Chapter 30

31 4 0
                                    

Tyler's POV

Wednesday, and we're at the school gym. Dapat may klase kami sa PE pero binigyan kami ni Sir ng free time. Bahala na daw kami sa buhay namin.

Kasalukuyang naglalaro ang mga babae naming kaklase ng volleyball, except kay Aris na nakaupo sa pinaka-taas na bahagi ng bench. Habang kami namang mga lalaki ay nakaupo lang kami dito sa mga bench ng gym.

"Pre alam niyo bang volleyball player yang si Maureen? Naku kahit palagi yang bitter sa mga mag-jowa dito sa school, may kinakabog din yan." sabi ng isang kaklase naming lalaki sa aming dalawa ni Travis

Tumango-tango naman si Travis habang nakatanaw lang ako sa kanya. Inaayos niya ang pagka-pony tail ng buhok niya. Why do I have this feeling na ako lang ang dapat nakakakita sa kanya? Shut it, Tyler.

Nagsisimula na silang maglaro at napuno ng ingay at sigawan ang buong gym. Grabe din tong mga kaklase kong lalaki, parang nanunuod lang sila ng boxing ah.

"Wooooohh go Maureeen!!"

"Sige lakasan mo pa!!"

"Block mo!!"

Sa kilos niya pa lang, obvious na obvious na matagal na nga siyang naglalaro ng volleyball. Mabilis ang mga kilos niya at malakas din ang mga palo niya.

"Sigurado ka bang hindi ka pa nahuhulog?" Biglaang bulong sa akin ni Travis.
Iniwas ko ang tingin ko kay Maureen at sinamaan ko ng tingin ang katabi ko. Ano na namang pumasok sa ulo nito?

"What? Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko sa iyo. And right now, I can see admiration in your eyes."

Admiration? Baka sa volleyball lang yun. Well, malabong magka-gusto ako sa kanya. First, I've met many girls through many blind dates. Most of them are models o artista, pero wala sa kanila ang tipo ko. Imposibleng kay Maureen ko lang yun makikita. Second, I don't believe in what they call love. Third, uhm I don't know.

"Grabe talaga ang galit niya kay Maureen 'no? Obvious naman na si Maureen talaga ang puntirya niya."

Napalingon naman ako sa gawi ni Maureen. Kasalukuyan niyang tinatali ang sintas ng kanyang sapatos, habang sa tapat naman nila ay may isang babaeng parang ang talim ng tingin kay Maureen. Parang tatamaan niya ng bolang hawak niya si Maureen.

"Ano ba yan ang tagal?!" angal niya sabay serve sa bola

Parang huminto ang oras at namalayan ko nalang ang sarili kong tumayo at tumakbo sa harap ni Maureen.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang bolang tumama sa likod ko. Binuksan ko na ang mata ko at tinignan ko siya, malapit na yun. Gulat pa rin ang mukha niya dahil sa nangyari.

"Waaaaah Maureen hindi ka naman tinamaan diba?" sabi ni Claire saka niya tinulungan si Maureen tumayo

Lumapit naman sa akin si Travis saka niya tinapik ang balikat ko. Nagsimula na ring lumapit ang mga kaklase namin sa amin.

Sinenyasan ko si Travis na umalis na kami dito. Baka magkakagulo pa. Tumango naman siya at nagsimula na kaming umalis sa gym.

"What was that John Tyler Ford? Hindi pa pala nahuhulog ha." nang-aasar niyang tanong

"Tsk" Kahit ako hindi ko alam.


Kasalukuyan akong nasa clinic at nilalagyan ko ng hot compress ang likod ko. Grabeng babaeng yun. Ang lakas ng pagkatama nung bola, kulang nalang ay mabutas na ata yung likod ko.

"Tyler.."

Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon. Nagtagpo ang mga mata namin, anong ginagawa niya dito? Bumuntong hininga nalang ako at umiwas ng tingin.

"Bakit nandito ka? Diba may klase pa?" Tanong ko sa kanya

"Hindi pumasok si ma'am.." nakatungong sagot niya

Tumango nalang ako at pilit kong dampian ng hot compress ang likod ko. Tsk mas mababalian pa yata ako ng buto dahil sa position ko.

Nilingon ko ulit siya at nakita kong ngumiwi siya. Umiling iling siya at lumapit siya sa bandang likuran ko. Teka anong gagawin niya?

Lilingunin ko sana siya ng hinawakan niya ang balikat ko.

"Wag kang lilingon, tsaka wag ka rin malikot." Sabi niya atsaka kinuha niya na ang hot compress sa kamay ko

Tinaas niya pataas ang t-shirt ko sa likuran ko. Dumampi na ang hot compress sa likod ko kaya napaitlag ako.

"Tsk grabe ang lakas pala ng tama nun?" mahinang sambit niya

Sinilip ko siya sa likod ko at seryosong seryoso siya sa ginagawa niya. Binalik ko ang paningin ko sa harapan at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako

"Oo, kasing lakas ng tama mo sa akin."


Maureen's POV

Napahinto ako sa paglapat ng aking kamay sa kanyang likod. Ba't pa niya sinabi yun?! Alam niya bang ang awkward nitong ginagawa ko?! Napilitan na nga lang ako dito kasi pinilit ako ni Claire na puntahan ko daw si Tyler dito sa clinic since niligtas niya daw ako.

"A-ah a-ano..." sabi niya

Tumikhim naman ako at pinagpatuloy ko na ang pagdampi sa likod niya. Act normal lang Maureen, makakaraos ka din.

"Kalimutan mo na yun." Malamig kong sabi sa kanya

Tumahimik naman siya, kaya pinagpatuloy ko na. Mabuti naman at tumahimik na siya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Eh wala namang patutunguhan yun. Tsaka hindi naman yun importante. Wala namang mangyayaring maganda dun." sagot ko sa kanya

Anong bang problema niya? nagtataka na nga ako kasi niligtas niya pa talaga niya ako dun kanina. Tapos ngayon, ang weird na niya

Hindi na pala mainit 'tong hot compress. Pupuntuhan ko na sana ang nurse ng biglaan siyang humarap sa akin at tinitigan niya ang mga mata ko. Napaatras ako ng bahagya ng upo dito sa kama at lumunok ako.

Bakit ba parang sinasapian siya?! Mas lumapit pa siya sa akin at mas lumalalim ang tingin niya sa akin. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niyang hinapit ang beywang ko

Nanlalaking mata ko siyang tinignan. Ang lapit niya!! Tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita

"Pano kung sasabihin ko sayong importante sa akin yun? Damn Maureen, what have you done to me?"


______________________________
TBC

Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon