Chapter 54

384 7 0
                                    

Xommia's POV

Sa kalagitnaan ng gabi nakaramdam ako ng uhaw. Kaya bumaba ako at pumuntang kusina para uminom ng malamig na tubig. Hooo! I'm thirsty. Baka nga magkaroon pa ako ng bangungot at hindi ako magigising dahil hindi ako uminom ng tubig.

Binuksan ko ang refrigerator, napatingin ako sa pinto na bumukas. Nakita kong may pigura ng tao na lumabas roon.

Sino yun?

Dali-dali kong ininom ang tubig ko at tumakbo papaakyat ng hagdan. Muntik na! May ghadd ang ilong ko.

Dali dali agad akong kumatok sa pintuan ni Queen. Malakas na malakas.

Binuksan ni Queen ang pinto na may dala siyang baseball bat pero agad kong hinawakan ang baseball bat.

"Xom....anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa matutulog?"

"Buksan mo muna ang ilaw...bilis!"

Binuksan ni Queen ang ilaw niya.

"Ano bang---"

"Queen! May isa sa atin ang lumabas sa mansion"

Gulat na napatingin sa akin si Queen. Hindi naman basta basta mapapasok ang mansion dahil may security lock ito. Kung nagtatanong kayo kung bakit walang guard at yaya....binigyan sila ng day-off ni Queen.

Lumabas si Queen sa kanyang kwarto kaya sinundan ko siya.

"Puntahan mo ang kwarto ni Ramzo at Iverson"

Tumango ako.



















Lenna's POV

Dali dali akong kumatok at sinipa ko pa ang pinto ni Menger.

"Ahhh sino ba yan?"

Binatukan ko siya ng napakalakas para magising ng maigi

"Queen?"

"Nawawala ang isang kasama natin"

"Huh?"

"Aish!" singhal ko.

Kinatok ko ang pinto ni Euclid.

"Euclid!"

Sinipa ko ang pinto at bumukas nag puntuan. Sinampal ko muna siya sa pisngi

"Ahh F---QUEEN?!"

"Sundan mo ko"

Nakalabas na ang mga kasamahan namin.

"Sino ang wala?"

Naptingin sila sa isa't-isa...

"SI BG!" sabay na sigaw ni Ramzo at Menger

"Buksan lahat ng ilaw bilis!" utos ko

Kainis na ah? Bakit ba to nangyayari?

"PUNTA KAYO SA MEETING ROOM!"

Lahat kami ay pumunta sa meeting room. Kinuha namin ang aming mga cellphone.

"I-track niyo ang GPS!"

"Sa cellphone Queen?"

"Sa......" napaisip ako. "Sa kotse niya!"

Naalala ko na may nilagay kaming GPS tracking device sa mga sasakyan namin.

"Queen....." tawag sa akin ni Xommia. Napatingin sila lahat sa akin.

Naguguluhan akong napatingin sa kanila.

"Queen....malayo ang pinuntahan ni BG"-Xommia.

"Saan 'yan?" tanong ko.

"May bakanteng lote dito Queen!" sigaw ni Xommia

"Hideout siguro nila Zephariah!" sigaw ni Ramzo

"Euclid....ikaw nag magmamaneho"

Total kaskasero siya eh.

"Magdala kayo ng mga protection" ang itinutukoy ko ay kanilang mga kutsilyo.

Lahat kami ay lumabas ng mansion. Ni-lock ko ang mansion gamit ang security lock

Lahat kami ay sumakay na sa van.

"BILISAN MO EUCLID AH?!" utos ko

"Yes Queen!"

















BG's POV

Nahihilo ako. Dinilat ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Muli ay dinilat ko ng maigi ng mga mata ko para malaman kung sino ang.....humampas sakin.

Sumalubong sakin si Haydee na nakaupo sa monoblock chair at nakatingin sakin.

"Good morning...hindi pala...good dawn" nakangisi niyang bati sakin.

Tss walang good p*nyeta ka!"

Maya-maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Zephariah na nakasuot ng itim na cap. Naka-shorts na kulay black at naka-jacket. Nakasuot ng killer boots.

"Oh! Zeph"

"Tinawagan mo ako.....dahil" napatingin siya sakin. "May naglakas loob na pumasok rito?"

Tumayo si Haydee at umupo sa mesa malapit sa pinto

Nakataas ang kilay ni Zephariah

"Wag mong sabihing....ikaw ang mamamatay pagkatapos sa mahal mo? Eh kahapon lang yun eh! Ngayon ikaw naman?" tinilt niya ang kanyang ulo sakin. May dinukot siya sa kanyang bulsa at may kutsilyo siyang hawak

Nakagapos ako rito. Hindi ako makakapagsalita dahil may duct tape sa bibig ko

Lumapit si Zephariah sakin at buong pwersang tinanggal ang duct tape sa bibig ko. Ang sakit!

Umupo siya at nag-indian sit.

"Ang lakas ng loob mong pasukin ang Main Hide-out namin......eh wala ka namang mga kasama." she laugh demonishly. "Wag ka nang magulat kung pagpasok mo palang rito ay patay ka na"

Hindi ako makakalaban

Itinapat ni Zephariah ang kutsilyo sa leeg ko at may likidong tumulo at ang hapdi. Sunod naman ay ang aking tiyan.

Ngumisi siya ng mala demonyo

"Sayang.....hindi ka makakalaban...walang tutulong sayo. Mamamatay ka na walang pinaglalaban" muli ay hiniwa niya ang aking kanang pisngi. "Sabihin mo nga sakin. Bakit ka napasugod rito?"

Hindi ako sumagot. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Ang hina ko talagang lalaki kahit kailan.

"Ahhhh" napatango si Zephariah. "Gusto mong makuha ang hustisya? Sorry ka nalang" itinutok ni Zephariah ang kutsilyo sa akin dibdib at sinaksak.

Umagos ang dugo mula roon.

Makakasama narin kita mahal ko.

At may luhang tumulo sa pisngi ko bago ako pumikit.



















Zephariah's POV (insert)

"Tara, lisanin na natin ang lugar na ito"

"Huh? Pwede namang dito nalang?" tanong ni Haydee.

"Bobo ka ba? Ayokong may patay sa lugar ko!" sigaw ko sa kanya.

Napatango si Haydee. "Saan tayo ngayon?"

"Sa tamporary hideout" sabi ko

At lumabas na sa Main Hide-Out namin.

*****

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon