Chapter 25

47 5 2
                                    

Maureen's POV


Nandito pa din kami sa laboratory nila Tyler, at hindi pa din kami nangangalahati nitong investigatory project namin. Well, si Tyler lang naman talaga ang gumagawa, ewan ko diyan sa kanya kung bakit siya lang gumagawa. Kanina ko pa nga siya kinukulit na ako na naman, pero hindi man lang ako pinapansin. Kung siya lang rin pala ang gagawa, ano pang silbi ko dito sa bahay nila? Display ganun?

"Hoy ako na nga diyan! Kanina pa ako nilalangaw dito oh!" Sigaw ko sa kanya. Hindi man lang ako pinansin.

Grabe talaga. Pareho kaming may suot na na lab gown, pero may mask siya since may ginagawa siyang test na may mga chemicals. Pero infairness, bagay sa kanya yung labgown at mask niya. Parang mas lalo siyang gumwap-- No Maureen! Erase that thought! Pangit siya pangit

"Alam kong gwapo ako, di mo na ako kailangan pang titigan." sabi niya habang nakatingin sa ine-experiment niya. Tatarayan ko na sana siya ng may biglang pumasok ng laboratory.

"Kuya, dinner daw muna kayo. Nandun na din sina mommy at ate Tymara." sabi ni Tyrone habang naka pamulsa yung mga kamay niya sa bulsa ng shorts niya. Tumango naman si Tyler sa kapatid niya at tinanggal niya na ang mask at labgown niya.

"Lika na kakain na daw, mamaya na natin yan tapusin." sabi niya at lumabas na siya ng laboratory. Hinubad ko na din ang labgown ko at sinundan siya palabas.


Habang naka sunod lang ako sa kanya ay bigla akong napahawak sa noo ko. Haayst ang init ko pa rin, nilalagnat na talaga ako.

Nakarating kami sa kanilang dinning area at nandun na si Tyrone na may kasamang dalawang babae.

"Tyler, halina kayo. Kumain na tayo. Hija dito ka, tabi kayo ni Tyrone" sabi nung babaeng nasa dulo ng lamesa

Nginitian ko siya umupo na ako dun sa upuan na katabi ni Tyrone. Habang si Tyler naman ay nasa tabi nung isang babae, bale magkaharap kaming dalawa

"Ok let's pray muna. Tyrone, please lead the prayer." sabi nung babaeng nasa dulo. Tumango naman si Tyrone at nagsimula na siyang mag dasal.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen. Lord, thank you for this meal. Please give us strength through this food. And please give food for those who are hungry. In jesus name, we pray, Amen. In the name of the father and of the son, and of the holy spirit, Amen." dasal ni Tyrone habang naka naka pikit ang mga mata niya

Pagkatapos namin magdasal ay hindi ko namalayang nakangiti pala akong nakatingin kay Tyrone. Aww ang cute niya.

"Why are you staring at me like that?" Tanong nito sa akin

"Ang cute mooo." Sabi ko habang pinanggigigilan ang pisngi niya

Bigla namang namula ang pisngi ni Tyrone kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa pisngi niya. Hindi naman ganun ka malakas yung pagpisil ko sa pisngi niya ah. Ang bilis naman yata pumula.

"Aww our baby brother is blushing. Mom, look oh nagbibinata na ang bunso niyo." sabi nung babaeng katabi ni Tyler.

So mommy pala nila yung nasa dulo nakaupo, so itong katabi ni Tyler, kapatid niya. Grabe ang baby face naman nitong mommy nila. Parang magkakapatid lang silang tignan apat.

Tumawa naman ang mommy nila dahil sa sinabi ng kapatid ni Tyler. Hala ang pula niya talaga, siguro napalakas talaga pagpisil ko sa pisngi niya. Naku baka papagalitan ako nitong mommy nila dahil ang pula na talaga ni Tyrone. Huhu ayokong mamata--

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon