Chapter 27

41 5 0
                                    

Maureen's POV


Ang kapal na talaga ng mukha ko para tulugan si tyler at siya pa yung pinagawa ko ng project namin. Maayos akong tinanggap ng bahay nila, sa kanila na nga ako kumain, pinahiram pa ako ng damit ng ate niya. Tapos tutulugan ko lang yung project namin?! Wala pa bang mas kakapal yang mukha mo Maureen? Kahit isa, wala akong nai-ambag dun.

Siguro alilain ako ni Tyler nito ngayon. Ngayon pa talaga ako nilagnat eh! Grabe nga naman.

Kanina pa ako nagising dito sa kwartong ito. Pagkagising ko, isang hinding pamilyar na kwarto ang bumungad sa mga mata ko kanina. Siguro guest room ito. Wala kasing masyadong gamit ang nandito.

Tinignan ko ang wall clock dito at bandang 5:00 na pala ng umaga. Tulog pa kaya yung mga tao dito? Kahiya naman kung lumabas lang ako dito at maglakad lakad na parang feel at home ako dito. Pero mas kahiya naman kung dito lang ako at maghihintay lang ako ng taong pupunta dito. Pano na'to?!?!

Huminga ako ng malalim at lumabas nalang ako dito sa kwartong kinaroroonan ko. Wooh go Maureen! Kaya mo to! Makakapunta ka rin kung saang banda ka man ng bahay na ito dadalhin

I've changed my mind. Di ko ito kaya! Waaaaaah gusto ko ng umuwi!! ANG LAKI NGA NAMAN NG BAHAY NA ITO!! Pano sila nagkikita dito? Huhu parang kanina pa ako umiikot dito pero wala talaga akong makitang hagdan papunta sa first floor nila. Teka, ilang floors ba ito? Waaaaah ayoko na!

Umupo ako sa sahig at tahimik akong sumigaw habang ginugulo ko ang buhok ko

"Takte ayaw ko na!! Sana hindi nalang ako lumabas nung kwartong yun. Sana--"

Natigil ako sa ginagawa ko ng may nakita akong isang pusang nakatingin sa akin. Ok weird. Isa itong pusang medyo mataba na may makapal na balahibo at kulay puti na may parang necklace at may pendant na letter M. Grabe ang puti. Parang walang kahit na anong alikabok ang dumadapo sa katawan nito

Kumiskis ito sa mga paa ko na parang naglalambing.. Okay.. Hindi ko alam kung anong irereact ko dito. Hinaplos ko na lang ang ulo nito at napapatitig ako sa letrang M na nasa necklace niya.

"Bakit M? Pangalan mo ba yun? Kung ganon, parehas pala tayo ng first letter ng pangalan natin" sabi ko dito

Bigla itong umalis sa paa ko at pumunta siya sa kung saan. Teka susundan ko nalang siya! Baka sakaling hindi na ako mawawala dito

Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa tumigil siya sa isang pinto. Tinignan niya muna ako bago niya parang hinawak hawakan niya yung pinto. Kumakatok ba siya?

Hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya. Buksan ko nalang kaya? Pero ano bang meron diyan?

Lumapit ako sa pinto at hinay hinay ko itong binuksan. Hindi naman naka lock, agad namang pumasok ang pusa sa loob. Inangat ko ang paningin ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko

ISANG NAKA TOPLESS NA TYLER ANG BUMANGAD SA MGA MATA KO. ANG MAS MALALA PA, TOWEL LANG ANG NAKATAKIP SA ANO NIYA. POTA HINDI KO TALAGA SINASADYA PROMISE!

Nakatingin pa rin ako sa kanya na may nanlalaking mata, pati siya napahinto sa pagbibihis niya at nakatingin lang siya sa akin na parang hindi niya inaasahan na nandito ako. TANGINA!! HINDI GUMAGANA SA WASTO YUNG UTAK KO!!

"Ahh ehh, ano wala akong nakita promise. Bye!" dali dali kong sabi at sinara ko na ang pinto saka ako kumaripas ng takbo. Maureen pupunta ka talaga ng simbahan ngayong lingo at ipapa-blessing mo itong mga mata mo.


"Kumusta naman yung tulog mo, Maureen?" tanong sa akin ng mommy nina Tyler

Nandito kami ngayon sa hapagkainan nila. At eto ako, lutang pa din ng dahil sa nangyari kanina. Naligo na ako't lahat lahat pero hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang imahe ni Tyler. Kainis nga naman! Ba't kasi basta basta ko na lang binuksan yung pinto?!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon