Maureen's POV
Monday na naman at magsisimula na naman ang klase. Monday na monday pero parang ang sabog ng pakiramdam ko. Papunta na ako sa sasakyan ni ate ng mapansin kong nasa labas lang siya ng sasakyan niya at nakatingin lang sa kawalan. Ano na naman na ang nangyari sa kanya? Tumikhim ako para makuha ko ang atensiyon niya.
"Ate, tara alis na tayo." sabi ko sa kanya
Tumango naman siya at pumasok na siya sa sasakyan niya at sumunod na ako. Tahimik lang ang buong biyahe namin. Hindi na rin ako nagtangka pang magsalita dahil baka magalit pa si ate.
Sabay kaming lumabas ni ate sa sasakyan niya at naglakad kami papuntang classroom. Ayan na naman yang mga matang nakatingin kay ate. Kung makatitig naman 'tong mga 'to kay ate parang nakakita ng artista. Sabagay hindi ko sila masisi kasi maganda naman talaga si ate.
Insecurities talaga ang nakukuha ko kapag magkatabi kami ni ate. Ang dami kasi ng pinagkaiba namin. She's perfect, yung ugali na nga lang ang kulang.
Pagdating namin ni ate sa room ay dumeretso na siya sa upuan niya at natulog sa mesa niya. Tinignan ko ang upuan kung nasaan nakaupo si Claire at nakita kong wala siya dun. Nasan na naman pumunta ang babaeng yun?
Boring naman. Wala akong nakakausap dito sa room. Nilagay ko nalang ang ulo ko sa mesa ko at matutulog muna ako.
Napadilat ang isa kong mata ng may biglang tumusok sa pisngi ko. Tinignan ko kung sino ito pero inis kong pinikit ulit ang mata ko ng makita kung sino ito. Ano na naman ang kailangan nito?! Nakakainis talaga ang pagmumukha ng lalaking ito.
"Wag ka ngang matulog! Malapit na ang class oh!" Pabulong na sigaw niya sa tenga ko
Inis akong bumangon sa desk ko at sinamaan ko ito ng tingin.
"Bakit ba?! Ano bang pake mo kung matutulog ako?!" Inis kong tanong sa kanya
Bigla naman itong nag-pout sa akin ng dahil sa sinabi ko. Feel niya ba cute na siya sa lagay na yan? Jusme kadiri!
"Bakit? Bawal bang magpaalala sa kaibigan mo na malapit na magsimula ang klase?" Tanong niya
Tumaas naman ang isang kilay ko at pinitik ko ang noo niya.
"Aba't! Hoy! Sinong nagsabing kaibigan tayo?!"
Napahawak naman siya sa noo niya at hinimas-himas ito. Ang kapal rin ng mukha ng isang 'to.
"Wow, tinulungan nga kita dun sa village niyo tapos sasabihin mo sa aking hindi tayo magkaibigan? Wala ka ring utang na loob 'no?" Tanong niya
Kumunot naman ang kilay ko sa sinabi niya. Okay, what was that? Anong masamang espirito ang sumanib sa lalaking ito at parang naging mabait sa akin?
"Aba't ik--"
"Everybody, please settle down." naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si sir.
Inismiran ko nalang si Tyler at umayos ng upo. Napansin ko namang ngumiti siya mula sa peripheral vision ko.
"Class dismissed." Sabi ni sir at umalis na ito ng room
Tumayo naman ako at nag-inat inat ng buto habang nakapikit. Nakakapagod! Ang sakit ng likod ko dun ah! Ini-nat ko naman ang leeg ko saka binuksan ko na ang mata ko.
Sinamaan ko naman ng tingin si Tyler na siyang naka-tingin sa akin.
"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Inis kong tanong sa kanya
Ngumiti lang siya sa akin at kinuha niya ang bag niya bago siya nagsalita.
"What? I'm just enjoying the view." Sabi niya at umalis na siya ng room
Napanganga na lang ako habang nakatingin pa din sa nilabasan niya. Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Dahil ba sa sinabi niya?
"What? I'm just enjoying the view."
I shaked my head to clear those thoughts. Bakit ganito?! Tinapik-tapik ko ang dibdib ko at huminga ng paulit ulit.
"Okay ka lang? Gusto mo sa clinic muna tayo?" biglang sulpot ni Claire
Binaba ko naman ang kamay ko at umiling sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Sure ka ha? Baka may masakit talaga sayo at hindi mo lang sinasabi. Ngayon pa lang sabihin mo na dahil baka matumba ka nalang bigla. Naku! Sa liit ko pa naman hindi kita kayang kargahin." nag-alalang sabi niya. Tumango nalang ako at nginitian siya habang naglalakad kami palabas ng room.
"Wag ka ngang mag-alala. Promise, maayos lang ako." sabi ko sa kanya. Mukhang kumbinsido na siya at nakahinga na siya ng maluwag.
Pumunta na kami papuntang cafeteria at pumasok na kami sa loob. Andaming tao ata ngayon ah
"Andami namang tao dito." sabi ni Claire habang inilibot niya ang paningin niya sa cafeteria
Inilibot ko rin ang mata ko sa mga tao sa loob at huminto ang mata ko sa lamesa nina Tyler. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at napahawak nalang ako sa puso ko. Shit! Ano na naman toh?! Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?!
"Oyy Maureen anong nangyari sayo? Ok ka lang ba? Hoy ba't ka namuutla? Ano dalhin na kita sa clinic?! Ano na?!" Natatarantang sabi niya
Nginitian ko lang siya at hinila ko nalang siya papunta sa counter para pumila na kami.
"Set A po ate." sabi ko sa cashier
"Ate ganun rin yung akin." sabi ni Claire
Kinuha niya muna ang bayad namin saka niya kinuha ang mga in-order namin. Inilapag niya sa lamesa ang order namin at kukunin ko na sana ang pagkain ko ng may naka-una ng kumuha nun.
Nilingon ko naman kung sino ito at laking pagkakamali pala yun dahil nararamdaman ko na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Woy akin na yan!!" Sigaw ko kay Tyler
Pero nakalayo na siya sa akin at inilagay niya ang pagkain ko sa lamesa nila. Ano na naman na trip niya?! Inirapan ko nalang siya at binaling ko ang atensiyon ko kay Claire. Kinuha niya na ang pagkain niya at nagsisimula na kaming naglalakad na kami
"Oh? Nasan yung sayo?" Tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga na lamang ako at tinuro ang pagkain ko na nasa lamesa nina Tyler.
"Nandun. Kukunin ko lang saka hahanap tayo ng mesa para sa atin." Sagot ko sa kanya
Tumango naman siya at pumunta na kami sa table nila Tyler at kukunin ko na sana ang pagkain ko ng tinabig ni Tyler ang kamay ko.
"Hoy akin na nga yan! Akin yan! Kung gust--" Naputol ang sasabihin ko ng hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya.
"Ano ba--" Naputol na naman ang sasabihin ko ng nilagyan niya ng pagkain ang bibig ko.
"Pwede ba, wag kang sumigaw. Kumain ka na lang diyan. Claire umupo ka diyan sa kabilang upuan at kumain ka na rin" seryosong sabi niya
Umupo naman si Claire at kumain na din siya. Tiningnan ko naman si Tyler pero normal lang siyang kumakain.
Bakit mo ba ginagawa 'to? Wag ka namang paasa oh. Baka kasi bigla nalang akong mahulog, at hindi mo naman pala ako sasaluhin.
___________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
أدب المراهقينSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...