CHAPTER 51

1K 22 0
                                    

Eurina's POV

Si tito Lim na ang nagasikaso sa mga naiwang trabaho ni Daddy..

Habang ako binabantayan muna si Dad..

Nagring ang phone ko.. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.Teacher pala ni Samille.. Ano naman kaya ang itinawag nang teacher niya?...

"Hello.. "

["Hello?.. Mommy po ba ito ni Samille? "]

"Oo"

["Diba nasabi ko na po yung tungkol sa family day.. "]

"Sorry pero hindi makakasali si Samille.. Bye" at binaba ko na ang phone..

"Anong hindi makakasali si Samille? Ano yun anak?" Napatingin ako sa kadadating lang na si Dad..

"Sa Family day nila hindi siya makakasali.. " sabi ko at nilapitan si Dad na nakawheel chair..

"Kumain ka na ba Dad?ipaghahain kita.. " tatayo na sana ako para mag hain nang makakain niya nang magsalita siya..

"Isali mo na si Samille, ngayong taon ka nga lang aatend nang family day isali mo na.. " Sa totoo lang ayoko gusto ko namn isali si Samille ehh.. Kaso marami pa akong iniisip sa ngayon kaya wala muna ako sa panahon para magsaya...

"Dad, hayaan mo na ngayon lang naman siya hindi makakasali diba.. And besides nakasali naman siya nung nakaraang taon diba..Wala kasi ako sa mood para magsaya ngayon.. " paliwanag ko..

"Dahil lang wala ka sa mood kaya ayaw mong isali si Samille?..naku bahala ka na nga tutal ikaw naman ang ina kaya alam mo  ang tama, pero nandito naman kami nang mommy at tita mo para gabayan ka lang sa pagpapalaki nang anak mo.. " tumango na lang ako kay dad..

"Kain ka na dad.. "

"Samille nandito ka na pala halika hug mo si mommy.. " nagulat ako nang lagpasan lang ako ni Samille,..

"Samille.. Samille. " Aba at ayaw ako pansinin..

"Samille!!!.. " dahil sa inis ko napasigaw na ako.. Pero hindi parin siya tumitigil sa paglalakad patungong hagdan..

"Samille tinatawag kita diba.. "

"I will just change my clothes.. " walang ganang sagot niya..

"Bilisan mong magbihis at maguusap tayo.. Yaya sundan mo si Samille.. "

"Opo ma'am.. "

Napatampal na lang ako sa noo ko..

"Ma'am si Samille po ayaw magbukas nang kwarto niya.. " agad aking napatayo sa inupuan ko at umakyat sa kwarto ni Samille..

"Samille.. Buksan mo toh!! " pilit ko..

"Hindi mommy, you didn't allowed  me to join our family day.. " rinig kong umiiyak siya sa kwarto niya..

"And that's it? Marami akong problema ngayon Samille kaya wag kang makikisabay buksan mo toh. Hindi kita tinuruan maging pasaway ha.. Nagiging matigas na ang ulo mo..Buksan mo toh.. " napakakulit na bata.. Hay naku kailangan nang disiplinahin..

"Yaya kunin monnga ang spare key ko dun sa ibabaw nang ref.. "

"Opo ma'am.. "

"Samille nagiging pasaway ka na ahh.. Sinasagot mo na ako.. Wala ka pa ngang ipinagmamalaki sa akin ganyan ka na agad?... Ang tigas nang ulo mo talaga.. "

"Ma'am eto na po.. " agad kong kinuha ang susi at pinasok sa keyhole..

Pagkabukas ko nang pinto agad na tumakbo si Samille palabas nang kwarto niya kaya sinundan ko siya..

A Gangster Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon