Chapter 31

23 4 0
                                    

Maureen's POV


"Maureen, bumaba ka na raw. Kakain na sabi ni mommy." Sabi ni ate mula sa labas ng pinto ko

Sabado ngayon at nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at nakatitig lang ako sa kisame.

Ano na naman ba ang trip ni Tyler? Simula nung sinabi niya yun sa clinic nagiging weird na siya. Nagiging tahimik na siya at napapansin ko din na parang umiiwas siya sa mga lugar na nandoon ako. Ewan ko ba sa kanya.

Sinabunutan ko ang buhok ko at bumangon na ako sa kama ko at pumunta na ako sa dining area.


"Himala at hindi ka maagang gumising ngayon." Sabi ni mommy habang may hawak na newspaper

Bumuntong hininga na lang ako at umupo na sa upuan ko. Sumandok na ako ng kanin at ulam sa pinggan ko ng biglang may dumating na maid.

"Ma'am may tumatawag po sa landline"

"Ahh baka ang opisina yun, sige ako na." tatayo na sana si mommy ng biglang magsalita ulit ang maid

"Si ma'am Maureen po yung hinahanap."

Tumingin naman silang lahat sa akin pagkatapos sabihin yun ng maid. Teka sino namang tatawag sa akin? Mostly naman ay sa phone ko lang tumatawag ang iba. Inexcuse ko muna ang sarili ko sa hapag-kainan at kinuha ang telepono.

"Hello?"

"Ate Maureen? Ikaw na ba ito?" Sino naman ito? Tsaka parang ang pamilyar pa ng boses niya.

"Ahh oo, sino nga ulit ito?"

"Ate ako ito, si Tyrone. Kapatid ni kuya Tyler." Muntik ko ng mabitawan ang teleponong hawak ko. Kaya pala pamilyar

"A-ahh Tyrone hehe. Bakit ka napatawag?"

"Ate pwede ka bang pumunta ngayon sa bahay? Gusto ko po kasing magpasama sa inyo sa mall. Ayaw ko naman po talagang kayo ambalahin kaso lang busy sina ate at kuya tsaka kayo nalang po ang kilala kong pwede akong samahan sa mall. Sige na ate please. Nagpaalam na ako kay mommy at pumayag na siya."

Nakaka-konsensya naman pag hindi ako sasama sa batang ito. Bumuntong hininga naman ako at pumayag ako sa gusto niya. Binaba ko na ang tawag at pumunta na ulit ako sa hapag-kainan.


"Ano sa tingin mo 'my? Ano ang bagay sa akin, ito ba o ito?" tanong ko kay mommy habang ipinakita sa kanya ang isang dress at isang pair ng skirt

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kasalukuyan akong nagpapatulong sa kanya kung ano ang magandang suotin.

"Sure ka ba'ng hindi date yang pupuntahan mo?" sabi niya na parang nang-aasar

Nag-pout naman ako sa harapan niya. Bawal ba akong mag-suot ng magaganda? Kailangan ko din mag-mukhang tao minsan

"Mommy naman eh. Gusto ko lang pong mag-mukhang tao. Tsaka 'my, bata po ang kasama ko."

Nanlaki naman ang mga mata niya at hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

"A-anong sabi mo? Bata? Jusko Maureen Margaux ang dami namang lalaki jan sa paligid na ka edad mo lang, bakit ka papatol sa bata anak? Jusmiyo! Gusto mo bang mag-set ako ng blind date? Madami namang mga anak ang mga business partner ng daddy mo na ka edad mo lang. Naku—"

"Teka nga lang mom. Nagpapasama lang sa akin yung bata 'my kasi wala na daw siyang iba pang kasama sa bahay nila na pwede siyang samahan sa mall. Tsaka hindi naman ho ako naghahanap ng jowa."

Nakahinga naman siya ng maluwag at tinignan niya ulit ang mga damit na pinapili ko sa kanya.

"Oh ganun naman pala. Bata lang pala kasama mo. Eh bakit ka pa nag-hahanda ng ganitong mga damit?"

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Bakit nga ba ako naghahanda ng ganito eh si Tyrone lang naman pala ang kasama ko? Ahhhh ewan!

"Teka nga, kanino bang bata yun? Sa pagkakaalam ko si Claire ang bunso sa kanilang magkapatid."

"A-ano kapatid ng kakla- este kaibigan ko." Patago akong ngumiwi dahil sa sinabi ko, kelan ko pa naging kaibigan si Tyler?


Nandito ako sa harap ng gate ng mga Ford. Bakit ba ako kinakabahan? Inayos ko muna ang suot kong pencil skirt at inayos ko na din ng pagka-insert ng blouse kong puti. Pinaresan ko ito ng isang pares ng white shoes.

Bumuntong hininga muna ako saka ako nag-doorbell pinag-buksan naman ako agad ng maid nila at pina-upo niya ako sa couch at pupuntahan niya daw muna si Tyrone.

"Ate Maureen!!"

Napalingon ako ng sumigaw siya sa bandang hagdan at tumayo agad ako sa kinauupuan ko.

"Tyrone wag kang tumakbo. Baka mahulog ka." natataranta kong sabi sa kanya

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang bumaba sa huling palapag ng hagdan. Nginitian niya naman ako at inayos niya ang bonnet niya. uwu ang cuteee

"Ahh nga pala ate, pumayag nga pala si kuya na samahan tayo. Pinilit ko kasi siya na mag-drive para sa atin."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Siguro naman ibang kuya yung tinutukoy niya diba? Tumikhim naman ako at pinilit kong maging normal

"Hehe ok lang naman na tayo lang Tyrone. Marunong naman akong magmaneho tsaka may dala din akong sasakyan."

"Tyrone alis na tayo." Sabi ng isang boses sa likuran namin

Nilingon naman namin siya dalawa ni Tyrone at halos nanlaki ang mga mata ko. Nagmumukha kaming magkasintahan! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. At parang magkaparehas kami ng damit. Naka dark blue pants siya at naka-puting shirt din siya ngunit pinatungan niya ito ng jacket at nakasuot siya ng puting sapatos

Tumikhim naman siya kaya umiwas ako ng tingin. My ghad Maureen Margaux. Naglakad siya papuntang front door at lumabas na.

"Tara na ate.." sabi ni Tyrone at lumabas na din siya

Wala naman akong magawa't kaya sumunod na ako sa kanilang magkapatid.

"Ate, ibigay mo nalang kay manong yung susi ng kotse mo. Siya na bahala magpapasok nung sasakyan mo dito, nasa sa'yo naman ang mga gamit mo diba? Dito na tayo sumakay sa kotse ni Kuya."

Wala na naman akong magawa at tumango na naman ako sa batang ito. Grabe parang matanda na magsalita ang isang 'to. Kung hindi lang siya tumatawag sa'kin ng ate, baka iisipin kong sinapian ito ng espirito ng isang matanda

Papasok na sana ako sa shotgun seat ng bigla akong harangan ni Tyrone at binuksan niya ang pinto sa passenger seat.

"Ate dyan ka sa harap.. Bawal pa kasi ako dyan kaya dito na ako."

Relax lang Maureen. Wag kang mag-alala nandyan naman si Tyrone. Hindi na magsasalita yang si Tyler.


Nandito na kami sa mall at nakahawak lang si Tyrone sa kanyang kuya habang nasa likod lang ako nilang dalawa nakasunod. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa habang nag-uusap

"Ano ba'ng bibilhin mo dito Tyrone?"

"I'm gonna buy a gift for my friend."

"At bakit?"

"Kasi birthday niya? Why are you asking ha?" huminto si Tyrone at naka-meywang siyang tumingala sa kuya niya

Inayos naman ni Tyler ang bonett niya at mahina niyang tinulak si Tyrone. Ang cute naman nilang magkapatid. Nawala ang ngiti ko ng biglang lumingon si Tyler sa'kin. Iniwas niya naman agad ang tingin niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sana wala ng mangyayari, sana nga.

______________________________
TBC

Edited

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon