Chapter 35

545 10 0
                                    

Chapter 35


Lenna's POV

Simula na nung inimbitahan kami ni Zephariah sa Gang Fight ay nagsanay kami ng maayos. Nakakapagtataka na hindi pa naranasan nina Xommia ang kalabanin ang Blood-to-Soul gang.

"Queen pahinga muna tayo!" request ni Ramzo kaya nilingon ko ito.

"Sige 2 minutes lang." sabi ko.

"Yes Queen!" sigaw nila.

Kaya pumunta na sila sa kanilang pwesto at uminom ng tubig at pinunasan ang bawat pawis na tumutulo sa leeg at noo nila.

Nang lumipas na ang dalawang minutong pahinga nila. Nakapagpahinga ba sila ng maayos?

Hindi kami nananghalian dahil agaya nang sinabi ko, twice a day kami kakain.

Walang lunch =___=

"Queen, paano kung magkaroon tayo ng sugat?" nag-aalalang tanong ni Ramzo.

-_____-

"Edi gamutin natin" sabi ko nalang. Saan lumipad ang utak ng lalaking 'to ah?

"Queen, kailangan ba talaga yun?" tanong ni Xommia.

"Oo at walang aangal. Xommia at Ramzo punta na kayo sa gitna." sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago pumunta sa gitna kung saan magaganap ang labanan namin.

"Xommia, isipin mong galit ka kay Ram dahil may kasalanan siya sayo." sabi ko kay Xommia at binigyan siya ng makahulugang tingin. "Ramzo, sipin mo ring galit ka dahil may kasalanan si Xommia sayo" sabi ko.

Sabay silang tumango at nagkatinginan sa isa't-isa.







Ramzo's POV

Hihi first time magkaroon ng Point of view. For the first time in forever nananana.

Hindi ko alam kung magagawa ko bang saktan si Xommia dahil sa isang dahilan na hindi ko maunawaan.

Iisipin ko nalang na lagi niya akong inaasar at nakakapang-init ng ulo dahil nung araw na pumunta kami sa mall. Siya paman din ang nagsabi na sa arcade nalang daw eh wala namang bumping car doon eh.

"Xommia! May kasalanan ka sakin!" turo ko sa kanya kaya bahagyang nakataas ang kanyang kaliwang kilay. "Inaasar mo ako! Gusto ko magmaneho ng TOTOONG SASAKYAN NA MAY GAS hindi ang BUMPING CAR!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"Eh ikaw rin! Wala kang alam sa sarap ng mga niluluto ko! Para kang walang dila." sabi niya at sinamaan niya ako ng tingin.

"Kung wala akong dila...paano naman ako makakasalita ng maayos?" tanong ko.

Sinugod niya ako at sinipa sa tagiliran ko kaya napaupo ako habang namimilipit sa sakit. Killer boots kasi ang isinuot niya eh.

May dinukot sa bulsa si Xommia kaya agad ko siyang pinagbantaan.

"SIGE SUBUKAN MONG ISAKSAK SAKIN 'YAN!" banta ko--pagtutukoy ko sa hawak niyang kutsilyo.

Nag-evil grin siya sakin at sinugod ako na akmang dadaplisan ang braso ko nang hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang pulso.

"A-ano b-ba?!" nauutal kong tanong. Nanginginig ako ngayon dahil seryosong lumaban si Xommia.

Ang unang pagkakabagsak ni Xommia ay nung kalaban namin ang Wild Lion Gang. Muntik na siyang makakapatay ng isang myimbro ng Wild Lion kaya agad na rumesbak ang kanilang leader na si Stella.

"Sabi mo 'subukan kong isaksak 'to pero pinigilan mo." nakangisi niyang sabi sakin.

"G*go ka ah?!" sigaw ko.

"Sinong mas g*go sa 'ting dalawa?!" sigaw niya.

Tinulak ko siya kaya napaupo siya.

Palagi nalang ako umiiwas ah?

Tumayo siya at sinugod ako. Hindi ko na pala namalayan na nasa likod ko na siya at kinulong ang leeg ko gamit ang kanyang kanang braso kaya pigil hininga ako ngayon.

Hindi ko namalayan kasi mabilis siya kumilos.

Ngayon, hinawakan niya ang kaliwang braso ko at inilagay sa likod ko. Ang sakit!

"Ahh!" sigaw ko sa sakit.

Tapos nun ay inihagis niya ako kaya padapa ako dito sa pwesto.

Kinuyom niya ang kanyang palad at tumingin sakin ng matalim.

Nakita kong may kutsilyo na nasa tapat ko. Kutsilyong gagamitin sana niya sa pagdaplis sa braso ko.

Pero hindi ko ito makuha dahil agad niyang tinapakan ang aking kanang kamay.

"RAMZO! LUMABAN KA!" dinig kong sigaw ni Queen sakin.

Hahablutin ko namang sana ang kutsilyo na nasa kaliwang bulsa ko pero sadyang masakit ang kaliwang bulsa ko dahil kanina nung inilagay ni Xommia ang braso ko sa likod.

Kaya hindi ko talaga kaya.

"RAMZO! BAKIT HINDI KA LUMALABAN?! GAMITIN MO ANG ARMAS MO!" naiinis na sigaw sakin ni Queen.

Napatingin ako kay Queen. May halong inis at pag-aalala ang kanyang mukha.

Kakayanin kong lumaban pero.......sadyang malakas lang talaga ang minamahal ko.

Sa kabila ng pang-aasaran namin ay hindi rin lumayo ang loob ko at kusa ko lang itong naramdaman. Hindi ko kayang saktan ang babaeng nasa harap ko ngayon.









Xommia's POV

Ayoko na! Hindi ko talaga mapigilan ito eh! Kanina ko pa ito nilalabanan gamit ang galit ko pero kahit na anong gawin ko hindi talaga.

Yung makikita mo lang ang lalakeng parte na ng buhay mo. Hindi ko alam ang nararamdaman na ito pero alam kong nasasaktan akong makita niyang nasaktan ng dahil sa akin.

Humapdi ang aking mga mata. Ayokong bumigay. Ayoko! Pero hindi ko mapigilan na makita siyang ganyan ng dahil sakin.

Sinaktan ko siya ng pisikalan. Hindi ko na talaga kaya to. Nangingibabaw ang nararamdaman ko kaysa dito na galit na galit. Ang pang-aasar namin sa isa't-isa ay parang laro lamang.

Kung noon ay pikunan pero ngayon nabawas bawasan.

Wala na akong nagawa kundi ang pakawalan ang kanyang kanang kamay sa pagkakatapak ko. Killer boots pa naman 'to kaya talagang masakit.

Tinulungan ko siyang tumayo. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. Hinawakan ko ang kanang kamay niya. Nakita kong tumulo ang luha mula sa kaliwang mata niya.

Makikita ko siyang masaktan ay nasaktan rin ako. Tumulo ang aking luha.

"LINTEK NA PAG-IBIG 'YAN! RAMZO, XOMMIA! BUMALIK NA KAYO SA PWESTO NIYO DAHIL TAPOS NA ANG LABAN!" dinig naming sigaw ni Queen.

Bumalik na kami sa pwesto namin. Umupo kami ng magkatabi. Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa noo at sa leeg ko samantalang si Ramzo ay uminom ng tubig.

"Hindi ko kayo pipigilan sa inyong nararamdaman dahil wala akong karapata. Pwede naman 'yan dahil magkasama kayo sa iisang gang. Pero! Kapag umibig kayo sa taong nasa ibang gang.....hinding-hindi ko iyon papalampasin" mahabang litanya ni Queen kaya kaming lahat ay napatingin sa kanya.

Magaling siyang mamuno. Strikta konti lang. Cold pero masayahin at mapagbiro. Palaban at matapang.

Kung makakalaban mo siya, tiyak maiisipan mong sa tingin niya lang ay inaapak-apakan ka na niya.


Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon