niyo" nakangiti paring sabi ni Ramzo.
Oo, and yes kanina pa siya rito. Nung tumingin ako bigla sa pinto ay dahil palihim na pumasok si Ramzo. May kailangan siguro yun sakin pero nung marinig niyang may tao rito sa kwarto ko ay sure talaga akong pumasok siya na narinig pala yun..
"H-huh?" napatingin muli sakin si Xommia. Giving me a i-that-true look.
Ngumisi ako at tumango.
"Aish!" singhal ni Xommia at tinanggal ang kamay ni Ramzo sa pagkakahawak.
Tumakbo papalabas si Xommia kaya sinundan siya ni Ramzo.
Grabeng kadramahan 'yan =_____=
May biglang nag-text sakin. Tsk ang mokong na 'to naman. Hindi naman kami close. Bigla nalang lumalapit sakin? Himala ata na hindi na cold?
Lumabas ako ng kwarto ko at kalmang bumaba sa second floor.
Nandun sa ibaba sina Ramzo at Xommia na nag-eeksena. Nandun rin lahat ang mga kasama ko.
Nakita nila ako kaya pinapalapit ako kina Menger.
"Videohan mo dali" sabi ni Menger
"T*kte" mura ako. Videohan ba daw? Anong pumasok sa isip nito? Ipopost ata sa youtube at maging viral ang video?
"Hehe pwede ba Queen?"
"May sinabi ba akong hindi?"
"Yes! Ipopost ko ito sa fb"
I just rolled my eyes. Kung hindi ba naman youtube, fb pa? Anong klaseng kaeng-engan 'yan?
"Tsk 'wag mong i-post. Siguradong tayo lang naman magbibigay ng heart react sa kanila" sabi ko.
Tumawa ng mahina sina Iverson. Tss g*gong 'to? Hindi nag-iisip? Normal naman ang mag-confess ng feelings.
"O-oo na! M-mahal kita" sabi ni Xommia at napatingin sa amin at yumuko sa kahihiyan.
Niyakap ni Ramzo si Xommia.
"Mahal rin kaya kita" -Si Ramzo 'yan
Matapos ang yakapan session ay napatingin si Ramzo sa amin na kinikilig. Bakla ang isip bata.
Hinila ni Ramzo ang kamay ni Xommia at pumunta sa aming direksyon.
"Mahal ako ni Xommia, mahal ko rin siya" sabi ni Ramzo.
"Tinatanong ba namin?" pamimilosopo ko.
Tumawa sa kahihiyan si Ramzo.
Napatingin si Ramzo sakin.
"Queen, pwede ko bang ligawan si Xommia?"
Napatingin bigla si Xommia kay Ramzo na gulat na gulat.
"Ba't sakin mo tinatanong? Nanay mo 'ko? Nanay?" pamimilosopo ko.
Napakamot sa ulo si Ramzo at tumingin kay Xommia.
"Can I court you?" nakangiti at excuted na tanong ni Ramzo kay Xommia
Tss sana naman ang maging sagot ni Xommia "hindi pwede"
Bitter ba ako? Hindi naman, nakakasakit lang sa mata. Tsk
Napatingin si Xommia sakin.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako naman tatanungin niyo? Hindi nga ako ang nanay bweset"
"Y-yes" sagot ni Xommia.
"Yes?!"
Tumango ng paulit-ulit si Xommia at...nagyakapan sila.
"HAHAHA BINATA NA PALA ANG ISIP BATA!" pang-aasar ni Menger.
"Himala" -BG
"Tapusin niyo na ang drama na 'yan" tumingin ako ng matalim sa kanila "wag niyo nang dugtungan pa ng part 2, matulog na kayo" sabi ko at umalis na papaakyat na sana...
"EPAL!" sabay nilang sabi.
Tsk tsk. Ako ba talaga ang epal? Sana naman hindi sa mansion sila nag-eeksanahan. Pati kwarto ko nadamay.
Ang unique noh? Sa pamamahay ko pa. Wow haha *insert sarcastic laugh*
Hahay imbes na matulog....nagligawan. Shemayy
*****
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...