Chapter 36
Euclid's POV
Hey there ladies! Salamat dahil binigyan ako ng sarili kong point of view. Ke-gwapo gwapo kong lalaki hindi bibigyan ng sariling spotlight?
"Euclid at Menger pwesto na sa gitna" cold na sabi ni Queen.
Oh yes! Hahaha si Menger ang kalaban ko ngayon! Astiggg
"Oi bro 'wag mo 'kong patayin ah?" tanong ko kay Menger.
"Depende na sa'kin yun" sabi niya.
"ISIPIN NIYO ANG GUSTO NIYONG ISIPIN BASTA LALABAN KAYO!" narinig naming sigaw ni Queen.
Sabay kaming tumango at pumunta na sa gitna. Hindi ako na-inform na bigla nalang akong kinarate ni Menger. Hindi agad ako nakabawi dahil kailangan ko pang ipahid ang gilid ng labi ko na may dugo.
"G*GO KA BRO 'WAG MO NAMAN ISALI ANG MUKHA KO NA KAYAMANAN KO NA RIN!" inis kong sigaw.
Napatawa siya ng mahina pero agad ding naka-recover dahil alam kong nakakatawa ang sinabi ko pero hindi ako tumawa nang dahil sa inis.
Tumayo agad ako at tinadyakan siya at siniko. Umikot ako at muli ay tinadyakan siya. Hinatak ko ang kanyang kwelyo at sinukaan siya sa mukha gamit ang dugo ko sa labi.
"F*CK YOU!" sigaw niya sakin. Tsk tumalsik pa naman ang laway. Buong pwers niya akong tinulak kaya napahiga ako. Ngayon ang ginawa niya ay isang uri ng jujitsu.
"BWESET KA ANG SAKIT ANG LEEG KO!" inis kong sigaw.
>____< ang sakit! >.<
Huhu! Matagal kaming natapos sa laban at puno ng bugbog ang katawan ko.
"Magpahinga na kayo. Ngayon...BG at Iverson, punta sa gitna"
Bryant Gib/BG's POV
Ako na ang susunod. Ang lupit naman ng leader namin. Pero magaling siya. Kung ipagkukumpara ko...mas magaling ang pinuno namin ngayon kaysa noon. Kagandahan lang naman ang maipagmamalaki ng dati naming leader na si Veronica. Pero kung makikipaglaban---una maging leon, aso at maging maamong pusa.
>.<
Pumunta na kami sa gitna. Kahit walang pasabi na magsisimula na ang laban ay agad kong kinarate si Iverson. Sinuntok ko siya mismo sa mukha.
Haha! Mukha mo ngayon...g*go! May singsing pa naman ako.
Umikot ako at sinipa siya sa tagiliran kaya natumba siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinatak.
"Letsugar ka bro! Pvtakte!" mura niya.
(Time skipped)
Natapos na ang aming laban at puro galos ako sa mukha. Napapansin kong gumaling ang mga kasamahan ko kaya malaki ang tsansang mananalo kami doon sa letsugar na Blood-to-Soul gang.
Lenna's POV
Natapos na ang laban nila Iverson at BG at sa iba ko pang mga kasamahan.
"Queen, sino ang kakalabanin mo?" tanong sa akin ni Xommia.
"Kayong lahat" tipid at cold kong sabi
"WHAT THE?!" sigaw ni Euclid.
"F*ck!" biglang mura ni BG habang nagpupunas ng pawis.
"Sinabi ko na kanina na. Walang. Aangal." and I wear my death glare and throw it to them.
"2 minutes after pumunta na kayo sa gitna" sabi ko.
"Bakit laging 2 minutes Queen?" parang nagsusumamong tanong ni Ramzo.
Bahagya kong itinaas ang kaliwang kilay ko. "Dahil hindi 2 milliseconds, seconds, days, years, decades at millenium ang sinabi ko" sabi ko nalang.
Kaya napasapol sa noo si Ramzo.
"Bakit Ramzo aangal ka?" tanong ko at binigyan siya ng masamang tingin.
"Ah h-hindi" sabi niya sabay kamot sa ulo at yumuko.
Matapos ang dalawang minuto ay lahat sila naka-pwesto na sa gitna.
"ISIPIN NIYONG WALA TAYONG PINAGSAMAHAN. SIGE...KALABANIN NIYO NA AKO." sabi ko. Akmang lalapit sa akin si BG nang sumenyas ako. "Also, don't forget to use your knives"
Sabay-sabay silang sumugod sakin pero agad akong tumakbo papaiwas at lahat sila ay nabangga at hinahaplos ang kanilang ulo.
Napatingin sila sakin sa sakit. I clenched my teeth at sinamaan sila ng tingin.
Sabay na sumugod sina Ramzo at Euclid sakin pero agad rin akong umiwas at silang dalawa at nabangga.
Third Person's POV
Nabangga ang mga ulo nila Ramzo at Euclid. Hindi alam ni Queen na may dalang kutsilyo si BG kaya sinugod ito ni BG pero lumingon si Queen sa kanya at bigla nalang hinabot ni Queen ang kanyang dagger na isinuksok niya kanina sa kanyang killer boots.
Bakas ang gulat sa mukha ni BG dahil mabilis kumilos si Queen. Napaisip ang lahat maliban kay Queen na magaling na talaga itong lumaban noon paman at hindi mo mahihigitan ang kanyang mabilis sa pagkilos.
May dalang dalawang kutsilyo si Iverson na agad namang itinutok sa leeg ni Queen. Napangisi si Queen dahil may dagger pang nakaipit sa kanyang belt.
Napangiwi sa sakit si Iverson dahil nadaplisan siya ng dagger ni Queen.
"Ang bilis kumilos ni Queen" sabi ni Xommia sa isip niya.
Kanina pa nagtataka ang mga lalaki na kung bakit hindi pa kumikilos si Xommia at Menger.
Lingid sa kaalaman nila na may pinagkakasunduan ang dalawa na ikulong si Queen sa kamay nilang dalawa at pauulunan ng suntok.
Sadyang mabilis lang talaga kumilos si Queen kaya hindi nila mababantayan ang biglaang pagsuntok, pagtadyak at pagsiko at kung ano pa.
Nagkaroon ng kaunting galos sa braso si Queen dahil kay Iverson. Pero sa galos na 'yon lang ang tanging nagawa nila. Puno ng mga galos sila Euclid, BG, Iverson at Ramzo maliban kay Menger at Xommia.
Nagbigay na nang hudyat si Xommia na sugurin si Queen. Akala nilang dalawa na magtatagumpay sila sa kanilang binabalak pero agad silang naisahan ni Queen.
Nag-grin si Queen.
Tumba lahat ang kanyang mga kasamahan. "HUGUTIN NIYO LAHAT NG MGA DAGGERS NIYO...BILIS!" sigaw ni Queen.
Takang tumingin ang lahat sa kanya. "Sugurin niyo ako gamit ang kutsilyo..." cold niyang sabi.
Lahat sila ay sumugod pero sa mabilis na paraan ang ginamit ni Queen para masipa ang kanilang mga braso at maagaw ang mga daggers.
Lahat ay pagod na pagod kaya inanunsyo ni Quen na tapos na ang pagsasanay.
Natapos sila alas singko ng hapon kaya pawis na pawis silang naglalakad papunta sa kanilang pwesto.
"Good Job guys" sabi ni Queen.
"THANK YOU QUEEN!" they said in unison.
"Queen, bigla bigla ka nalang magsasabi na huhugutin namin ang mga daggers namin...hindi ka ba nag-aalala Queen?" takang tanong ni Ramzo.
"Masanay na kayo dahil hindi basta bastang kalaban sila Zephariah. Sige na, magpahinga na kayo at may pagsasanay pa bukas"
Agad na tumango ang lahat at lumisan sa practical room na sobrang laki.
Nagsibalikan na sila sa kanilang kwarto.
*****
BINABASA MO ANG
Love Against Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 1 OF DEATH TRILOGY ] Everything seems to be okay since she has a perfect life. Without her parents, she lived with her elder sister. Nang dahil lang sa napasali ang kanyang ate sa kinatatakutang gang ay nagbago ang lahat and then she promised...