Maureen's POV
This is the day! Ito na ang araw na hinihintay ng lahat! Foundation day na at ngayon na ang first day kaya ibig sabihin ngayon din ang araw ng pageant nina ate at Travis.
Nandito kami ngayon sa bahay, specifically sa kwarto ni ate. Kasalukuyan kaming nagtutulong tulong para bihisan at make-upan si ate. Habang ang mga boys naman ay nandoon sa bahay nina Trevor para ayusan siya o kung ano.
"Gosh, sige na kasi!" naiinis na sabi ni Meg
Pinipilit niya kasi si ate para gumamit ng mascara. Eh si ate naman, ayun tumatanggi dahil ayaw nga niya. Napangiwi na lamang ako dahil sa view ko ngayon.
"Ayaw ko nga! Ano bang hindi mo maiintindihan sa ayaw?!"
Ayan, nagsimula na silang mag-away. Kung titingnan mo sila para silang aso at pusa.
"Tama na nga yan. Wag niyo na pag-awayan yang mascara." Naiinis na ding sabi ni Ellaine.
Sa wakas ay tumahimik na din ang dalawa. Mabuti na lang at kami kami lang rin ang andito. Si Meg ang nag-aasikaso sa make-up ni ate, while si Ellaine naman ang sa mga damit at costume niya. Kami ni claire? Wala lang, pa chill lang kami este ako. Eh pano ba naman, si Claire ay kulang na lang gumawa ng inspirational speech para kay ate.
"Galingan mo talaga ate ha!!"
"Good luck ate!!"
"Tandaan mo ate, always smile!!"
Hay madami pa yan, uma-ate na din siya ah. Parang siya pa yung kapatid sa aming dalawa eh.
"Oh ayan, maganda na!" Papuri na sabi ni Elaine.
"Tss, mas maganda pag may mascara." Malditang sabi ni Meg.
Ayan na naman ang topic nilang "MASCARA.
Pwede naman siguro na wala yan. "Pwede ba tama na dahil sawang sawa na akong umitindi at makinig sa inyo." Medyo malakas kong sabi sa kanila
Tumahimik naman sila at tumingin sa akin. Ng nakabawi na sila, nagkanya kanya naman silang nagsalita.
"Wow hugot na naman." Ani ni Ellaine
"Ayan nagsimula na." Sabi ni Meg
"Kayo kasi bakit niyo pinapa-galit, ayan tuloy, nag-hugot na si hugot queen.." natatawang sabi ni Claire.
Sabay sabay silang nagsitawa except ni ate na parang hindi alam ang pinag-sasabi nila. Well hindi niya naman talaga alam.
"Anong hugot queen?" Pag-interrupt ni ate sa amin.
Napatigil naman sila sa pagtawa at napatingin kami sa kanya. Hay pano ko ba i-explain 'to?
"Ahmm. Ano.. Kasi—"
"Alam mo ate Aris hugotera at bitter kasi yan sa mga mag-jowa. Kaya ayun tinaguriang hugot queen 'tong best friend ko." Naputol ang dapat kong sasabihin ng biglang si Claire ang sumagot.
Ako dapat ang magsasabi eh. Paglingon ko naman kay ate ay nakakunot na yung noo niya. Soon magiging angry bird na talaga siya.
"Kailan nagsimula?" Tanong ni ate sa amin.
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Claire. Okay lang naman ako, okay lang hehe.
"Hindi ako sure eh. Pero naalala ko yung araw na nag-hugot siya sa harap ng maraming tao, yun yung grade 8 yata kami. Oo, grade 8 kami nun."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...