Maureen's POV
Naglalakad na ako papuntang room at halos wala pang tao sa corridor ng school. Well sinadya ko talaga ito, gaya nga ng sabi ko kakausapin ko ang tukmol na yun. Nilapag ko muna ang bag ko sa upuan ko at nilibot ko ang paningin sa room. Mabuti naman at wala pang tao dito.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ko na ang number niya. Kumunot ang noo ko ng walang sumagot sa kabilang linya
"Hello?" narinig ko na may parang kumulabog sa kabilang linya kaya tinignan ko ang phone ko, tama naman ang number ah
"Putangina Maureen?" napairap nalang ako sa hangin. Minura pa ako.
"Oh? Punta ka na ng school, usap tayo." Kalmado kong sabi sa kanya. Ayaw ko muna maging negative ang araw ko ng dahil sa kanya
"Alam mo bang anong oras?" tanong niya saka humikab. Tinignan ko muna ang phone ko ulit saka binalik sa tenga ko
"Oo, 6:00 na."
"Fine, wait for me there.." binaba niya agad ang tawag kaya binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko.
Hmm since 8:00 ang start ng klase, siguro sapat na yun para makausap ko siya masinsinan at seryoso.
6:20 na at pumasok na siya sa room. Bukod sa bag niya, may bitbit pa siyang lunchbox. Pfft parang bata.
"Kumain ka na?" sabi niya at umupo sa tabi ko
"Hindi pa. Mamaya na siguro, usap muna tayo." Pinatagilid ko naman ang upuan ko para magkaharap kami
Hindi niya naman ako pinansin at nilabas niya ang baon niya galing sa lunchbox niya. Nang-iinggit ba siya?! Napahawak nalang ako sa tiyan ko ng bigla itong tumunog, haayst ang traydor nga naman
"Kainin mo na yan. Ano ba kasing gusto mong pag-usapan at pumunta ka pa talaga ng school ng ganito ka aga? Mamaya na tayo mag-usap pag tapos ka na." sabi niya at nilapag niya baon sa harapan ko.
"Ayaw ko. Sa'yo ya--" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinubuan
Sinamaan ko siya ng tingin at dahan dahan kong ngumuya. Bastos nga naman. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Tinignan ko naman siya at halos maibuga ko nalang ang kinakain ko ng dahil sa pagtitig niya sa akin.
"Maureen, be mine.."
Nabilaukan ako agad at tinapik tapik ko ang bandang dibdib ko. Binigyan niya naman ako ng tubig kaya tinanggap ko na 'yon. Sinamaan ko siya ng tingin ng mahimasmasan ako. Hindi ito ang gusto kong pag-usapan!
"What? Gusto mo'ko, gusto kita. Hindi ba yun sapat para maging akin ka?"
Putangina? Ang dali naman nun para sa kanya.
"Hindi ka ba marunong manligaw? Jusko Tyler.."
"Sabi nila 'Dating comes first before courtship.' tsaka liligawan naman kita araw araw" sabi niya at kumindat pa talaga siya
Saan niya naman napulot yan? Hindi ko na alam kung saan papunta 'tong usapan na 'to
"Ginagago mo ba ako?"
BIglang umiba ang awra niya. Kung kanina ay parang nang-aasar pa siya, ngayon ay parang sumeryoso ata siya
"Fine kung ayaw mo pa, liligawan kita until you say yes. Ubusin mo na yan.." sabi niya at binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti
Huminga nalang ako ng malalim at pinag-patuloy ko nalang pag-kain ko. Nawala yata ang gusto kong sasabihin ng dahil sa sinabi niya.
"Aga niyong dalawa ah." napalingon agad ako sa nagsalita, class monitor pala namin.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy na ako. Walang ni-isa sa'min ni Tyler ang nagsalita.
"Kayo na ba?"
Napatingin naman ako sa kanya ulit na may nanlalaking mata
"Ahh haha hindi noh.." sagot ko sa kanya
Tinignan ko naman si Tyler at napatigil ako ng makitang seryoso siyang nakatingin sa'kin. May mali ba dun? Hindi naman talaga kami ah, manliligaw ko pa nga DAW siya
"I'm actually cou—" nilagyan ko kaagad ng bacon ang bibig niya bilang pagputol sa sasabihin niya.
"Haha ang sarap talaga nitong bacon 'no?"
Parang nalilito pa talaga yung class monitor namin. Awkward ko siyang nginitian at tumawa naman siya
"Oww hindi naman pala HAHAHAHA. Sige kain ka ulit diyan, dito muna ako." Sabi niya at umupo na siya sa upuan niya sa harap.
Tinignan ko naman si Tyler at seryoso na naman siyang nakatingin sa'kin. Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako sa kanya.
'Ayaw kong ipaalam na nililigawan mo ako'
Tumunog naman ang phone niya at ng mabasa niya ang text ko kumunot ang noo niya at tinignan niya ako
'Bakit?'
Nag type ulit ako sa phone ko at sinend ko yun sa kanya
'Madaming magtataka pag nalaman nila na nililigawan mo'ko. Baka sasabihin nila na nilason kita.'
Nang mabasa niya yun napangiti siya at tinignan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ko yung monitor namin. Mabuti nalang at hindi niya kami napapansin. Napatingin na naman ako sa phone ko ng bigla itong nag-vibrate
'Nilason? Ginayuma siguro Maureen HAHAHAHA'
'Ayaw ko man sa desisyon mo, pero sige papayag nalang ako sa gusto mo.'
"Sino ka-text mo? Aga ah" bigla kong in-off ang phone ko ng may biglang nagsalita sa haparan ko
Nilingon ko naman ang bagong dating na Claire. Tinignan niya ako na parang nanghihintay ng sagot sa akin. Nginitian ko naman siya at dahan dahan akong umayos ng upo
"Ahh si Dos lang yun hehe"
"Ahh umuwi na pala siya? Siguro gwapo pa din yun hanggang ngayon." Sabi niya na tila kinikilig pa
Nagulat ako ng biglang umubo si Tyler, tinignan ko naman siya at nakatalikod na siya sa gawi namin ni Claire. Anyare sa kanya?
"Ahh oo, kakadating niya lang last week. Noon pa man gwapo naman talaga yun haha" sabi ko kay Claire
Siyempre gwapo yun, hindi ko dapat dinodown lahi namin 'no HAHAHA. Tumawa naman siya sa'kin at nilabas niya na ang mga notebook niya
Ilalabas ko na sana yung akin ng biglang kumalabog sa pwesto ni Tyler. Binagsak niya ata bag niya. Diretso naman siyang lumabas at padabog niya ding sinara yung pinto.
Anong nangyari sa isang yun? Bahala siya diyan. Uunahin ko muna 'tong quiz naming sa calculus. Aba mahalaga future ko 'no!
______________________________
TBCEdited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...