Chapter 15

56 12 4
                                    

Tyler's POV


Nandito ako ngayon hinahanap si Travis. Saan na naman nagsusuot yun? Minsan talaga naiisip ko ng nababaliw na ang kaibigan ko.

Napadpad ako dito sa may parking lot at nadatnan ko siyang mag-isang naglalakad habang nakangiti, baliw na talaga ang kaibigan ko.

"Hoy! Anong nginingiti mo dyan? May nangyari ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan niya.

"Oo may nangyari nga." sabi niya

Ano naman kaya yun? Masyado sigurong maganda yung nangyari kaya ganyan ka wagas yung ngiti niya.

"Bakit ano bang nangyari?" tanong ko

At mas lalong lumaki ang ngiti niya. He's creeping me out.

"Let's just say na wala na yung first kiss ko." sabi niya at pumasok na siya sa sasakyan

Napahinto ako sa pagpasok ko sa sasakyan niya. Anong sabi niya? Wala na yung first kiss niya? Abnormal na yata yun ah! May tao bang masaya pag wala na yung first kiss nila?! Wala naman siguro. Pero pano nangyari yun? Pano nawala yung first kiss niya?

Nagmamadali akong pumasok sa sasakyan niya at tinignan siyang maigi. Nakangiti siya habang nakahawak sa labi niya. He's weird, yan lang talaga masasabi ko. Binatukan ko siya kaya't sumalpak yung ulo niya sa manibela.

"Mind to share kung anong nangyari?" tanong ko sa kanya

Sinamaan niya naman ako ng tingin habang hinihimas yung noo niya. Tsk napalakas nga yata, namumula yung noo eh.

"Ayaw ko nga! Pagkatapos mo akong batukan at tingin ko magkaka bukol pa nga ako sa lakas nito. Sa tingin mo magkwekwento pa rin ako?" inis niyang sabi sakin

Napa kamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sinasadya, napalakas lang talaga yun.

"Sorry na, napalakas eh. Sabihin mo kasi kung ano ang nangyari, hindi yung ngingiti ka lang dyan na iisipin ko na talagang may topak ka." sabi ko sa kanya

At bumalik naman siya sa pag-ngiti niya. Babatukan ko na naman sana siya ng bigla siyang umiwas.

"Oh sige na nga, sasabihin ko na sayo." sabi niya

Umupo ako ng maayos habang inistart niya na ang sasakyan niya.

"Well, nahalikan ko si Aris." sabi niya habang ngumingiti na naman

Nabulunan ako sa sarili kong laway saka siya tinignan. Teka tama ba ang narinig ko? Nahalikan niya si Aris? Si Aris na ex niya? No way. That's impossible!!

"Baka hindi si Aris yung nahalikan mo ha, baka ibang babae yung nahalikan mo." pagbibiro ko sa kanya

Huminto siya sa pag da-drive niya at tinignan ako saka binatukan. Mas masakit pa yata yun kesa sa kanya ah!

"Gago hindi ah! Alam kong si Aris yun." sabi niya. Kaya pala ang saya ng ugok dahil first love niya ang nakakuha ng first kiss niya.

"Pero teka nga. Panong nangyari yun? Ano yan magic? Eh alam naman natin parehas na ayaw ka nun." curious kong tanong sa kanya

"Basta! Sa'kin nalang yun." sabi niya sa akin

"Tsk damot!" singhal ko sa kanya

Tumingin nalang ako sa labas. Pumapag ibig na ulit 'tong kaibigan ko. Napansin kong pahina ng pahina ang takbo ng sasakyan kaya't tinignan ko siya at yun, nakatingin sa harapan. Nakatingin siya sa isang babaeng nakatalikod, parang pamilyar yung likod ah.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon