Maureen's POV
"She's gone, Maureen. Claire died 5 years ago, and today is her 5th death anniversary."
Nabitawan ko bigla ang hawak kong envelope saka siya tinignan? Hindi ako makagalaw mula dito sa kinauupuan ko ng dahil sa sinabi niya.
Claire died five years ago, maaring sanhi yun ng pagsilang niya kay Lexaire.
"We've tried to contact you, pero hindi namin ma-contact yung number mo noon. Pati mga social media accounts mo naka deactivate or deleted na."
Palihim kong pinunasan ang mga luha ko saka tinignan ulit ang envelope. Wala ako sa mga oras na nangyari yun, bakit kasi inuna ko pa ang sarili ko?! Edi sana kasama ko si Claire sa huling hininga niya. Hindi ko man lang siya nakausap ng masinsinan, inuna mo kasi ang galit mo Maureen!
Tama nga ang sabi nila, nasa huli nga ang pagsisisi.
"May duty ka ba bukas sa ospital, Maureen?" tanong sa akin ni ate Tymara
Nandito ako ulit sa table namin ni doktora Anisha pero kasama na namin si ate Tymara at ang anak niyang nakakandong sa kanya.
"Wala po."
"Good! If you want, pwede kitang samahan bukas sa memorial park kung nasaan si Claire."
Tumango nalang ako bilang pagpayag sa kanya saka kumawala ng isang mahinang buntong hininga. Di pa rin nagsisink in sa akin yung nangyari, wala na talaga si Claire. Di ko man lang siya napuntahan nung burol niya.
"Baby, she is Tita Maureen. She is tito Tyler and tita Claire's friend. Maureen, this is my son, Tracer." Nadinig kong sabi ni ate Tymara sa kanyang anak
Tinignan naman ako ng anak niya kaya nginitian ko siya. Mas bata pa yata ito kesa kay Lexaire.
Lumipas ang ilang oras at pinakilala ako ni Tyrone at ate Tymara sa kanilang mga bisita bilang kaibigan nina Tyler at Claire. Wala naman akong problema dun, pero di ko lang mapigilang kumirot ang puso ko. Dapat nga hindi ko ito dinidibdib, matagal na yun, dapat ng kalimutan. But here I am, still hurting and slowly dying inside.
Pabagsak akong nahiga sa higaan ko saka tumitig sa kisame. What a long night. Tumagilid ako sa pagkakahiga at nakita ko ang envelope na binigay sa akin ni Tyler kanina.
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko saka kinuha at binuksan yung envelope
Maureen,
I'm sorry for everything I've caused. I'm sorry for breaking you and losing your trust. I want you to know that you are still and always be my best friend, please always keep in mind na hindi kita pinagtaksilan o kahit siya. Mahirap mang paniwalaan but yun ang totoo. We both loved you so much but we didn't mean to hurt you.
I know that I'm not worth it for your forgiveness, pero sana wag mong idamay si Lexaire sa galit mo sa akin. Lexaire is one of the reasons why I continued to be strong, but unfortunately, my time has come to an end. Baka nga sa oras na mabasa mo'to ay wala na ako eh haha. But if ever nabasa mo ito, I will always be around you, guarding you. Let's meet again in our next lives and let's grow old together.
Your bestfriend,
Claire
My silent sobs filled every corner of my room until I felt the heaviness of my eyes and fell asleep.
Bumangon na ako sa higaan ko saka tinignan ang katabi kong alarm clock. 8:30 na pala, kailangan ko ng bumangon baka kasi tumawag na si ate Tymara mamaya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ספרות נוערSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...