Chapter 45

34 4 0
                                    

Maureen's POV


Nandito kami nina Des kasama ang mga boyfriend nila sa isang sikat restobar. Dito nila mapagpasiyahan i-celebrate ang engagement nina Des at nung boyfriend niyang si Valtex, haaays mag lalasing ata to si Des eh.

"Maureen, wag kang uminom ng marami ha. Baka mag-iiyak ka na naman diyan, sabihin mo lang pag hindi mo na kaya, ihahatid ka namin." Pagbibiro sa akin ni Adzmhen sabay bigay sa akin ng inumin.

Inirapan ko siya at humagalpak sila ng tawa ni Des. Kaya ayaw ko ng uminom eh, madami akong masasabi na hindi naman kailangan sabihin.

"Duh hindi na kaya ako umiiyak." Pagdedepensa ko sa sarili ko

"Pupusta ako, pag ikaw nalasing tas iiyak na naman hihiwalayan ko 'to si Valt" sabi ni Des sabay turo sa fiancée niya

Tinignan ko naman yung fiancée niya na naiiling na lamang sa pinagsasabi ni Des, as if naman mahihiwalayan yan ni Des.

"Pero siyempre joke lang, magpakalasing ka lang dyan Mau. May maghahatid naman sayo mamaya eh yieee HAHAHAHA" Pagbawi ni Des tsaka niya tinignan ang cellphone niya "Oh eto, speaking of maghahatid, eto na pala siya oh. Lexus dito!"

Napatingin naman ako sa tinawag ni Des na siyang kinagulat ko kung sino.

"Hoy bakit ka andito?" biglang tanong ko sa kakadating lang na siyang nakaupo na sa tabi ko

"Duh I invited him, pati si doktora inimbita ko na. Kaso parang late ata si doktora ah." Sabi ni Des saka sumimsim sa alak niya.

Lexus Caleb Tedesco, kapatid ni doktora Anisha Mae Tedesco at malapit kong kaibigan. Isa siya sa saksing mawasak ako at siya din pala yung ABM student na nakita ko noon sa labas ng classroom namin noon.

"Oh ano Maureen? Panatag ka na bang maglasing?" pang-aasar na naman sa akin ni Des


"Oh ayan lasing na." narinig kong sabi ng kung sino

Napasandal nalang ako sa upuan ko habang sapo ang noo ko. Shit maaga pa ang shift ko sa ospital bukas.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ng isang taong hindi ko nakikilala.

Tumango nalang ako saka mas diniin ang pagpikit ng mata ko. Umiikot na yung paningin ko.

"Oh aalis na kami ha, ihahatid ko na ito bago pa magkaproblema." Sabi ng nagtanong sa akin kanina

Inakay niya na ako palabas ng restobar habang kalahating nakapikit ang mga mata ko.

Pinasok niya na ako sa sasakyan niya at naramdaman ko na rin na pumasok na rin siya. Binuksan ko yung mga mata ko saka siya tinignan.

My heart started beating wildly while looking at him. Lasing nga ako, I'm hallucinating again.

"Kumusta kayo? Are you happy with her? Pwede ka bang umalis sa isip at puso ko? Please umalis ka na, ayaw ko ng masaktan. Please wag na, ayaw ko na." sabi ko sa kanya habang umiiyak.

This will be the last time I will cry for you, Tyler. Last na ito, sisiguruduhin kong hindi na ako iiyak ng ikaw ang dahilan.


Naglalakad ako ngayon sa mahabang pasilyo habang hawak hawak ang medical records ng mga naging pasyente namin dito sa ospital. Bumuntong hininga na lang ako saka tinignan ang tahimik na pasilyo ng ospital na ito. Nakaka miss man ang mga naging pasyente namin pero kailangan rin nilang umalis. Parang buhay lang yan, kung may aalis, may dadating rin.

"Ouch, I'm sorry.."

Napatingin ako bigla sa batang babae na nakabunggo sa akin. She's wearing a denim dress with a blue headband on her head..

Lumuhod ako sa harapan niya para magkapantay kaming dalawa. Her eyes reminded me of someone, hindi ko alam kung sino but I surely know that I've seen this kind of eyes before. At parang hindi lang ata mata niya ang pamilyar, pati rin ata yung mukha niya.

"Hi! Asan yung mommy mo? Or yung daddy mo?" nakangiting tanong ko sa kanya

"My mom and dad are not here, po"

Sino kaya ang guardian nito? Tumingin naman ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ang guardian niya. Pero parang wala ata sa paligid ang guardian nito.

"Alam mo ba kung nasaan ang kas-"

"Lexaire!!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko.

Tinignan ko ito at tumayo na mula sa pagkakaluhod ko. Siya na ata yung guardian ng bata, pero bakit parang ang bata rin nito para maging guardian? At bakit parang pamilyar ang mukha nito?

"Tito!" sigaw nung bata tsaka tumakbo palapit dun sa tinawag niyang tito.

Ah tito niya pala. Aalis na sana ako ng bigla ako nitong tawagin.

"Ate M-maureen?"

Napatigil ako sa paghakbang ko saka tinignan ko ito. Kumunot ang noo ko saka ko ito kinikilala, sino ba 'to?

"Ate Maureen ako 'to! Si Tyrone! Yung kapatid ni kuya Tyler, nagkakilala na po tayo noon, sa bahay yung gumawa kayo ng project ni kuya." Sabi nito

Nanlaki ang mga mata ko saka hindi makapaniwalang tignan siya. Grabe hindi ko na sya makilala! Malayong malayo na siya sa batang Tyrone na nakilala ko noon.

"Tyrone ikaw pala yan! Nagbibinata ka na ah!" gulat ko pa ring sabi sa kanya

"Tito I want to go home na." biglang singit nung bata

"Yes, pero mamaya na. hindi pa tayo nakakapag-usap sa doctor mo." Sabi ni Tyrone

Sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin dun sa bata, ngayon alam ko na kung kanino siya magkamukha. She really looks like Claire, ganyan na ganyan ang mukha at ayos ni Claire nung bata pa kami.

"Oh andito na pala ang paborito kong inaanak. Nurse Maureen andito ka rin pala" Sulpot bigla ni doktora Anisha

Tumango na lamang ako sa kanya saka tinignan ulit yung bata. May anak sila, may nagbunga sa pagsasama nila. Kumikirot ang puso ko sa hinding malaman na dahilan. Damn sinasabi kong hindi na ako masasaktan eh! Maureen hindi ka na iiyak diba!

"Uhm pupunta lang a-ako sa station namin. Tyrone mauuna na ako." Sabi ko sa kanila saka dire diretso maglakad

Dumiretso agad ako sa cr ng station namin at binalewala ko ang pagtawag sa akin nina Desiree at Adzmhen.

Sinarado ko ang takip ng indoro saka umupo dun. Napatulala ako sa kawalan ng maramdaman ko ang pagpatak ng ilang luha sa mata ko.

Grabe, anim na taon na yung lumipas pero ganito pa rin ako? Umiiyak pa rin ako! Nasasaktan pa rin ako! Mapa lasing man o hindi umiiyak pa rin ako! Ba't ba palagi nalang ganito? Ako yung kawawa nito. Ako yung palaging talo.

Napasinghap ako saka mabilis na pinahiran ang mga luha ko ng may biglang nag-text sa akin.

"Ate Maureen, this is Tyrone. I just wanna ask if you're free this Saturday night. Birthday kasi ni Lexaire, yung pamangkin ko. Gusto lang sana kitang imbitahin, Lexaire also wants to know you more since I've mentioned you were friends with her mom and dad. Sana papayag ka po."


________________________________
TBC

Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon