Chapter 12

57 11 1
                                    

Maureen's POV


Ilang araw na ang lumipas simula nung foundation day namin. Wala namang nangyari masyado. Except nalang yata nung magkasama kami ni Tyler. Psh nakakainis talaga ang araw na iyon! Kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ng mga tao. May nag iisip na magkapatid kami o mag jowa. Ok na sana yung magkapatid, pero yung mag jowa? NEVER!!

"Ok class, I'm pairing you into two for your activity this morning." Sabi ni ma'am

Ayaw na ayaw ko talaga sa pairing. Kaya ko naman mag isa, bakit ba pinipilit ng mga teacher na ipagsama ang dalawang tao. Eh kaya naman namin gumawa ng activity mag isa.

"Okay ang last 2 partners natin ay sina Mr. Ford, Ms. Perez and Mr. Alvarez , Ms. Perez. Ok you may start your activity now." sabi ni Ma'am at nagsimula na siyang isulat ang question sa board

Pero teka? Sinong ka partner ko? Si Tyler ba o si Travis? Nagpataas ako ng kamay at nagtanong kay Ma'am.

"Uhh Ma'am sino po yung ka partner ko?"

Tumingin muna si Ma'am sa kanyang papel para i-check ito. Sana naman hindi si Tyler.

"Ahh nakalimutan kong dalawa nga pala kayong Perez dito. Partner mo ay si Mr. Alvarez. So okay na?"

Tumango nalang ako bilang sagot. Yes! Hindi ko partner si Tyler! Woooh!

Excited akong pumunta sa upuan ni ate. Ayoko ngang tumagal dito sa inuupuan ko. Pagdating ko dun ay parang inis na inis si ate ngayon, bakit kaya? Baka may dalaw. Basta hindi ko partner si Tyler!

"Ate si Tyler daw ang partner mo." sabi ko sa kanya

Padabog siyang tumayo at walang sabi sabing pumunta na sa upuan kung saan naka upo si Tyler. Bad mood nga. Tumingin naman ako kay Travis. At siya? Ayun nakatingin pa rin kang ate, wala yata itong balak alisin ang tingin niya.

Tumikhim ako para mawala na ang atensiyon niya kay ate. Napalingon naman siya, kaya nginitian ko na.

"Pwede naman siguro na uupo ako diba?" tanong ko sa kanya

Tumango naman siya kaya umupo na ako sa upuan ni ate. Okay so pano ko ito sisimulan? Tumingin ako sa blackboard para tignan kung ano na iyong question ni Ma'am.

'Sa inyong opinion, mahalaga pa bang balikan ang nakaraan kung saan ay tapos na? Bakit?'

Okaaay? Bakit feeling ko may pinagdaanan to si Ma'am. Bakit ba ang dali dali ng tanong na yan? Kaya naman namin yan sagutan mag isa.

"Ok sa iyong palagay, mahalaga pa bang balikan?" tanong ko sa kanya

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Na mention ko na ba na ang gwapo niya? Kaya siguro nahulog si ate sa kanya noon, parang sinalo niya na lahat ng kagwapuhan na pinaulan ni Lord.

"Mas maganda na yung balikan natin ang nakaraan." sagot niya sa akin

Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya. Anong ginanda nun? Ang pangit nga eh! Dapat hindi na yun binalikan, dapat move on na! Napahampas ako bigla sa armchair ng kinauupuan ko at tumayo.

"Alam mo hindi na dapat yan binabalikan! Past is past nga diba! Kaya move on na tayo sa nakaraan! Dahil ang nasa past ay hindi na maibalik ngayon sa present lalong lalo na sa future!" sigaw ko.

Hiningal ako dun ah. Pero bakit biglang natahimik ang room? Tumingin ako sa paligid at dun ko napagtanto na lahat na pala ng mga kaklase ko ang tumitingin sa amin. Nahihiya naman akong umupo sa upuan ko at pinapakalma ang sarili ko.

"Akala ko ate mo lang ang mainitin ang ulo. Pati ka rin pala" sabi ni Travis

Napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mas kumunot ang noo ko dahil ngumiti siya. Tss ano naman ang nginingiti niya?

"Pati yang pag kunot ng noo mo, nakuha mo rin sa kanya. Magkapatid talaga kayo." sabi niya habang tumatawa

At ngayon tumatawa siya ha! Ano ba kasi ang nasa isip ng lalaki 'to? Kinukumpara niya ba ako kay ate?

"Tama na nga yan. Magsimula na tayong gumawa ng activity natin." seryosong sabi niya sa akin

At ngayon ang seryoso niya. Ang tindi ng mood swings ah. Kumuha na siya ng papel at sinulat ang pangalan namin.

"Ok na ba sayo yung sagot ko kanina?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang isulat ang ang pangalan namin

Naku kung ako tatanungin hinding hindi ko matatanggap ang sagot niya. Pero dahil mabait naman ako, tatanungin ko muna ito.

"Teka bakit ba gustong gusto mong ibalik ang nakaraan? Eh tapos na nga diba."

"Alam mo, sa ngayon hindi mo pa naiintindihan. Dapat kasi marunong kang magbalik tanaw sa nakaraan para maiintindihan kung bakit nangyari ang mga bagay bagay na nangyari ngayon sa present." sabi niya sa akin ng may seryosong tono

Napatahimik ako dun ah. Parang nawala ang mga pang-laban ko ah.

"Oh natahimik ka? Pasensya kana ha, may gusto kasi akong taong ipa balik muli sa buhay ko." sabi niya na may halong malungkot na ngiti

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Haays akala ko naka move on na'to, hindi pa pala.

"Sige, yung sagot mo nalang ang sagot natin, basta ikaw bahalang mag explain ha." sabi ko sa kanya.

Mukhang hindi siya maka paniwala sa sinabi ko ah. Mukha ba akong nag bibiro? Hindi naman siguro diba?

"Seryoso ka? Parang kanina lang sinigawan mo pa ako na hindi mo gusto ang sagot ko dahil gusto mong kalimutan ang nakaraan." sabi niya at tumawa sa huli

"Ehh sorry na. Nadala lang ako sa emosyon ko. Yung sagot mo nalang, kasi may pinagdaanan ka yata eh. Mas maganda yung base sa experience ang sagot natin diba?" sagot ko sa kanya

Bakit ba kasi silang naghiwalay ni ate? Mukhang okay naman tong si Travis. Walang bisyo, hindi playboy, mabait, at higit sa lahat gwapo. Hindi katulad ng best friend niya, tss hindi ko na nga iisipin ang taong yun.

"Sige yun nalang ang sagot natin, pero tulungan mo naman ako gumawa ng explanation." biro niya pa sa akin

"Haha sige" sagot ko sa kanya


______________________________

TBC


Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon