Maureen's POV
Kailan ba kami magbabago ng seating arrangement?! Maaga akong mamatay nito eh.
Nandito ako sa upuan ko habang nakatingin lang sa malayo. Ayaw kong tumingin sa gilid o kahit saan. Ako lang yata ang tao dito sa classroom namin, eh pano nga naman, lunch break na at eto ako nakatunganga sa pwesto ko.
BAKIT KO KASI SINABI YUN?! Tapos ito pang si Tyler may sinabi siyang ikinagulo ng utak ko.
-Flashback-
"Bakit ganito ang nararamdaman ko?"
Napahinto ako sa pag-alis ko ng bigla siyang nagsalita. Mahina lang yun ngunit dinig ko. Ano naman ang nararamdaman niya? Naawa siya? Nandidiri? Wag ka nang umasa na may mararamdaman pa siyang kakaiba sayo, Maureen
Umalis na ako dun at pumunta na sa mga kasamahan namin
-End of flashback-
Tinakpan ko ang bibig ko at tahimik na sumigaw. Ba't pa kasi ako nagpakatanga para sa kanya? Lintek nga naman at nagka-gusto pa ako sa kanya oh! Sino ba ang naka-imbento ng pag-ibig na yan at kakausapin ko?!
"Seryoso mo diyan ah?"
Napalingon ako sa pinto saka kumurap-kurap. Waaah nandito siya! Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Dos!! Waaah kelan ka pa nakauwi?! Bakit hindi mo sinabi na nakauwi ka na pala?"
Sunod sunod kong tanong kay Dos saka kumalas sa yakap ko sa kanya. Paul Klein Sylverio II, Dos for short. Siya ang pinaka-close ko sa mga pinsan ko sa mother side. Nanggaling siya sa states, kaya sobra ko siyang na-miss.
Ginulo niya naman ang buhok ko at nginitian niya ako. Aish ang hilig niya talagang guluhin itong buhok ko. Inayos ko ang buhok ko at inirapan siya.
"Hindi ka pa rin nagbabago M, halika na nga kumain muna tayo kanina pa ako gutom eh."
Hinila niya na ako palabas ng room ng naka-akbay siya sa akin habang naglalakad kami. Mabuti pa at magsaya muna ako at kalimutan ko muna yung nangyari. May isa't kalahating oras pa kami para kumain ni Dos, may isa't kalahating oras pa ako para kalimutan si Tyler.
Tyler's POV
Tsk sino kaya yung kasama niya kanina? May pa yakap yakap pa siya tapos parang ang saya niya pa tsk.
"Ty, bakit mo pinunit ang assignment mo?"
Napatingin ako sa hawak kong papel, sa tingin ko hindi na ako makakapasa ng assignment na to. Nandito kami ngayon sa isang table na may pang-apat na upuan sa gilid ng field ng school, mahangin dito at presko. Kadalasan sa mga tao dito ay mga magkasintahan at kami lang ata ni Travis ang nakakaiba dito
"Ano bang nangyari sayo? Simula nung kinuha mo yung tubig mo sa room nagiging tulala ka na tapos ang kunot niyang noo mo." sabi niya habang umiinon ng soda
Hindi ko nalang siya sinagot at kumuha nalang ako ulit ng bagong papel. Tsk sabi niya gusto niya raw ako kahapon tapos ngayon may kayakap na siya? May pa akbay pa?
"Tyler, ayos ka lang ba? Kung ako sayo, sasabihin mo na yun sa akin. Kawawa naman yang papel mo." Natatawa niyang sabi
Nilapag ko nalang yung papel ko at uminom ako ng tubig. Ano naman yun sa akin? Tsk madami namang babaeng humahabol sa akin diyan.
"Excuse me, pwede bang makiupo?"
Muntik akong mabulunan kaya umubo ako ng konti tsaka tinignan ang bagong dating
"Sige ok lang." sabi ni Travis tsaka ngumiti sa kanya
Umupo siya sa harap namin at binaba niya ang bitbit niyang dalawang canned drinks
"Uhm may kasama kasi ako, you won't mind right?" tanong niya sa aming dalawa ni Travis
Tumango naman si Travis. Sa dinami dami ng pwedeng upuan, dito pa talaga? Tsk
"M dito!!"
Muntil ko ng nabitawan ang bagong papel na hawak ko dahil sa pagsigaw niya. Kalalaking tao ang taas ng boses. Di man lang nahiya.
Maureen's POV
"M dito!!"
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Dos, pero teka bakit siya nandyan?
Great, just great! 30 minutes pa lang ang nakuha sa isa't kalahating oras ko! Tapos makikita ko na naman siya, ok lang yung kanina sa klase kasi hindi ko naman siya nililingon o kinakausap, pero ngayon?!
Lumapit ako sa table nila at alanganin na nginitian si Travis.
"M dito muna tayo, mahangin naman dito tsaka ayos lang naman sa kanila." Sabi ni Dos sa akin saka hinila niya ako paupo sa tabi niya
At pag minamalas nga naman, magkaharap pa talaga kami ni Tyler. Hinarap ko muna si Dos saka nagsalita
"Dos, sa iba nalang tayo. Baka nakaka-istorbo pa tayo sa kanilang pag-aaral." Mahinang sabi ko sa kanya. Napansin ko kasi ang mga papel sa mesa nila, parang may ginagawa ata sila.
"Ok lang Maureen, para namang hindi tayo magkaklase." ani ni Travis habang nakangiti
Paktay. Ang hirap pa namang kumbinsihin 'tong si Dos
"Oh edi mas maayos! Kaklas--"
"Diba ililibre mo pa ako ng kwek kwek? 'Lika na. Travis una muna kami ha." hinila ko na si Dos at nagmamadali akong naglakad papalayo
"Woy teka nga, ba't ka ba nagmamadali? Wag mong sabihing gutom ka na naman? Anong klaseng tiyan ba yan insan at inaatake ka na naman ng pagiging patay gutom mo?" hinihingal niyang sabi sa'kin
Huminto na kami sa isang stall ng street foods sa labas ng university. Mabuti naman at nagpahila 'to
"Oo, inaatake na naman ako ng pagiging patay gutom ko kaya wag na tayong bumalik doon."
"Sige na nga" sabi niya at ginulo niya ang buhok ko
Naglalakad ako ngayon patungo sa room namin. Ako nalang mag-isa kasi pinaalis ko na si Dos, malapit na kasi magsimula ang klase namin
Kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa ko kasi biglang tumunog ito. Nag text si Claire
"Nasaan ka? Akala ko hindi ka aalis ng roo—"
Naputol ang pag babasa ko ng may nabunggo ako. Huhu sakit naman ng pwet ko.
Biglang may lumuhod sa harapan ko at inabot niya ang cellphone ko.
"I'm really sorry, may binabasa kasi ako hindi ko namalayang-"
Naputol ang pagsasalita niya kaya tinignan ko siya. Natigilan ako ng matanto ko kung sino ang nasa harapan ko. Nakatingin siya sa akin na may nakakaibang emosyon sa mukha niya. Sa dinami dami nga naman ng tao sa school. Iniwas ko ang tingin sa kanya sa tumayo na at ganun rin siya. Pinagpagan ko na ang palda ko at kinuha ko na ang phone ko sa kanya
"Ah pasensiya na din, di rin kasi ako tumingin sa dinaraanan ko" iniwan ko siya doon at dumeretso na ako sa classroom
Tama na Maureen, nahulog ka na. Nag-confess ka na diba? At sapat na iyon.
______________________________
TBCEdited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Fiksi RemajaSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...