Chapter 13

51 10 5
                                    

Maureen's POV


Ito na ang araw para i-explain daw namin ang activity namin. Haays hindi ako confident sa sinagot namin ehh, pero okay na rin kasi siya rin naman ang mag eexplain.

"Ok class let's do a recap to our question. Sa inyong opinion, mahalaga pa bang balikan ang nakaraan kung saan ay tapos na? Bakit? Let's start sa mag partner na sina Marga at Claire." sabi ni Ma'am at umupo na sa tabi

Tumayo naman sina Marga at Claire para i-explain ang sagot nila. Ano kaya ang sagot nila? Bakit kaya ganyan yung tanong ni Ma'am? Masyadong personal.

"So sino ang mag eexplain sa inyong dalawa?" tanong ni Ma'am

"Si Marga po." sabi naman ni Claire at umupo na

Woah may pinagdaanan ba si Marga at siya pa ang mag eexplain sa kanila? Naiwan ng mag-isang nakatayo si Marga at pumunta na siya sa harapan para sa sagot niya.

"Para sa amin mahalaga pa rin balikan ang nakaraan. Dahil minsan kailangan pa rin natin itong balikan, dahil may mga bagay na maaring naiwan natin sa nakaraan. Kahit tayo ay nandito sa kasalukuyan, kailangan pa rin natin magbalik tanaw sa nakaraan. Yun lang po." Sabi niya

Bakit feeling ko may pinagdaanan siya? Haays sana naman ma-explain ni Travis ng maayos.

"Nice answer marga. Next ay silang Tyler at Aris." sabi ni Ma'am at tumingin kina ate at Tyler.

"Ako ang sasagot sa amin." sabi ni ate kay Ma'am

Wow si ate ang sasagot!! Ito ang kauna unahang magsalita ni ate ng mahaba. Ano kaya sagot nila?

"Okay you may start now.." sabi ni ma'am sa kanila

"Ang sagot namin ay hindi. Dahil bakit mo naman balikan ang isang bagay kung saan ay tapos na? Past na nga diba. Hindi lahat ng bagay kaya mong balikan ng basta basta lang. Bakit naman namin babalikan ang isang bagay kung tinapos na. Not all things in the past are worth to look back even if it has a memory that is hard to forget." seryosong sabi niya

Parang may tinamaan dun ah, tinignan ko naman si Travis at nakadungo lang ito sa upuan niya. Bakit kasi sila nag break? Hindi ko na nga ito proproblemahin.

"You have a good point, Aris. Next sina Maureen at Travis." sabi ni Ma'am

Tumayo naman si Travis at pumunta na sa harapan. Partner ko yan!! Sigurado ako may tatamaan sa sagot niya este namin pala.

"Ang sagot namin ay Oo. Dahil tayong mga tao ay hindi perpekto, marami tayong pagkaka mali na dapat natin itama. At para sa katanungan ni Aris na bakit balikan ang isang bagay kung saan ay tapos na? Isa lang ang masasabi ko, kahit nasa kasalukuyan o nakaraan pa yan. Kung mahalaga ito sayo, babalik at babalik ka pa rin dito. Para sa akin kailangan pa rin natin balikan ang isang bagay kung saan ay tapos na dahil pwede mo rin naman simulan ito ulit sa kasalukuyan, ika nga nila diba if there's an ending there will always be a beginning." sabi niya habang tumitingin kay ate

Worth it din pala itong pasalitain. Ang haba mga te! Mabuti nalang talaga at hinayaan ko siyang sumagot.

"Lalim ng pinaghugotan mo Travis ah. Parang natiklop na si Maureen sayo." biro ni Ma'am

"Naku Ma'am hindi ako tumiklop noh. Pinagbigyan ko lang yan." Biro ko pabalik


"So far ang laki ng mga grades niyo. Dahil na rin siguro dahil may pinag-hugotan kayo, kaya niyo nasagutan ng maayos." sabi ni Ma'am at tumawa sa huli

Bakit kaya naisipan ni Ma'am ang ganung tanong? Medyo hindi naman siya connected sa topic namin. Nagpa taas ng kamay si Marga at tinawag naman siya ni Ma'am

"Uhm Ma'am, bakit niyo pa naisipan na ganun yung tanong?" tanong niya

Mabuti at naisipan niyang mag tanong. Lahat ata kami na cucurious sa naging tanong ni Ma'am

"Well, naisipan kong magbigay ng ganung tanong dahil gusto ko malaman kung ano ano ang opinion niyo sa mga bagay bagay tulad nun." sagot naman ni Ma'am

Mukhang hindi kumbinsado yung mga kaklase ko sa naging sagot ni Ma'am kaya halo halo ang mga reaksiyon namin. Tumawa naman si Ma'am at nagsalita.

"Ano ba kayo.. Kung ano ano nalang ang iniisip niyo. Yun lang naman ang dahilan ko ah." sabi niya habang naka ngiti

Hmm mukhang napaniwala naman niya ang mga kaklase ko. Tumayo na si Ma'am at nagsimula na niyang ligpitin ang mga gamit niya.

"Next meeting ko na sasabihin kung ano ang mga naging scores niyo. Okay class dismissed." sabi ni Ma'am at umalis na siya

Sa wakas tapos na din! Pumunta ako sa upuan nina Travis at ate para i-congratulate silang dalawa sa mga naging sagot nila.

Pagdating ko dun, nakita kong nagmamadaling niligpit ni ate ang kanyang mga gamit habang si Travis naman ay ayun naka titig lang kay ate.

"Oyy Travis ganda ng sagot natin ah, next time babawi ako sayo.." pagkuha ko ng atensiyon sa kanya.

Parang nakuha ko naman ang atensiyon niya kaya't lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Sabi mo yan ah, sa susunod ililibre mo ako." sabi niya habang naka ngiti

Bakit ba ang gwapo niya habang ngumingiti? Wala akong gusto sa kanya ha, I'm just appreciating the beauty that has given to him.

"Oo nam--"

"Tsk."

Naputol ang sasabihin ko ng biglang tumayo si ate sa upuan niya at lumabas. Anyare dun?

"Oh san pupunta ang ate mo? Bakit biglang nagdadabog yun?" tanong sa akin ni claire

Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Oh andito pala ang isang 'to. Ngayon ko lang namalayan ah.

"Inaway mo ba?" tanong niya sa akin

"Uy hindi ah! Kinausap ko lang 'to si Travis." sabi ko naman sa kanya

Ngumiti naman siya ng nakakaloko at tinapik ang balikat ni Travis.

"Tsk tsk, nako baka nag selos yun." sabi niya at ayun lumabas na siya sa room namin.

Nagkatinginan kami ni Travis sa sinabi niya. Selos? Bakit naman magseselos si ate? Anong meron pag mag-uusap kami?

"Maureen una na ako sayo ha. May kailangan lang akong kausapin." sa niya habang naka ngiti at umalis na siya

Hmm may kakaiba sa ngiti niya. Parang ang saya saya niya. Pero bakit naman mag seselos si ate?



______________________________

TBC


Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon