Maureen's POV
Tinignan ko ang sarili ko mula sa malaking salamin saka napangiti. Ito na kasi ang araw na magiging legal na si Claire, excited lang ako para sa bestfriend ko. Masquerade in white ang theme ng debut niya, kaya nakasuot ako ng flowy white dress na hanggang siko ang sleeves.
Ako lang mag-isa ang pupunta kasi late na makauwi sina mommy at daddy, habang si ate naman ay may lakad. Tapos si Tyler, haaays may family matters na naman daw na pupuntahan. Kaya ito solo flight ako ngayon
Nasa loob na ako ng sasakyan ng makatanggap ako ng isang text ni Tyler..
"I love you.."
Napangiti nalang ako saka nagtipa ng irereply sa kanya.
"Corny but I love you too haha."
Nagpasalamat na ako sa humatid sa akin saka bumaba sa sasakyan. Andito na ako sa labas ng venue at medyo marami na ang taong naririto. Grabe parang hindi ata debut tong pinuntahan ko sa sobrang enggrande ah.
Binigay ko na sa isang organizer ang invitation ko saka na pumasok sa loob. Iba't ibang uri ng maskara ang gamit nila, may naka takip sa buong mukha at may iba ring nakatakip lang ang kalahating mukha
"Maureen, ikaw ba yan?"
Napapitlag ako ng may biglang humawak sa siko ko. Tinignan ko ito ng mabuti upang makilala ko kung sino ito.
"Ayy sorry Marga di kita nakilala agad haha." Pagpapaumanhin ko sa kanya
"Sus ayos lang no, sanay na ako HAHAHAHAHA. Nga pala, may table ka na bang pagtatambayan? Pag wala dun ka sa amin oh, di pa naman kami puno."
"Sige sige, wala rin naman akong kasama kaya ayos lang." sagot ko sa kanya
Magsisimula na ang program kaya't umayos na kami ng upo para hintayin ang paglabas ni Claire.
"Ladies and gentlemen, good evening. Let us all welcome, our debutant, miss Ivy Claire Valdez."
Biglang tumapat ang spotlight sa isang babaeng nakasuot ng enggrandeng black gown. Akala ko ba white itong theme? Pumalakpak na kami habang tinitignan si Claire napababa sa staircase, ang ganda talaga ng best friend ko.
Nagsisimula na ang 18th candles at ako ang ika-17 na magbibigay sa kanya ng message.
"Let us all welcome the 17th candle, miss Maureen Margaux Perez." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan. Binigay sa akin ng host ang mic kaya't tinanggap ko ito at pinasalamatan ko siya.
"Hi Claire, pfft ano ba yan di ako prepared." Pabirong sabi ko sa kanya. Tumawa naman ang mga tao at pati siya ay napatawa na rin
"Legal ka na pwede ka na magjowa charot HAHAHAHA. Halos nasa iyo naman ata ang lahat, ang mawiwish ko lang ay sana pag may makilala ka ng lalaking para sa'yo, sana ay mamahalin ka niya higit sa pagmamahal naming mga kaibigan at pamilya mo. Yun nalang siguro, sana rin ay magsasama pa tayong dalawa hanggang sa grumaduate, magka-asawa, magka-anak, at tumanda. I love you at happy birthday ulit bestfriend ko." Sabi ko at lumapit sa kanya upang yakapin siya na agad niya ring binalik.
Kumalas na kami sa yakap at tinignan ko ang mukha niya habang ngumiti. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala siya.
"Hoy wag ka nga umiyak, masisira yang make up mo sige ka."
"Ikaw kasi eh haha." Sabi niya saka pinunasan ang luha niya. Nagpaalam na akong pumunta sa upuan ko kasi may susunod pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa isang mundo kung saan maraming tao ang namumuhay, karamihan ay swerte sa pag-ibig ngunit ang iilan naman ay nagpaka-tanga. Maliban sa isang natatanging babae na saksakan ng pait pagdating sa usapang pagmamahal. Maureen Margaux reflects on the exp...