Chapter 1

208 16 1
                                    

Maureen's POV

Nagising ako mula sa isang malakas na tunog dahil sa kung ano. Ano ba yan ang aga aga nambubulabog agad. Nakapikit kong kinapa ang lamesa sa tabi ko. Asan na ba yun?

I gave up reaching for it when I heard the sound of the broken glass. Ahh wala na. Another broken alarm clock this month. Babangon na sana ako para pulutin ang alarm clock ko nang biglang pumasok sa kwarto ko si ate Aris.

"Bumangon ka na nga. Malelate na tayo."

Did you ever felt na mas magandang gawin ang isang bagay na hindi iuutos sa'yo? Eto yun eh. Mas masarap gawin ang isang bagay pag hindi nasermonan. Speaking of sermon, hindi pa ba siya sawa? Ay pano nga ba siya magsawa kung nanggaling siya sa korea at wala siya dito 3 years ago. Tanga lang 'te.

"ISA MAUREEN MARGAUX! BUMANGON KA NA AT BAKA MA LATE TAYO! PAPATAYIN TALAGA KITA PAG AKO NA LATE." Sigaw niya sabay talikod na at lumabas ng kwarto ko.

My sister has always been like that simula nung nag break sila ng unknown boyfriend niya. She was loud and sweet noon, pero ngayon? I don't know what happened. Pagkatapos nilang mag break ng ex niya, pumunta siya sa korea at dun na nag-aral.

Nung sabado lang siya dumating dito sa Pilipinas. I've always wanted to talk to her, pero parang di kami binibigyan ng oras ng tadhana.

Isang taon lang ang tanda niya sa akin at grade 12 na din siya katulad ko. She's supposed to be in college but she stopped going to school for a year because of the depression that she's battling.

***

Bumaba na ako at nadatnan ko ang aking pinakamamahal na ate na nakabusangot ang mukha.

"Ate tara na!" Sigaw ko mula dito sa itaas.

Tinignan ako nito at halos mahulog na ako sa hagdan dahil sa malamig niyang titig. Elsa, is that you? Inismiran ako at tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

"Bye anak, mag ingat kayo ha. Ang ate mo bantay-bantayan mo at baka maligaw yun dun sa school. Alam mo naman na kaka-transfer lang niyan." Sabi ni mommy sabay lagay ng baon sa aking bag.

Sanay naman ako na ganito ka sweet si mommy. Kahit mga dalaga na kami ni ate binabaonan niya pa din kami. Pero, oo may pero. Bakit parang ako yung ate sa aming dalawa ni ate Aris? I shaked my head to remove those thoughts as I wear my bag.

"Thanks mom. Opo, babantayan ko si ate. Alis na po kami." Sabi ko at humalik na ako sa pisngi niya bago lumabas na sa bahay.

Pagkalabas ko natanaw ko na ang sasakyan ni ate na aandar na kaya dali dali akong pumasok sa sasakyan niya. Balak pa ata akong iwan ah!

"Aish ang tagal mo." Naiinis na sabi niya. Init naman ng ulo nito.

"Sorry po.." sabi ko na kagaya ng tono ni Chichay na karakter ni Kathryn Bernardo sa isang teleserye.

Napanguso na lang ako nang wala akong makuhang reaksiyon mula sa kanya. Di niya ba kilala si Chichay?

Binuksan ko na lang ang radyo para hindi kami mabagot. Ang tahimik mars! Pinalipat lipat ko ang mga station ng radyo hanggang sa makuntento na ako sa kanta na naka-play.

(Playing: Sad Song By We The Kings)

"I-next mo yan." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa traffic light. Anyare sa kanya?

"Bakit? Ayaw mo sa kanta? Maganda naman ah." Sabi ko habang tina-try sumabay sa kanta.

"Oo, ayaw ko sa kanta. Kaya please lang, i-next mo na yan."

Nakangangang tinignan ko ito. Ohh first time nag please si ate simula noong bumalik siya dito. Nagmatigas pa ako at humarap ako ng upo sa kanya. Alam kong kotse niya ito at siya ang masusunod, but I'm curious!

"Huh? Maganda naman ah. Ganda ng concept ng kanta. Parang sinasabi na hindi nila kayang mabuhay kung wala ang isa't isa." Sabi ko at nag a-action pa habang nagsalita.

I'm not a believer of love pero nakaka-appreciate pa naman ako 'no. Pero ilang minuto ay parang natahimik siya at parang nakarinig na ako ng mahihinang hikbi.

Sinilip ko ang mukha nito ngunit mas lalong iniiwas nito ang mukha niya. I feel bad, ipagpilitan mo pa ang gusto mo Maureen! Yan tuloy.

"Ate, okay ka lang?" Nag-aalang tanong ko sa kanya

Mas lalo kong narinig ang paghikbi niya kaya natarantang pinatay ko na ang radyo.

"Hala ate bakit ka umiiyak? Sorry na ate eto na papatayin ko na." natataranta kong sabi sa kanya

"Pasensiya na. may naalala lang ako sa kanta." Sabi niya habang pinupunasan ang luhang pumatak sa mata niya kanina.

Ano kaya ang naalala niya? Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak. Akala ko una't huling pag iyak niya na yung noon, pero makikita ko pa pala ulit ang luha niya.

I tried my best to stop myself from asking her ngunit nabigo lang ako.

"Ano naman ang naalala mo?" Tanong ko sa kaniya.

"That song kinda reminds me of Travis."

The unknown ex boyfriend finally have a name! Theme song pala nila ni Travis. Sino ba kasing Travis na yan?! Masyadong pa-espesyal sa buhay ng kapatid ko! Pag nakita ko siya, humanda talaga siya at baka di niya kaya ang hasik ng isang Maureen Margaux.

"Bakit nga pala kayo nag-break?" Siyempre i-todo na natin yung pag tanong.

Napangiti naman siya ng mapakla sabay sabi ng, "Psh, typical love story, nagloko siya kaya nakipagbreak ako."

Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon para iwan at lokohin ang kapatid. Naku pag nakita ko talaga yun!

***

"Pumasok ka na." Sabi niya na may malumay na tono.

Andito na kami sa harap ng main gate ng school at di ko man lang napansin. Wait, anong sabi niya? Ka?

"Pero paano ka? Hindi ka ba papasok?" Tanong ko habang unti-unting tinatanggal ang seat belt. Aish pano ba 'to tanggalin?!

"Hindi na. Nakakatamad ehh."

Siya? Tinatamad? This is really a new version of her. And I don't like it.

Tiyak na magagalit sina mommy pag malaman nilang magcu-cut class si ate sa first day of classes niya.

"Sige na pumasok ka na. Ako na bahala kay mommy at daddy."

Bumuntong hininga na lang ako at bumaba na ako ng sasakyan niya. Di ko pa nga nasasabi yung dapat kong sasabihin, naunahan tuloy ako.

Nakatanaw lang ako sa sasakyan niyang papalayo bago ko napag-pasiyahang pumasok na.

***

"Maureeeeeeeeen!!!!"

Napalingon agad ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na tumawag sa akin. Agad akong lumingon rito at nginitian ko siya.

"Ang tagal mo naman. Alam mo bang hinintay kita?" Sabi niya na parang hirap na hirap siyang nagsalita. Ayan kasi sumigaw pa at tumakbo.

"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako?" Pagma-maldita ko sa kanya

"Best friend naman eh, alam mo naman na love kita kaya kita hinintay." Sabi niya ng naka-pout

Ayun nag da-drama na naman ang best friend ko. Claire's my childhood best friend. We always got each other's back at parang wala na atang makakasira pa sa pagkakaibigan namin.

"Haist tara na nga. Tama na ang drama." Sabi ko sabay hila sa kanya papuntang classroom.

Sana nasa ligtas na lugar si ate ngayon. At sana kabisado niya pa ang pasikot sikot dito. Jusko feel ko talaga ako yung ate sa aming dalawa!

____________________
To be continued...

Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon