Chapter 44

29 4 0
                                    

Maureen's POV


"Nurse ubos na yung dextrose ng anak ko." Sabi ng isang magulang ng isang pasyente.

Tumango naman ako saka kumuha ng isang dextrose para rito.

Ilang taon na ang lumipas simula ng mangyari yun. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa, at matagal ko na ring kinalimutan yung nangyari. Kahit lubha akong nasaktan sa pangyayaring yun ay mas pinili kong magpakatatag at kalimutan ang sakit. Oo inaamin kong nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero binabaling ko nalang ang atensyon ko dito sa ospital kesa sa masaktan habang buhay.

Isa na akong ganap na registered nurse sa isang malaking ospital. Hindi natuloy yung pagbabalak kong maging doktor kasi hindi ako pinayagan nina mommy, hindi naman problema yung pera, eh kaso ayaw nilang maging doctor ako kasi baka daw di na ako mag-asawa at ilulong ko nalang daw ang sarili ko sa pag-aaral. Siguro nga ganun gagawin ko pag pinursue ko pa yung pagdodoktor ko haays. Pero kahit naman siguro ngayong nurse ako ay mas gugustuhin ko nalang na dito tumira sa ospital kesa sa mag asawa.


"Kumusta na yung pakiramdam mo, Sam?" tanong ko sa batang pinapalitan ko ng dextrose ngayon

"Medyo maayos na po ako ngayon kesa kahapon, nurse ganda." Sabi nito

"Asus parang hindi ka pa ata magaling eh, hanggang ngayon bolero ka pa rin." Pagbibiro ko sa kanya

"Hala hindi po, totoo naman po yung sinabi ko. Diba 'my totoo naman yung sinasabi ko?" Pagtatanong ng bata sa mommy niya

Napatawa naman ako ng mahina saka ginulo ang buhok niya. Apaka bolero talaga ng batang 'to, simula nung dinala siya dito sa ospital eh kahit parang lantang gulay siya nun nagawa pang tawagin akong "maganda" o "ganda".

"Totoo nga naman, nurse. May nobyo ka na ba? Irereto talaga kita sa anak ko pag wala." Sabi ng mommy nung bata

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Naku po ma'am, wala pong nobyo yan. Ang dami na po naming nireto sa kanya eh di po nyan priority yung jowa." Singit ng kasama kong nurse sa floor na ito, Nurse Desiree Rebagay.

"Ay sayang ka naman, nurse."

Nginitian ko nalang ito saka tinignan si Des ng may nanlalaking mata. Minsan talaga feel kong pinaglihi siya sa kabute, sulpot ng sulpot eh.

"Ay oo nga pala, andito pala ako para ibigay itong bagong reseta ni Sam. Mababawasan po ng isang gamot yung ipapainom sa kanya, bale yang nakalista nalang po yung iinomin niya since medyo okay na pakiramdam niya. Sige Maureen mauuna na ako ha, bye bye Sam!" sabi niya saka umalis na sa kwartong ito.

Nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa kasi medyo binabalot na ako ng kahihiyan ng dahil sa topic na yun.


"Ba't kasi ayaw mo magpaligaw? Baka sa future ikaw na ang matandang dalaga na nurse dito sa ospital." Bungad agad ni Des ng bumalik na ako sa counter namin.

"Ayaw ko pa kasi." Maikling sabi ko saka tumambay dito sa labas ng station namin

Isa si Desiree sa mga naging kaibigan ko mula noon pa. Nakilala ko siya noong college kami at naging mas malapit kami sa isa't isa nung graduating kami. Kaya't madami na siyang alam sa buhay ko at ganun rin ako sa kanya.

"Tungkol pa rin ba sa ex mo? Diba sabi mo kinasal na yun? Jusko Mau, hindi mo na kailangan pang magpaka loyal sa ex mo! Ilang taon na ba ang lumipas simula nung nangyari yun? 6 years na ata ah! Naku bat hindi nalang si Le-"

"Hindi naman kasi ako nagmamadali, tsaka nakamove on na ako dun no. Dadating din yang para sa akin, baka natraffic pa kaya wala pa." sabi ko sa kanya

"Grabeng traffic naman ya-"

"Ano ka ba naman nurse Des, hayaan mo na yan si nurse Maureen sa love life niya. Eh yung sa'yo ba kumusta?" biglang singit ng isang bagong dating

"Good afternoon, doktora." Sabay naming bati dito sa kararating lamang

"Oh ito, mag-break muna kayo." Sabi ni Doktora Anisha sabay lapag ng isang paperbag.

"Naku nag abala ka pa po, pero salamat po." Nakangiting sabi ko sa kanya

"Asus ayos lang. Sige kain kayo, oh nurse Des kumusta kayo nung boyfriend mo?" baling niya kay Des na lumalamon na.

"Naku dok hindi ko na jowa yun." Sabi niya habang nakangisi.

Ano daw? Nag-break sila nun? Grabe ang sayang naman, 4 years din silang magjowa nun.

"Ha? Nag-break kayo?" tanong ng isang kasamahan naming nurse ni Des na si Adzmhen

"Sinong may sabi na nag-break kami? Ibig kong sabihin hindi ko na yun boyfriend kasi fiancée ko na siya tada!!" sabi ni Des habang tinaas ang kamay niya na may singsing.

"Wow congrats!" sabi ko sa kanya

"Kaya kung ako sa'yo Maureen, maghanap ka na ng boyfriend mo! Or kahit date date lang! Malay mo pag ganun may makikita ka ng para sa iyo." Sermon na naman ni Des sa akin.

Tinawanan ko nalang siya saka kumuha ng pagkain na dinala ni doktora. Haays hindi ko naman talaga kailangan ng boyfriend eh, hindi ko rin yan mapagtuonan ng pansin kasi busy ako dito sa ospital.

"Tignan mo 'to si Adzmhen, mas bata sa'yo pero may boyfriend na! Dinaig ka pa ng mas bata sa'yo HAHAHAHAHA" sabi ni Des habang inaasar si Adzmhen

"Hoy grabe 2 years lang age gap namin ni Adzmhen. May boyfriend ka na? Naks sino?" tanong ko kay Adzmhen na namumula na

"Yung nurse dun sa second floor, oh diba may forever talaga sa ospital HAHAHAHA." Sabi ni Des saka humalakhak ulit.

"Naku Maureen, napag-iwanan ka na ng dalawang 'to. May kilala ako, a family friend of mine. Single dad nga lang." ani ni Doktora

Grabe naman yung single dad, siguro nga mas matanda pa yun sa akin.

"Naku doktora magaling po yang si Maureen sa mga bata. Kitain mo na yang nireto sa'yo ni doktora, for sure big time yan!" sabi ni Adzmhen saka sila nag-apiran ni Des

"Doktora wag na po, may kinikita naman po ako." Pagsisinungaling ko sa kanya para matapos na rin sila sa kaka-reto sa akin

Bahagya naman silang natigilan saka ako tinignan na tila may sinabi akong mali. Oh ayan, pag meron na akong boyfriend ganyan magiging reaksiyon nila.

"Weh? Sino?" tanong ni Des

Di ko naman siya sinagot saka inayos ang medicine cart ng mga pasyente.

"Nagsisinungaling ka lang! Ikaw may jowa? Ay weh" sabi ulit ni Des

"Advance mag-isip ni Des, kinikita pa nga daw." Sabi ni Adzmhen habang umiling

"Ay ganun ba? Oh siya, aalis muna ako. Hinatid ko lang talaga to sa inyo, bye!" sabi ni doktora saka umalis na

Nagkatinginan naman kaming tatlo saka tumawa.

"Asus umalis agad si doktora, porket alam niyang siya na ang isusunod nating gisahin." Sabi ni Adzmhen

Doktora Anisha Mae is still single at the age of 30. Kaya minsan ay tumatakas talaga siya pag siya na yung di pa nagigisa sa ganitong usapan. Maganda naman siya, pero di niya ata talaga prinioritize ang ganun.

"Oh Maureen, sasama ka sa amin mamaya ha. Triple date dapat eh, kaso la ka namang jowa kaya fifth wheel ka mamaya." Sabi ni Des sa akin saka umalis sa nurse station namin, may pasyente daw siyang titignan.

Mas mabuti na ata yung hanggang fifth wheel nalang ako, makakaiwas lang akong masaktan ulit.


_______________________________
TBC

Edited


Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon