Maureen's POV
"Ok class buddy-buddy system tayo ha, find your pair at huwag niyong iwawala ang paningin niyo sa inyong mga partner." sabi ni ma'am sa aming lahat
"Oh tayo na pair ha." sabi ni Claire habang naka-akbay siya sa akin
6:00 pa lang ng umaga at nagtipon-tipon na kaming lahat dito sa school para sa gaganaping gift-giving. Siyempre nandito si ate dahil required kaming lahat na pumunta. Kasalakuyan kaming naghihintay sa iba pa naming kaklase dito sa lobby ng university.
At atleast hindi ko pa nakikita yung dalawang mag-best friend, which is a good thing. Baka aatakihin pa ako ng wala sa oras dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko.
Siguro gusto ko na siya kaya ako nagkaka-ganito. Pero mas mabuting itatago ko ito kesa sa malalaman niya pang nagiging isa ako sa mga babaeng nahulog sa bihag niya
"Class pumasok na tayo sa bus, and seat beside your buddies." Sabi ni ma'am sa amin
Unti-unting pumasok ang mga kaklase namin sa bus. Liningon ko naman si ate na kasalukuyang nag-uusap sila ni ma'am
"Bhe ako dito sa may bintana ha, pumili ka nalang ng kahit na anong upuan diyan sa dalawa." Sabi ni Claire at umupo na siya sa pwesto niya
Kasya kasi dito ang tatlong tao sa pinili ni Claire na pwesto at kami ang ika-pangatlo sa dulo kaya walang masyadong tao rito. Sino kaya ka-buddy ni ate? Hindi pa yata siya umaakyat dito sa bus ah.
"Class sino ang walang partner diyan?" tanong ni ma'am sa unahan ng bus
Sinilip ko naman si ma'am at nakita kong katabi niya si ate. Haaayst siguro may pumunta na doon sa location. Eh kung kami nalang kaya tatlo nina Claire ang buddy? Wala naman siyang choice eh.
Tinaas ko ang isa kong kamay at tumayo
"Ma'am, kami nalang po tatlo nina Claire ang buddy since parang kinulang yata tayo."
"Okay lang ba sayo Aris?" tanong ni ma'am kay ate
Tumango naman si ate at pumunta siya sa kinaroroonan namin ni Claire. Nginitian ko naman siya at nginitian niya naman kami ni Claire.
"Ate Aris, dito ka sa gitna namin oh." sabi ni Claire sa kanya. Umupo naman si Ate Aris sa gitna namin.
"Claire, Aris nalang itawag mo sa akin, hindi naman ganun ka layo yung edad sa akin" sabi ni ate sa kanya habang nasa mga gamit niya ang mga mata niya
Okay? That was a first, noon wala siyang pake kung ano ang itatawag sa kanya. Nagkatinginan naman kami ni Claire kaya nagkibit-balikat nalang ako.
"Ahh sige A-aris" pati yata siya ay na shock sa biglaang pag-usap sa kanya ni ate
"Class complet—"
"We're so sorry ma'am" sabi ng dalawang bagong dating
Namuo na naman ang ingay ng mga kaklase namin dahil sa dalawang bagong dating. Iba talaga ang karisma ng dalawang ito.
"It's okay boys, oh sige dun na kayo umupo sa dulo dun sa gilid nina Maureen."
Tinignan ko ang gilid ko at wala ngang tao dun. Shit wala na bang ibang bakanteng upuan?! Nilingon ko naman ang paligid at yung katabi na nga namin ang bakante. Paktay pano na yan? Sana naman sa bandang bintana si Tyler umupo
"Dude diyan ako sa may bintana ha." Sabi ni Travis kay Tyler
Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Travis, pag minamalas ka nga naman. Umupo na ako ng maayos at tinignan ko ang dalawa kong katabi. Tulog na yata si Claire habang si ate naman ay nakapikit habang naka-earphones.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...