Chapter 16

56 12 2
                                    

Maureen's POV


Tsk nakakainis talaga ang lalaking yun!! Pero mas nakakainis 'tong bibig ko, kung ano ano nalang sinasabi! Feeling ko wala na akong mukhang maiiharap sa kanila. Bakit kasi ganito ang nangyayari sa akin? Bakit ba tila umiiba ang epekto sa akin ni Tyler?

Nandito ako sa sala namin habang nililibang ang sarili ko. Akala siguro ni Ate nakakalimutan ko na yung kasalanan niya. Hindi ah! Kung hindi niya sana ako iniwan, hindi sana ako napahiya dun.

Biglang kumalabog ang pinto ng biglang pumasok si ate. Nanggaling yata ng jogging. Lupet rin 'no, nagjo-jogging sa hapon. Sa pagkakaalam ko, mas epektado pag jojogging mo sa umaga. Teka teka, dapat pala nagtatampo ako sa kanya.

Abala siya sa pagpupunas ng pawis niya. Wet look ate niyo oh! Hot niya! Siguro kung nandito si Travis naglalaway na yun.

Teka nagtatampo nga ako! Bakit parang pinupuri ko pa siya?

Tumikhim ako na siyang kinasanhi ng agarang paglingon niya sa akin

"Oh, nandiyan ka pala." sabi niya

Ayy wow, pagkatapos niya akong iwan kanina hindi man lang niya ako napansin ngayon! Sakit ah! Kapatid ko pa ba 'to!?

"Pasalamat ka talaga at kapatid kita." inis kong sabi sa kanya

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Ang inosente niya naman tignan. Kala mo walang naiwan sa school kanina.

"Bakit may problema ba?" tanong niya

Napahilamos na lamang ako sa mukha ko. Anong gagawin ko sa kanya!? Ang sarap niyang sapakin! Hindi niya ba talaga alam o umaarte lang siya kasi guilty siya?!

"Huwag na, okay na ako." pag aarte ko sa kanya

Tsk sana naman magets man lang niya yung sinasabi ko. tumango tango naman siya at nagsimula nang maglakad palayo.

Bakit ba ang slow niya?! Dahil sa inis ko, tinapunan ko siya ng throw pillow sa likod. Napahinto naman siya at inis siyang lumingon sa akin. Binigyan niya pa ako ng isang matinding death glare ha. Parang siya yung galit ah.

"Oh bakit bigla ka nalang tumatapon ng unan?! Akala ko ba wala kang problema sa'kin?!" inis niyang tanong

Ang slow niya!!! Inis ko rin siyang tinignan. Tumayo na ako at matapang ko siyang hinarap.

"Wow! Pagkatapos mo akong iwan dun sa school, hindi mo man lang ba ako tatanungin kung pano ako naka-uwi? Ganyan ka na ba katigas? Kahit sariling kapatid mo iniiwan mo sa ere ng walang pasabi sabi? Sana man lang magsabi ka para hindi na ako aasa." sabi ko atsaka nagsimulang maglakad patungo sa kwarto ko.

Ng nasa huling palapag na ako ng hagdan, tinignan ko siya na ngayon ay nakatungo lamang. Sabihin na ng iba na ang oa ko. Pero sa totoo lang hindi naman talaga tungkol dun lang sa pag iwan niya sa akin sa school ang tinutukoy ko. Isa na sa dahilan dun ang pag-iwan niya sa akin dati ng dahil lang sa ex niya..


*Flashback*

5 years ago...

Nakita kong tulala si ate sa tapat ng bintana niya. Parang ang lalim ng iniisip niya. Isama mo pa yung itsura niyang nakakalula. Magang-maga ang mga mata niya, magulo ang buhok, at may mga pasa malapit sa pulsuhan niya.. Gusto ko siyang damayan pero hindi ko alam kung pano.


Pagkababa ko palang sa hagdan ay may nakikita na akong mga maleta. Hindi ako mapakali kaya nagtanong na ako sa isa sa mga maids namin.

"Uhmm ate para saan po yung mga maleta?" Tanong ko

Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin sa akin. Ano naman ba ang tinatago nila? Huminga ako ng malalim at tinignan siya

"Ate, sabihin niyo na.. Kanino po ba talaga yan?" Tanong ko uli

"Hindi ko dapat sinasabi to eh. Pero ano kasi ma'am, sa ate niyo po ang mga maletang ito. Aalis na po siya ngayon."

Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi na ako nag-dadalawang isip at tumakbo palabas ng bahay namin.

Pagkalabas ko palang ay papasok na si ate sa sasakyan. Umiiyak akong kumatok sa bintana nito.

"Ate! Buksan mo 'to! Please lang ate, wag mo kong iwan!!" Umiiyak na sigaw ko

Patuloy ko pa ring kinakatok at pinipilit buksan ang sasakyan. Pero wala pa rin.
Nabigla ako ng may biglang kumuha sa akin at kinarga ako papalayo sa sasakyan.

"Ma'am wag na po kayo magpumilit. Wala na po tayong magagawa, nakapag-decision na ho yung ate niyo." mahinang sabi niya

Napaupo nalang ako dito sa semento habang umiiyak hanggang sa unti-unting pumapalayo yung sasakyang sinasakyan ni ate.

*End Of Flashback*


Hindi ko namalayang tumutulo na rin pala yung luha ko ng maalala ko yung panahong yun. Nasaktan lang naman ako eh. Nasobrahan yata ang pagka-attach ko kay ate, kaya ako naging apektado.

Apektadong-apektado ako noon dahil hindi man lang nagpaalam si ate noon. Doon ako nagsimulang kamuhian si Travis.

Pero ngayon, nagbago na ang pananaw ko kay Travis, at sana ganun na rin si ate.


____________________________

TBC

Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon