Chapter 13
Umakyat ako sa kwarto ko. May antok akong nararamdaman eh kaya kahit apat lang na oras ang tulog ko, ayos lang iyon. Isinara ako ang pinto at ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama.
Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos. Wala nang magbibigay sakin ng good night kiss tuwing gabi. I miss my sister.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may natanggap akong tawag. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ng unan ko.
"Hello?"
["Hindi ka pa tulog ah"] litanya nito. Kilala ko kung kaninong boses ito. Haay naku, sa oras pa ng pagtulog ko istorbo talaga ang inpaktong ito.
"Ano naman ba ang kailangan mo?" taka kong tanong.
Umayos ako sa pagkakahiga ko at ipinatong ang aking binti sa malaking unan ko.
["Ano'ng naman? Kinamusta lang kita. Hindi ka siguro makakatulog noh?"]
"Malamang...wala kasi si ate eh kaya walang magbibigay sakin ng kiss"
["Kung gusto mo pupuntahan kita diyan para iki-kiss ka"] pagbibiro nito.
"Hoy baliw! Mag-seryoso ka nga" nakataas kilay kong tanong.
["Seryoso ako."]
Talagang paninindigan talaga niya ang kanyang kiss. Hindi ko naman siya jowa. Lakas talaga ng topak sa ulo nitong gunggong na ito.
"Hahaha..tatlong tawa para sa'yo" sarkastiko kong sagot.
"Hindi naman kita jowa"
["Eh ate mo hinalikan ka. Jowa mo na?"]
"Baliw..."
Tumikhim muna ako bago makinig sa susunod niyang sasabihin.
["Friendly kiss lang naman. Grabeh ka. Ang DM mo"]
"Ang DM ko? Ano yun?" nagtataka kong tanong.
["Dirty Minded"]
"Eh inisip ko ba na sa labi mo ako hahalikan?"
["Ba't ako tinanong mo? Sarili mo 'yan eh"]
Aba't! Sinusuway talaga ako nito. Ang lakas magbiro. Pasalamat siya kaibiga ko siya kundi malakas sa suntok ang aabutin niya.
"Hoy..ano'ng kailangan mo ba't ka napatawag? Matutulog na nga ako"
Naiinis kong tanong.["Eh nakatulog ka ba?"]
Sandali lang ang katahimikan. "Oo" naiinis kong sagot. Ramdam ko ang nangangalog kong boses dahil sa ginaw dito sa loob. Ang lakas kasi ng aircon.
"Eh ba't ka nga napatawag?" pangungulit ko sa kanya para sagutin niya 'ko.
["Mag-aabsent ako ngayon, sasamahan kita diyan para hindi ka ma-bored. Sa alas nwebe ako pupunta diyan. Gusto ko lang ipaalam para maaga kang makabangon. At tsaka pag kaharap mo ako, hindi ka mabaho. Nakaligo ka na"] pangangasar niya.
Pwe! Wala akong maintindihan! Di.. joke lang..hehe.
"Oo na..I'll hang up" pababa na sana ako sa cellphone ko nang may pahabol pa siya.
["Good night bestfriend. Sleep well"]
Pinutol ko na ang tawag sa kabilang linya. I find something weird. Kima kailan lang parang naging sweet siyang bestfriend. Di siguro ako sanay na ganyan siya katamis. Grabeh feeling ko ang swerte ko kasi may bestfriend akong ganito ka-sweet pero malakas nga mangasar at mang-inis.
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...