Maureen's POV
Pagpasok pa lang namin ay nagkakalat na naman ang mga couple dito sa classroom. No, rephrase that. Simula corridor pa lang ay nag kakalat na pala ang mga mag-jowa dito, mga mag-jowa na walang ibang ginawa kundi ang mag-landian.
"Hindi ba sila napapagod? Araw araw na lang ha." Inis na bulong ko dito sa katabi kong nakaupo at nagbabasa ng mga notes niya.
"Wag mo nalang kasing pansinin ang mga yan. Ang mabuti pa tulungan mo 'kong mag review para sa quiz para pareho tayong malaki ang score." Sabi niya sabay bigay sa 'kin ng mga notes niya.
Ang hilig niya talagang mag-aral. Kahit alam naman naming 10 items lang yun tinotodo niya talagang mag-aral. Siguro may ganun talagang mga tao, yung sisikapin talagang malaki ang points na makukuha nila
"Mamaya na akong mag-aaral. Pupunta muna ako ng CR." Sabi ko at binalik ko na sa kanya ang kanyang mga SANDAMAKMAK na notes.
"Sige sige, bilisan mo ha!"
Pagkasabi niya non, dumeretso na ako sa CR para mag-bawas.
***
Pagkalabas ko pa lang sa cr ay may nakita na akong couple na nag-aaway mula sa malayo. Wala na talagang matitino na lalaki dito sa mundo. Yan tayo eh, pagkatapos niyang ligawan, iiwan niya din pala.
Napanganga na lang ako nang biglang lumipad ang kamay nung babae sa pisngi nung lalaki. Di ko alam kung anong mararamdaman, maawa ba ako o sasabihing deserve niya naman? Tumakbo na papalayo ang babae at pumunta siya sa kung saan. At dahil may lahi ata akong pagka-chismosa, ayun sinundan siya.
Habang sinusundan ko siya, bigla nalang siyang huminto at umupo dito sa isang bench ng garden. Umiiyak pala siya. Ano ba yan?! Iniwan na nga, pina-iyak pa.
"Ehem.." Tikhim ko sa kanya. Pero wala, snob pa rin siya. Tsk broken hearted nga.
"Ehem.."
"Ehem.."
"EHEM!!"
"EHE--"
"Alam kong nandyan ka. Hindi mo na kailangang tumikhim ng paulit-ulit." Sabi ni brokenhearted girl, na hanggang ngayon ay umiiyak pa din.
Ayy, pahiya ako dun ah. Tumikhim na lang ko ulit at umupo sa tabi niya. Mabuti na lang at kami lang ang nandito, baka pagbintangan pa ako na ako ang dahilan kung bakit umiiyak siya.
"Oh." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng panyo. Kinuha niya naman yun at pinunas niya sa kanyang luha.
"Pwede magtanong?"
"Nagtanong ka na nga diba?" Pamimilosopo niya.
Kaka-break pa nga lang nila eh naging bitter na agad. Sabagay, ako nga, hindi iniwan pero bitter amp.
"Bakit ka niya iniwan?" Tanong ko sa kanya.
Napangisi naman siya ng mapakla. Pero unti unti ring nawala yun at umiyak na naman siya. Jusko 'te, umayos ka at baka mapagkamalan kitang nababaliw na
"Ang tanga tanga ko kasi. Naniniwala na naman akong magbabago siya."
Ahh kaya pala ganyan na lang ang naging reaksyon niya. Well, parte ng buhay yan, ang masaktan. Wala tayong magagawa kung choice nung tao na magloko. Buhay niya yan at karma na ang bahala sa kanya.
"Alam mo, sana pala sinunod ko na lang ang sinabi nila." Sabi niya sabay punas na naman ng luha niya.
"Sinong nila?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...