Maureen's POV
Halos mag-iisang oras na kaming nagbabantay dito sa booth namin. Pero kahit ganun, marami naman ang naglalaro dito, mapa-lalaki o mapa-babae. Tulad ngayon, may naglalarong mga babae na akala mo ay kinulang sa tela ang mga damit nila. Alam ko naman na nandito sila para lang makita si Tyler. Ano bang nakita nila sa kanila? Saksakan naman ng landi ang isang 'to.
"Papa Tyler pano ba 'to lalaruin?" malanding sabi ng babaitang 'to.
Bakit ba kasi pumunta sila dito? Pumunta sila dito para mag-landian? Booth po 'to hindi bar!
"Oyy Tyler, Maureen. Break niyo na." Biglang singit ni Marga na kadating lang.
Napalingon naman ako bigla kay Marga, at yung mga babae kanina? Yun ang sama ng tingin kay Marga. Napansin naman yata ni Marga ang masamang tingin sa kanya.
"Anong tingin tingin niyo diyan? Kung makatingin kayo parang kasalanan ako sa inyo." sabi niya habang nakapameywang sa babae.
Padabog namang umalis yung mga babae paalis ng booth namin na siyang kinasanhi ng humagalpak na tawa ni Marga.
"Tignan niyo yung mga yun, parang pinagsakluban ng langit at lupa HAHAHA" tumatawa pa din niyang sabi sa amin. Lumingon naman siya sa amin ni Tyler at kumunot naman ang noo niya.
"Bakit pa kayo andito? Diba sabi ko break niyo na. Kaya alis na shoo." sabi niya habang tinutulak kami palabas
"Oyy teka nga! Wala naman akong pupuntahan ah. Dito nalang ako." Sabi ko nang tumigil kami sa labasan ng booth namin
"Anong dito? Mamasyal ka muna dyan sa labas, kung gusto mo isama mo si Tyler. Sige pasok muna ko ha. Bye!" sabi ni Marga saka tumakbo papasok ng booth namin
Bakit ba kasi nakasama ko pa to? Makaalis na nga dito hmp.
"Alis na ko ha. Bahala ka diyan kung saan mo gusto pumunta." sabi ko at tuluyan ng iniwan siya.
Magsasalita pa sana siya pero binilisan ko naman ang paglakad ko. Mas gugustuhin ko pang mamasyal mag-isa kesa makasama siya. Bahala nga siya diyan.
Bakit ba ang baduy ng mga booth ngayon? May kasal kasalan, may parang kulungan na may mga couple sa loob, at may kung anong booth na parang wala namang tao puro mga posas lang na nasa mesa. Para saan kaya iyon?
At dahil may pagka-dakilang curious ako, nilapitan ko at tinignan ang mga iyon. Para saan kaya to? Andami naman nito. Hinawakan ko ang isang posas ng biglang naramdaman kong may tumunog sa kamay ko.
Bakit may posas sa isang kamay ko?! Nanlalaking mata kong tinignan ang babaeng naglagay nito.
"Uyy anong ginagawa mo? Bakit naka-posas ako?" inis kong tanong sa babaeng halatang mas bata sa akin.
"Pasensiya kana ate, ganito talaga ang booth namin. Kung sino man ang pupunta dito sa booth namin, ay mapoposas tapos kapag may pupunta na naman dito, ipoposas kayong dalawa. Gets?" kalmadong explain niya. Kung ano ano nalang ang naiisip ng mga estudyante dito.
"Pwede bang ipaglipas muna 'to? Alam mo kasi, wala akong pangbayad sa mga ganito." pagsisinungaling ko sa kanya
"Ok lang yun ate, free lang naman 'tong booth namin." Sabi niya
Ang kulit naman nito. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Malamang papayag na. Nandito ako sa parang waiting shed nila, maghahanap pa daw sila ng ipapares sa akin. Kahit wag na nila ako bigyan, maayos na ako mag-isa.
"Ate may kapares ka na!!" Sigaw ng babae kanina habang tumatakbo papunta sa akin
Sino naman itong dinala ng babaeng 'to? Hindi ko naman naaninag ang mukha dahil may suot na sombrero ang kasama niya.
"Pasensiya ka na ate at medyo na tagalan ako. Medyo ang aadik kasi ng mga mukha ng mga lalaking nakikita ko eh." sabi niya habang napakamot sa ulo niya
Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. Medyo napagaan ang loob ko sa batang ito, atleast inaalam niya muna kung sino ang isasama niya sa akin. Pero ang judgemental niya sa part na ang aadik ng mukha.
"Oh ayan ate, nakaposas na kayong dalawa ha. Kayo na bahala kung saan kayo pupunta ha, bye~" sabi ng babae at umalis na
Napatingin ako sa kamay namin ng lalaking ito, medyo may kahawig ang kamay niya.
"Anong tingin tingin mo diyan?" sabi ng isang pamilyar na boses
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na iyon. Sana naman ay hindi siya 'to. Bakit kasi pumuyag pa ako dito? Unti unti kong tinignan kung sino ang nagsalita. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung sino siya.
"Ikaw?! Bakit ka pumayag na mapunta ka dito?!" sigaw ko sa kanya
"Pwede ba wag kang sumigaw? Nababasag na ang eardrums ko." naiinis na sabi ni Tyler sa akin. Bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo, siya pa ang nakasama ko dito?!
"Bahala ka nga diyan. Basta hindi na kita hihiwalayan." sabi niya habang nagsisimula na kaming maglakad
"Oyy anong hihiwalayan? Ano tayo mag-jowa?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Bakit ang mag-jowa lang ba ang pwedeng maghiwalay? Iniwan mo kasi ako kanina, narinig mo naman yata ang sinabi ni Marga kanina diba?" tanong niya sa akin nung huminto kami
Ano ba ang sinabi ni Marga kanina? Wala naman siyang nabanggit kanina ah.
"Oh natahimik ka? Hindi ka kasi nakikinig. Ang sabi niya, wag mo daw akong iwan at isasama mo daw ako." sabi niya
"Sino ka ba sa paningin mo at bakit ganyan ka maka-asta?" naiinis kong tanong sa kanya
"Ako lang naman ang future mo." diretsong sabi niya sa akin
Wow. Ang kapal naman mukha ng lalaking 'to no? Walangya.
"Isasama mo ako sa mga fling mo? Naku Tyler, wag na wag mo akong subukan." pagbabanta ko sa kanya
"Sinong may sabi ng ganyan? Ang sabi ko lang naman, ako ang future mo. Bakit? Alam mo ba kung ano mo ako sa future?" tanong niya sa akin
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Ano nga ba? Bakit ba ang dali ko mag assume? Pero duh kahit sino naman kasi ang makadinig ng ganun parehas rin ng iniisip ko magegets nila.
"Oh ito, kainin mo yan. Para maibsan naman yang pagka-bitter mo" sabi niya habang binigay sa akin ang isang cotton candy na binili niya
"Sure ka? Baka may lason 'to ha." pagbibiro ko pa sa kanya
Sinamaan niya ako ng tingin, kaya kinain ko nalang. Nagsisimula na kaming maglakad lakad dito sa campus. Ang init init naman ng panahon ngayon. Para na akong naliligo sa pawis ko.
Nagulat ako ng may sombrerong dumampi sa ulo ko. Ng tinignan ko siya, wala na yung sombrerong suot niya. Sombrero niya pala. Aalisin ko na sana ito ng bigla siyang nagsalita.
"Wag mo nang alisin yan, nagmumukha ka ng basang sisiw dahil sa pawis mo."
Hinayaan ko nalang ang sombrero dito sa ulo ko. Haays kailan ba kami matatapos sa kahibangan na ito?
Napayakap ako bigla sa kanya ng may biglang may dumaang motor sa gilid namin.
Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Muntik na yun ha. Kung wala siguro si Tyler ngayon, baka ano na ang nangyari sa akin.
"Sa susunod wag kang tatanga tanga, baka kung ano nalang ang mangyari sayo." sabi niya sa akin ng humiwalay na ako sa yakap niya
Tama ba ang nakikita ko? Bakit parang feeling ko, nag-alala siya sa akin. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Thank you.." yun na lang ang nasabi ko sa kabila ng kaba ko.
Ano na nga ba ang nangyari sa akin pag wala siya?
_________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...