Chapter 53

400 8 0
                                    

Third Person's POV

Isinakay sa stretcher ang bangkay ni Ruth. May mga pulis sa lugar at restricted are lang muna ang plaza na pinangyarihan ng aksidente.

"Anong pangalan niya Sir?" tanong ng pulis kay BG.

"Ruth Gonzalle"

"Kaano-ano niya po kayo?"

"Boyfriend"

"Nakita mo ba ang itsura ng pumatay sa kabiyak mo?" tanong ng isang pulis

"Hanapin niyo si Zephariah...Zephariah Thalvia. Marami na siyang pinatay"

Tumango ang pulis. Wanted ngayon si Zephariah. Ibinigay ni BG ang gang profile ni Zephariah para mas mapadali ang paghahanap.

May dumating na van at lumabas doon sina Queen, Xommia, Menger, Iverson, Euclid at si Ramzo

Lumapit si Ramzo sa kanyang kaibigan at itinanong ang nangyari. Napatingin si Ramzo sa babaeng nakahandusay sa stretcher

"Bro" tawag ni Ramzo.

"Sino ang pumatay?" tanong ni Queen na nasa likod ni BG.

Lumuhod si BG kay Queen at kunuha ang kamay nito

"Queen, tulungan mo ako please"

Nagtataka si Queen. "Si.....Zephariah ang pumatay?"

Hindi sumagot si BG pero alam ni Queen na silence means yes.

"Queen, tulungan mo 'ko...tulungan mo akong gumanti kay Zephariah"

Napakagat sa labi si Queen. Kahit na sino talaga ang pinapatay ng p*nyetang babaeng yun.

Lumapit si Xommia at hinawakan sa balikat si Queen. Naaawa si Queen sa sitwasyon ni BG dahil alam niya rin ang masaktan. Nasaktan siya dahil iisa ang pumatay sa kanyang mga magulang at gumawa siya ng mga paraan para makaganti.

Itinayo ni Queen si BG at tinignan ito sa mata sa mata

"H'wag kang panghinaan ng loob" tinapik ni Queen ang balikat ni BG.

Napatingin si Queen sa bangkay si Ruth. Talagang walang pinipili ang letsugar na yun.

Naguguluhan si Queen dahil wala pa siyang plinano para kay Zephariah. At ngayon naman pumasok si Ivan. At pati ang pagkamatay kay Ruth.

Pumasok na sila sa loob ng van at ang mga pulis na ang bahala para sa katawan ni Ruth dahil under investigation pa.

Umuwi na sila dahil alas otso na ng gabi.

Pagkauwi nila sa mansion ay lahat ay napaupo nalang sa sala.

"Bakit ba lagi siyang pumapatay?!" sigaw ni Xommia.

"Naka-drugs siguro yun" sabi ni Ramzo kaya lahat ng myembro ay napatingin sa kanya.

"Uhh....ang taong may matino ang pag-iisip, hindi pumapatay unless kung naka-drugs siya----"

"That b*tch is really on drugs" asik ni Queeb. "Tama si Ramzo, matagal ng gangster si Zephariah dahil siya ang second generation ng gangster history"

Ang first generation ng gangster history ay ang mom, dad at tito ni Zephariah. At nang namatay ang kanyang parents..ang natitirang first generation ay ang kanyang tito David...pinasa ni David at pamamahala sa Blood-to-Soul gang kay Zephariah at si Zephariah na nga ang ikalawang henerasyon in Gangster History.

Nakapalumbaba pa din si BG dahil hindi niya tanggap ang nangyari kay Ruth.

"Queen....." tawag sa kanya ni BG.

Lahat ay napatingin kay BG.

"Queen, sana...sana patayin rin natin si Zephariah"

Napahilamos sa mukha si Queen.

"Hindi tayo mamamatay tao, tandaan mo 'yan. Gangster sila na killer tayo...gangster na nananakit lamang at hindi pumapatay" sabi ni Queen.

Napaiyak si BG ng mahina. "Queen! Gusto kong pagbayarin si Zephariah sa mga pinanggagawa niya!"

Umupo sa sofa si Queen sa tapat ni BG na katabi si Xommia

"Pagpaplanuhan natin ang lahat at hindi tayo magpadalos-dalos. Mautak si Zephariah. Kahit hanapin pa siya ng mga pulis----wala silang makikitang Zephariah kahit anino man niya"

Nalungkot si BG. Naintindihan naman ni BG ang gustong linawin ni Queen pero hindi talaga siya makapaghintay. Naisip ni BG, kung hindi pa gagawin ang plano...ay siya nalang ang gagawa ng mag-isa.














BG's POV

Alas dose----gising na ako. Kumuha ako ng baril dahil ako mismo ang magpapaputok kay Zephariah. Alam ko kung saan nagtatago sila Zeph at Haydee. Sinuot ko ang jacket ko na kulay itim na may hoody at sinuot ko ang face mask ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Tulog pa silang lahat. Nakapatay ang ilaw kaya dala-dala ko ang flashlight.

Dahan-dahan akong naglakad at nakarating rin ako sa pinto papalabas.

Sinalubong ako ng malamig na hangin. Medyo malayo-layo ang kanilang pinagtataguan.

Sumakay ako sa itim kong kotse at pinaandar ito. Naglalaro sa sampu hanggang 70 kilometro ang hide-out nila.

Nalaman ko ito dahil may sinabi sa akin si Ruth tungkol sa mga hide-out nila. Dalawa lang naman ang kanilang hide-out at isa doon ay Main at Temporary.

Habang nagmamaneho ako ay pumasok sa alaala ko ang lahat ng aming memorya.

"Ikaw ah? Ang dami mong piercing tsk! Mukha kang druglord diyan"

"Ang druglord na minahal mo?"

"Tss, bakit ba lagi kang nagsusuot ng itim? Favorite color mo?"

"Hindi"

"Eh bakit lagi mong suot ang kulay itim? May dadalawin ka bang patay?"

"Oo, ang patay mong puso na nabuhay muli"

"Hahaha corny mo"

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Natanaw ko na ang sira-sirang bakaenteng lote. Ito ang Main nila.

Ang kanilang temporary ay may kalayuan mula rito. Mga bente kilometro. Doon rin sa sirang compound house.

Bumaba ako sa kotse ko. Nasa bulsa ko ang baril.

Mausok rito. Maraming mga bato. Biyak na bote.

Naglakad ako papasok sa bakanteng lote. Kaya hindi nahahanap sila Zephariah dahil ganito kalayo ang kanilang hideout.

Pagpasok ko palang sumalubong sakin ang nahulog na semento mula sa bubong.

May hagdanan papaakyat kaya umakyat ako roon. May isa pang hagdanan sa kaliwa.

At nakita ko roon ang kulay brown na pinto. Malinis siya at hindi maalikabok. Napa wild grin ako.

Lumapit ako sa tapat ng pinto at hinawakan ang doorknob nang....









"Lakas ng fighting spirit" sabi ng taong nasa likod ko at may bigla siyang hinampas sakin.



---------Black Out-----------






Love Against Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon