Chapter 17

665 16 0
                                    

Chapter 17

Patay na...sasabihin ko ba ang totoo or hindi nalang?

Me: 'di ko siya close pero siya nag-aya na isakay ako sa kotse niya.

Pagkatapos kong magreply na hindi dumaan ng ilang minuto ang kanyang response.

From: Jake d' Asungot

Sige, ingat diyan ah? I labyu brespren

--

Tss bakla talaga siya.

"Saan ang sa inyo?" biglaang tanong ni Jake.

Grabeh ang cold ng boses niya. Di ko makaya sa lamig eh.

"Uhhh---"

"Ganyan ba kahirap ang magsalita?"

Nanunuyo ang lalamunan ko shettt

Tumikhim muna ako bago magsalita. Naglakas loob akong harapin siya.

"Sa Catonian V-Village"

Walang maski isang sagot. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa naabutan ko ang pamilyar na gate pati mga bahay.

Naisip ko na hindi ko ituturo ang tunay na bahay ko. KO nalang kasi ako lang naman pati sina manang at gwardya pati driver namin ang naroon.

Baka kasi kapag ituturo ko sa kanya ay sasabihin niya sa kanyang mga kasamahan na gang na lulusubin ang mansion ko.

Baka doon na ang katapusan ko edi patay na ako? Paano naman ang mga katulong ko sa bahay edi walang magbibigay ng sweldo nila.

Tsaka may aunt rin ako, well nasa ibang bansa siya.

"Ihinto mo n-nalang dito"

Tumutulo na talaga ang mga pawis sa noo ko kahit na naka-aircon itong kotse niya.

Tapos ay inihinto niya sa may kulay berde na gate. Malaki ang bahay doon na pininturahan ng kulay puti.

Lumabas na ako sa kotse niya at hindi nagdalawang isip na tumalikod na magpapatunay na papasok talaga ako doon.

Pero nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. Bahala na siya, hindi naman ako humingi ng tulong eh tsala siya naman ang nagkusa.

Papaalis na ang kanyang sasakyan kaya lumakad ako ng mabagal. Nang papalayo na talaga ang kotse niya doon ko na pinunasan ang pawis na kanina pa pala tumutulo sa noo ko papuntang leeg.

Kaunting metro lang naman ang lalakarin ko para mapunta sa mansion.

Nang matanaw ko na ang mansion ay nakita ko ang gwardya namin na may tinatawag.

"Manong Hedlor" tawag ko pero hindi niya magawang lumingon sa akin dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa kausap niya sa cellphone.

Naibaba na niya ang cellphone niya at napalingon sa aking kinaroroonan, napansin niya siguro ang presensya ng tao.

"Oh m-maam"

"Sinong kausap mo manong?"

"Ah wala po maam"

"Sabihin mo na manong pero bago 'yan hehe buksan mo muna ang gate"

Binuksan niya na ang gate.

"Maam---"

"Manong please?"

"Yung aunte niyo po maam pupunta dito bukas"

Bakit parang takot na takot si manong? Hindi naman malabong matakot sila kay aunt Floramie kasi may nakakatakot talaga doon. Strikta si aunte pero mabait naman.

Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon