Maureen's POV
Nandito kami ngayon ni ate Aris sa isang ice cream shop na malapit sa subdivision namin. Mabuti na lang talaga at pumayag siya sa request ko.
"Anong nakain mo at nag-yaya kang kumain ng ice cream?" Sabi niya habang nilalaro ang kutsara niya.
"Wala, trip lang. Gusto ko lang kumain at para kumain ka din ng kapwa mong cold." Siyempre binulong ko lang yung last. Ayaw ko pang mamatay ng maaga 'no.
"Hindi ka pa din nagbabago. Andami mo pa ding trip sa buhay." Sabi niya.
Hindi ko tuloy masasabi kung nagsasabi ba siya ng totoo o niloloko niya lang ako, naka-poker face kasi siya. Pero at least, medyo kilala niya pa pala ako.
"Siyempre! Ako pa! Tatak Perez ako 'no." Proud kong sabi sa kanya
Pero siya, hindi man lang siya ngumiti sa akin. Tumahimik na lang ako at nagpatuloy na lang ako sa pag-kain. Wag kang masyadong feeling close, Maureen Margaux. Baka nawiweirdohan na yang ate mo sa'yo.
"Bilisan mo na dyan, baka hinahanap na tayo nila mom." Sabi niya. Tumango na lang ako saka ipinagpatuloy ang aking pagkain ng ice cream.
***
Andito kami ngayon sa dining table kasama sina mommy at daddy na nag-hahapunan.
"So, how's school?"
Ayan na! Nagsimula na silang mag-tanong tungkol sa school. Hindi ako magaling magsinungaling!
"Nothing unusual, parehas lang naman ang nangyayari sa school." Sabi ni ate Aris habang nilalaro ang kanyang pagkain na nakalagay sa kanyang plato.
Kawawa naman yung ulam, nilalaro lang. Akala ko feelings lang ang pwedeng paglaruan, pati rin pala ang pagkain. I don't get it, parehas namang bawal paglaruan yung dalawa pero ang daming taong pinaglalaruan ito.
"Aris, stop playing with your food." Sita ni mommy sa kanya
"Yeah yeah, sure. Wala na akong gana, akyat muna ako sa taas." Bored na sabi niya bago siya tumayo sa kanyang upuan at pumanhik na sa itaas
"Hay naku, patagal nang ay patagal lumalayo na sa atin ang loob ng batang yun." Malungkot na sabi ni mommy
Tama si mommy lumalayo na nga ang loob sa amin ni ate. Naku kung makita ko talaga yung ex niya, mapapatay ko talaga siya pag nagkataon!
"Akyat po muna ako." Sabi ko sa kanila nang matapos na akong kumain.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at pabagsak akong humiga sa kama. Makikita ka na naman yung ulupong na yun. Hindi ko naman talaga sinadya na masipa yung ano niya eh. Palibhasa gwap— este gag*.
Napabalikwas ako mula sa pagkahiga at sinampal ko ang sarili ko. Okay inaamin ko, gwapong gag* siya. Kaya alam ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan. Never as in never! Durugin ko pa ang pagmumukha nun eh.
***
Nasa tapat ako ngayon ng pinto ni ate Aris. Pano ko sasabihin sa kanya na kakain na? Mag-isip ka Maureen. Bumuntong hininga muna ako at kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
"What are you doing?" Tanong niya habang naka-taas ang isang kikay niya.
"Ahh ehh k-kakatok sana ako." Sabi ko saka binaba ang kamay ko.
"Then?"
"At yayain na sana kita kumain ng almusal?"
Bakit patanong yung sagot ko? Basta nasabi ko na ang kailangan ko. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...