CHAPTER 45

973 22 3
                                    

Eurina's POV

Unti-unting nagmulat Ang Mata KO ngunit napapikit ulit ako dahil sa liwanag.. Muli kong iminulat Ang Mata KO..

Sa pagkakataong yun ay nakaramdam ako nang kaba habang inaalala lahat nang nangyari mula nung pumunta kami sa mansion nang Daznoval hanggang sa pagsakit nang aking tiyan...

"Eurina.. Mabuti at ayos ka na.. " kita sa mukha ni mommy ang pagaalala para sa akin..

"Ano pong nangyari sa akin? " tanong ko..

"Wala kang naaalala? " napakunot ang noo ko simula nung sumakit ang tiyan ko ay ano na ba ang sunod na nangyari?..

Bigla akong naalarma nang maalala ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan.. Agad kong kinapa ang aking tiyan..

"Kamusta ang bata mommy?.. " kinakabahang tanong ko..

Ngumiti si mommy at hinaplos ang buhok ko..

"Maayos ang bata. Kaya lang naman pala sumakit ang tiyan mo dahil nastress ka.. Tandaan mo Eurina hindi ka na nagiisa ngayon dahil may bata ka nang dinadala sa sinapupunan mo.. " tumango ako kay mommy..

"Naiintindihan ko mommy.. " ngumiti si mommy at naupo sa tabi ko..

"Inayos na nang daddy mo ang lahat.. Alam niyang ayaw mo nang sabihin pa kay Chris ang sitwasyon mo ngayon kaya gagalangin na lang namin ang gusto mong mangyari.. " Buti naman at naintindihan ni mommy ang gusto kong mangyari na ayoko nang malaman pa ni Chris ang tungkol sa anak namin...

"Mommy let's go back to korea. " sabi ko habang nakatulala lang...

"Anak alam kong masakit para sa iyo ang nangyari pero hindi pa tayo pwedeng umuwi nang korea dahil sa sitwasyon mo... " Akala ko ba gagalangin nila ang desisyon ko?...

"Bakit mommy may problema ba sa pagbubuntis ko?.. " kinakabahan kong tanong..

"Maselan daw sabi nang doctor ang pagbubuntis mo.. Kaya mas mabuting hindi na muna tayo bumalik nang korea dahil ayon sa doctor makakasama daw sayo ang pagbyahe nang malayo.. " naptango na lang ako sa sinabi ni monmy..

Hindi ko kayang magstay dito lalo na't alam kong nandito ang taong ayaw ko nang makita pa...

Ang taong dahilan nang mga sakit na nararamdaman ko ngayon..

"Aalis muna ako at bibili nang pagkain mo,okay lang ba sayo na maiwan muna dito sandali?.. " tumango lang ako kay Mom..

"Magpahinga ka para bumuti na ang pakiramdam mo.. " Pinahiga ako ni mommy.. "Sandali lang ako.. " at hinalikan niya ako sa noo bago lumabas nang kwarto.

Lumipas ang sampung minuto ay nakatanggap ako nang text mula kay mommy...

Pumunta ako sa bahay para kumuha nang damit mo sandali babalik din ako diyan agad ok?.. Love you

Hindi ko alm ang pumasok sa isip ko at tumayo ako nang kama at lumabas nang hospital room ko...

Bawat lakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong naririto....

Napatingin ako sa bumukas na pinto isa sa mga hospital room dito sa 3rd floor kung saan tatlong kwarto lang ang layo sa hospital room ko..

Napatigil ako nang lumabas dun ang taong dahilan nang pagluha ko kasama ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon..

Agad akong nagtago, sinilip ko sila mula sa pinagtataguan ko..

Inaalalayan niya si Siera

"Dahan dahan lang.. Ano ba kasing ginagawa mo muntik na tuloy mawala ang baby natin.. " kumirot ang puso ko sa sinabi niya.. Kung ganon buntis ngayon si Siera at siya ang ama...

A Gangster Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon