Maureen's POV
3:00 na ng hapon at nandito ako sa sala namin. Nandito rin si mommy sa harap ko na nagbabasa ng dyaryo. Kanina ko pa iniisip kung paano ako magpapaalam sa kanya. Paano kaya? My, aalis ako ngayon? Ihh pano pag mag-tanong siya kung sino kasama ko?!
"Anong gusto mong sabihin?"
Bigla akong napatingin kay mommy ng bigla siyang magsalita. Nasa newspaper pa rin ang mga mata niya at kami lang naman dalawa dito.
"P-po?"
"Ano kako ang gusto mo sabihin. Aba Maureen para ka ng matatae diyan. Sabihin mo na."
Nakatingin na siya sa akin na tila parang inaasar niya ako. Lumunok muna ako saka ko siya sinagot.
"Eh kasi 'my, may lakad ako ngayon. Pwede po bang umalis ako ngayon?" mahina at nakadungo kong sabi
"Ahh yan lang pala. May nagpaalam na sa'yo kanina."
Nai-angat ko kaagad ang ulo ko at tinignan ko siya na may nanlalaking mata. M-may nagpaalam na sa kanya?!
"Sige na maghanda ka na, 5:00 pm ka daw niya susunduin.. Pakilala mo siya sa'kin sa susunod ha."
"A-ah o-opo."
Tumayo na ako sa inupuan ko at nginitian ko si mommy. Putek ano kaya ang pinagsasabi ni Tyler?!?
Nandito ako sa kwarto ko at bihis na bihis ako para sa lakad namin ni Tyler. Nakasuot ako ng isang long-sleeved off shoulder at high waist na jeans pinaresan ko na din ito ng short boots. Nakaupo lang ako ngayon sa kama ko habang hinihintay ang tawag niya.
Kinakabahan ako sa lakad namin ngayon. Wala naman kasi siyang sinabi kung saan kami pupunta, hindi ko tuloy alam kung tama ba 'tong sinuot ko.
Tumayo na ako mula sa kama ko at tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ok na siguro 'to? Hindi naman siguro obvious na pinaghandaan diba?
Bigla akong napapitlag ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinapat ko sa tenga ko.
"Oh?" kinuha ko na ang slingbag ko sa kama ko at lumabas na ako sa kwarto ko
"Nandito na ako."
Napahinto ako sa paglalakad ng nagtagpo kami ni mommy malapit sa pintuan. Ayan na naman siya sa ngiti niyang nang-aasar
"A-ah sige pupunta na ako.." sabi ko saka pinutol ang tawag
Nakatingin pa din ako kay mommy saka ko nilagay ang phone ko sa slingbag ko.
"Aww nagdadalaga na ang Maureen ko.. Sige na pumunta ka dun, basta know your limitations ha."
Tumango ako sa sinabi niya at nagpaalam na ako. Lumabas na ako sa gate namin at nandito nga siya sa harap ko.
Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya at nakatingin lang sa sapatos niya.. Naka-suot siya ng puting jacket at dark jeans. Kahit yata anong suotin niya, ganun pa rin ang itsura niya
Inalog ko ng konti ang ulo ko para mawala yun sa utak ko. Tumikhim ako ng medyo malakas para marinig niya ako, at nakuha ko nga atensyon niya.
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa binasag niya ang katahamikan
"Tara na?"
Tumango ako at tumungo na ako sa pintuan ng sasakyan niya ng bigla niya itong binuksan. Tinignan ko siya na may pagtataka ngunit sinenyasan niya lang ako na pumasok.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Подростковая литератураSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...