Maureen's POV
Kinuha ko ang alarm clock ko sa gilid at ako na mismo ang pumatay nito. Totoo ba yung nangyari kahapon? Kami na ni Tyler?!?
Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at nilagay ko ito sa mukha ko habang tumitili. Di kaya ang bilis ko? AAAAAAAAAAACCKKKK BAHALA NA!! Pero sana naman tupadin niya yung pinag-usapan namin kagabi.
-Flashback-
Nandito na kami ngayon sa labas ng venue. Nag-enjoy naman ako at hindi ako nagsisi sa pag-sagot ko sa kanya. Natapos na din sa wakas ang event at uuwi na kami.
Napayuko ako at tinignan ko ang mga kamay naming nakahawak. Simula kanina nung sinagot ko na siya, hindi niya pa din binibitawan itong mga kamay ko. At hinayaan ko naman siya, 'dyan siya masaya.
"Nga pala may sasabihin ako, wag mo sanang masamain ha." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata
Huminto kami sa paglalakad at tinignan niya din ako. Huminga ako ng malalim saka ko sinabi sa kanya.
"Pwede bang itago muna natin itong sa atin?" sabi ko ng may kinakabahang ngiti
Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo dahil sa sinabi ko. Jusko sana hindi ka magalit.
"Bakit?"
"Please, wag muna."
Huminga naman siya ng malalim saka dahan dahan tumango. Nginitian ko naman siya at nginitian niya din ako pabalik.
-End of flashback-
"Oh kumusta ka?" bungad sa akin ni Claire pagdating ko dito sa classroom.
Ano naman ang ibig niyang sabihin? Di ko naman sinabi sa kanya na may lakad ako kahapon ah.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hay naku. Wala Maureen, wala." Sabi niya habang nakangisi at tumingin na siya sa harapan.
Binalewala ko ang sinabi niya at umupo na ako sa upuan ko. Himala at wala pa yung isa. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at pinindot ko ang message na app.
'San ka na? Papasok ka ba?'
Kukunin ko na sana ang libro ko sa bag ko ng biglang tumunog ang phone ko.
'Papunta pa ako, miss mo na ako agad?'
Napairap na lang ako sa hangin at nagtype ako ng irereply ko sa kanya.
'Duh hindi no, kapal ng mukha mo'
"Bat ka ngumingiti mag isa diyan? Don't tell me? Maureen kinikilig ka?!"
Bigla kong naibaba ang phone ko sa desk ko at gulat kong tinignan si Claire.
"H-ha? Hindi kaya"
"Pag ako tama sa iniisip ko, dapat ililibre mo ako." Sabi niya at tumalikod ulit sa akin
May lahi ba yang manghuhula si Claire? Ano ba naman yang pinag sasabi niya.
Ayan na naman ang ingay galing sa hallway. Ibig sabihin, andyan na ang mag bestfriend.
Kinuha ko na ang libro ko sa bag ko at pinagtuonan ko nalang ng pansin ang magiging lesson namin mamaya.
Naramdaman kong may taong tumabi sa akin kaya hindi ko na inabalang tignan kung sino ito.
Binaba ko muna ang librong binabasa ko at kinuha ko ang tumbler ko saka uminom ng tubig. Tumunog ulit ang phone ko kaya tinignan ko ito habang umiinom ng tubig.
'Good morning mahal<3'
Naibuga ko ng wala sa oras ang iniinom ko. Wtf?! Ano yun?!
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka kinuha ang librong binabasa ko kanina
"TAENAMO TYLER!! ANG AGA AGA ARRRGGHHHHH!!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko siya ng libro
Napatigil ako sa pagsigaw ko ng hawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Gusto mo bang malaman nila agad?" mahina ngunit dinig kong tanong niya
Binawi ko agad ang mga kamay ko at nakayukong umupo agad ako sa aking upuan. Nakakainis siya
"Jusko ang aga aga nag-aaway na naman kayo? Akala ko ba ok na kayo ha?" tanong ng isa naming kaklase
Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ko ang libro ko sa desk ni Tyler. Pasimple ko siyang pinalakhan ng mata at kinuha ko ang phone ko at nagtype ng message para sa kanya
'Ang corny nung mahal, yucks'
Binaba ko na ang cellphone ko at nilagay ko nalang ito sa bag ko para di niya na ako replyan.
"Magme meeting tayo para sportsfest bukas. Tapos pag uusapan lang natin kung sino ang magiging representatives natin kada sport. Ilalagay ko lang dito sa bulletin board natin ang list ng sports na maari niyong sasalihan." Umalis na si ma'am sa harapan namin at dinikit niya na ang listahan sa bulletin board.
Dumami ata ang sports na pamimilian ngayon. Basketball, volleyball, softball, soccer, lawn tennis, at iba pa. Ano kayang sport ang sasalihan nung isa?
"Maureen, ikaw na ang ililista naming captain sa volleyball ha."
Tumango na ako sa sinabi ni Marga, haays palagi namang ako ang pinipili nila.
"Kayo Tyler, Travis, at Aris? Anong gusto niyong sport?"
Lahat ata kami naghihintay sa sasabihin nilang tatlo.
"Basketball/ Basketball." Sabay na sabi nina ate Aris at Travis
"Wala." Sabi ni Tyler
Tumaas ang isang kilay ko sa katabi ko, grabe imposibleng wala.
"Bakit wala?" tanong ni Marga
"I'd rather cheer for someone this sports fest." Sabi niya habang nakatingin sa akin
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at inaliw ko nalang ang sarili ko sa pagbasa ng notes ko. Pag kami mahuli nila, patay di ko alam gagawin ko.
_______________________________
TBCEdited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...