Maureen's POV
Ang tagal naman ng uwian! Nakaka-umay na ang pagmumukha nitong katabi kong mukhang shunga. Kanina pa talaga siyang ano. Basta ano!
Naku pasalamat talaga siya at anak siya ng may-ari nitong school. Tiis tiis lang Maureen, in the future makakaganti ka rin. Hingang malalim. Inhale, exhale, inhale, exhale, inhale—
"Ano bang problema mo?!" Medyo mahinang tanong ko sa kanya.
NANGGIGIGIL! NA! AKO!! PAG HINDI AKO MAKATIMPI NITO MAPAPATA—
"Ang cute mo palang ma-inis." Natatawang sabi niya
My jaw suddenly clenched by his statement. Kahit di ako nakatingin rito, alam kong nakangisi ito ngayon habang nakatingin sa akin.
Naiinis na talaga ako!! At anong sinabi niya?! Ako? cute?! What the?! Anong tingin niya sa akin? Aso?! Mukha ba akong bubuyog dahil cute ako?! Inuubos na talaga nito pasensiya ko!
"Maureen okay ka lang? Ang pula pula mo na." kuryusong tanong ni ma'am
Napahawak ako bigla sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nangyayari na naman. Dapat kasi hindi ako pinapainis, kaya ayan tuloy namumula na ako sa sobrang sa inis.
I tried my best to suppress the annoyance that I'm feeling. Tumango na lang ako sabay thumbs up kay ma'am.
Simula nung andito siya sa tabi ko, kung ano ano ang pinag-gagawa niya. Una, pinitik niya yung noo ko, kulang nalang mabukol ako dahil sa pagpitik niya sa aking noo. Pangalawa, sinadya niyang iharang ang paa niya sa daan kaya ayun tumilapon ako sa sahig. Pero hindi lang yan diyan nagtatapos, nasundan pa ng ikatlo, ika-apat, at ika-lima. Kailan ba kami uuwi at para matapos na ito?!
***
Hay salamat makakalabas na ako at pwede na akong makawala sa hinayupak na ito. Lalabas na sana ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Bakit kaya napatawag si ate sa akin?
"Hello? Ate?"
"Asan ka ngayon?"
"Nasa school. Bakit?" Tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko
"Stay there, I will fetch you.."
Napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko dahil sa sinabi niya. Sa kabila pala ng pagiging malamig ng kapatid ko ay may natitira pa palang lambot sa puso nito.
"Ahh o—"
Ay bastusan, binabaan ako agad. Pasalamat siya at mahal ko siya, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, kaya ko siyang tiisin. Binabawi ko na yung nasabi ko, medyo matigas pa rin pala yung puso niya
"Claire, mauna ka nang umuwi, kukunin kasi ako ni ate eh." Sabi ko kay Claire
"Sure ka? Okay lang sayo?"
"Yep, okay lang. Sanay naman akong mag-isang maiwan." pabirong sabi ko sa kanya
"Hay naku Maureen, nag-huhugot ka na naman. Alam mo naman na hindi kita iiwan, uuwi lang ako."
Napangiti na lamang ako dahil sa sinabi niya. Naglalambing na naman 'tong bestfriend ko.
"Sige na umuwi ka na. Baka hinahanap ka na nina tito at tita."
"Oki bye, ingat! Ikamusta mo na lang ako kay ate Aris." Sabi niya saka humalik siya sa pisngi ko at tuluyan nang lumabas ng room.
Ako na lang pala ang naiiwan dito sa room. Dito ko na lang siguro hihintayin si ate, nakakatamad kasing lumabas. Joke, siyempre dito ko na siya ipapunta para malaman niya kung nasan yung classroom namin.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko at ayan tumatawag na ulit si ate. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag niya.
"Ate?"
"Asan ka? Nandito na ako sa parking lot.."
"Ako? Nasa senior high building, 2nd floor, 12a classroom. For short nasa classroom natin hehe."
Di man lang ako sinagot, ni-okay wala. Basta basta na lang niya binaba yung tawag. Sana bumalik na siya sa dating masayahin na ate ko.
***
Kasalukuyang naglalaro ako sa cellphone ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Tutunganga ka lang ba dyan?"
Agad ko itong nilingon at nginitian. Oks na sana pag 'hi' yung binungad eh. Bumuntong hininga na lang ako saka lumapit sa kanya.
"Tara na?"
Tumango na siya at naglakad na kami palabas ng building. Nang nasa corridor kami napansin kong napapasulyap yung mga tao sa amin. Ay hindi pala, kay ate lang pala sila nakatingin.
"Kaano-ano kaya siya ni Maureen?"
"Ganda niya naman."
"Nadagdagan na naman ng mala-dyosa dito sa school."
Samo't saring bulungan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid namin. Hay iba talaga ang taglay ng kapatid ko. Isang malaking sanaol!
Nilibot ko ang paningin ko nang may napansin akong may nakatingin sa akin. Nakakakilabot naman! Napahinto ang paglingon lingon nang may natanaw ako mula sa malayo.
Isang John Tyler Ford na nakatingin dito sa gawi namin. Anong tiningin tingin niya diyan? Gusto niya bang kunin ko yang mga mata niya? Inirapan ko na lang ito saka iniwas ko na ang paningin ko sa kanya.
"Tss, bilisan mo nga." naiiritang sabi niya sa akin.
Kung may walang nagbago sa kanya, yun ay yung pagiging ayaw na ayaw niya pa rin sa crowd. Pumasok na kaming dalawa sa sasakyan at pina-andar na niya ang sasakyan. Teka may naiisip ako.
"Ate!!" Sigaw ko sabay yugyog sa balikat niya.
"WHAT THE F—?!"
"Oops bawal magmura." Pagputol ko sa kanya. Magmumura na naman siya. Laki talaga ng pinagbago niya.
"Punta tayo ice cream parlor." Suhestiyon ko sa kanya
"Tss."
"Sige na! Saglit lang naman ehh."
Bumuntong hininga muna siya bago siya tumango. Napa-yes na lamang ako at nakita ko naman ang mabilisan niyang pag-ismid. Sana talaga bumalik na siya sa dating siya. Yun lang naman ang hiling ko eh. Kahit mahirap, parati akong umaasa. At hindi ako mapapagod na umasa.
___________________________
To be continued
edited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...