Maureen's POV
Bumangon ako sa kama ko ng sapo sapo ang noo ko. Taena ano na namang kagagahan ang ginawa ko kagabi? Shit pano kung umiyak na naman ako? Gumulong gulong ako sa kama ko hanggang sa tuluyan na talaga akong nahulog.
"Sakit ng pwet ko aaaaaccckkk"
Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Parehas pa din ang suot ko kagabi, ang pinagkaiba lang ay nawala na yung jacket na suot ko. Wasak ng itsura mo Maureen, para kang umiyak ng isang balde ng luha. Haays umiyak nga ako kagabi, mugtong mugto yung mga mata ko eh.
Napatigil ako bigla sa pag-iisip ng biglang umilaw ang cellphone ko. Nag-text si Lexus.
"Good morning. Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?"
Napakunot naman ang noo ko habang nagtytype ng irereply sa kanya. Kumalabog ng mabilis ang puso ko ng sa hinding malaman na dahilan. Hindi ba siya yung naghatid sa akin?
"Maayos naman, ata. Teka diba ikaw yung naghatid sa akin kagabi?"
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko habang hawak pa rin ang cellphone.
"Hindi ako ang naghatid sayo. Bakit may nangyari ba?"
Napatigil ako sa kalagitnaan ng hagdan ng mabasa ko ang tinext niya. Kung ganun sino? Bigla akong napahawak sa likod ng ulo ko ng may biglang sumapak sa akin.
"Ate!"
"Oh bakit? Nasisiraan ka na ba ng bait ha? Alam mong mahina ang tolerance mo sa alcohol tapos iinom inom ka? Kababae mong tao, tapos yang suot mo! Diyos ko patawarin mo itong kapatid ko! Nakakahiya ka alam mo yun? Si Tyler pa talaga ang naghatid sayo! Hindi ka man lang nahiya-"
"T-teka, si Tyler ang naghatid sa akin?" pagputol ko sa sasabihin niya dapat
Pinitik niya naman ang noo ko kaya't napahawak ako rito. Anong kabalbalan na naman ba ang ginawa ko kagabi?
"Oo siya ang naghatid sayo. Ok na kayo? Nagkabalikan na ba kayo? Ang rupok mo naman Mau."
Mabilis ko namang inilingan ang sinabi niya. Bakit siya ang naghatid sa akin? Waaaaah wala na akong naalala!
"Hindi na ulit ako iinom." Mahina kong sabi sa sarili ko
"Sus hindi ko na mabilang kung ilang beses mo ng sinabi yan. Sisiguruduhin kong hindi tutulad sa'yo si Javise. Magkamukha man kayo pero hindi ko papalakihing lasenggera ang anak ako tsk tsk."
Napanguso nalang ako sa sinabi niya at bumaba na ng tuluyan sa hagdan. Nakakahiya talaga yang bunganga mo Maureen pag nakainom.
Kumakain na ako ng breakfast ngayon habang kausap si Javise sa cellphone. Sinasabi niya sa akin kung anong pinag-gagawa ko kagabi.
"You were stripping last night."
Bigla akong napainom ng tubig saka umubo ubo. Ako? Stripping? No way.
"Wag ka nga magbiro ng ganyan!"
"What made you think that I'm joking? Kelan pa ako nagbibiro ng magkwento ako sa kalasingan mo?"
Tama nga naman siya. Seryoso o minsan ay napipikon siya pag nagkwekwento siya sa akin tungkol sa mga kagagahan ko.
"What do you mean by stripping?"
"Malamang naghubad Maureen. You were annoyingly taking your jacket off while your ex was in front of you."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ספרות נוערSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...