Maureen's POV
Malapit ng matapos ang klase namin kaya isa lang ang ibig sabihin nun, mcalapit na ang uwian! Makakatulog na rin ako! Puyat na puyat ako dahil sa sandamakmak na school works na binigay shemay.
"Ok class, class dismissed you may go now." sabi ni ma'am
At dahil dun nabuhayan na ang dugo ko at nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng biglang may anino akong naaninag sa tapat ko.
"Bestie, sige na bati na tayo." Malambing na sabi ni Claire sa akin sabay pout.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagliligpit. Hindi naman ako galit sa kanya, naiinis lang. Inasar niya ako kanina eh.
"Ayaw mo talagang makipag bati ha?" Pamparinig niya sa akin. Ano na naman ang gagawin niya?
"Sige ka, kung hindi ka makikipag-bati sa akin, tatalon ako sa tulay at mumultuhin kita pag namatay na ako."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa. HAHAHAHA sinong inuuto niya? Siya? Tatalon sa tulay? Eh takot nga yan sa heights HAHAHAHA
"Bakit ka naman tumatawa diyan? Anong akala mo sa akin? Hindi ko kayang totohanin yung sinabi ko?"
Mas lalo akong napatawa sa sinabi niya. Loka loka talaga 'tong babaeng 'to.
"Sinong inuuto mo? Kaya mo bang tumalon sa tulay? eh takot ka ngang tumalon sa diving board eh HAHAHAHA."
"Oo na. Hindi ko nga kayang tumalon sa tulay. Pero para sayo tatalon talaga ako." Proud na sabi niya.
Bumuntong hininga na lamang ako saka hiniwalay ang dalawa kong kamay.
"Halika nga dito." Sabi ko habang nakangiti at agad niya naman akong dinaluhan ng yakap.
"Bati na tayo??"
Tumango na lang ako sa sinabi niya at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya.
"Saang tulay ka ba tatalon?" Pabiro kong tanong sa kanya.
Humiwalay siya bigla sa akin at hinampas niya ang balikat ko.
"Hindi mo ba alam ang salitang joke? Alam mo namang hindi ko kayang tumalon dun 'no!"
Tinawanan ko na lang siya at pabirong kinurot ang pisngi niya.
"Okay change topic. Uwi na tayo, tayo na lang pala ang tao dito oh."
Tumango ako sa sinabi nito at lumabas na kami ng room. Nasan na kaya si ate?
Nang makababa na kami ng building, nagpaalam na si Claire dahil nandito na ang sundo niya.
"Una na ako ha. Ingat kayo ni ate Aris." Tumango ako sa sinabi niya at kumaway muna siya sa akin bago tuluyang pumasok sa sasakyan nila.
Nang makaalis na ito, nagsimula na akong maglakad papunta sa parking lot
Habang naglalakad ako dito sa parking lot, pansin kong wala ang sasakyan ni ate. Asan na ba yun? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si ate.
"Ate asan ka?"
"waiting shed." Ikli ng sagot ah.
"Ahh anong ginawa mo dyan?"
Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga niya mula sa kabilang linya. Laki ng problema mo 'te ah.
"Tss pumunta ka na nga lang dito. Nangangawit na ako."
"Ok ok pupunta na ako dyan by—"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...