* * * * *
The Missing Cause of Death( Bliss )
Ang araw na ito ang nakatakdang araw para sa pagkikita namin ni Kent, ang kasintahan ng yumaong si Bea. Napagdesisyunan naming magkita sa mini-forest ng school para walang makarinig ng maselang pag-uusap namin tungkol sa pagkamatay ng kanyang kasintahan.
"So alam mo na ba ang ibig sabihin ng code na isinulat ng iyong girlfriend?"
"Yes, I have deduced it already. The code says--- this isn't a suicide," ibig sabihin ay tama ang mga naiisip natin. Hindi nga totoong nagpakamatay siya. Ang dapat nating alamin ngayon ay alamin kung sino ang nasa likod nito at ano ang motibo niya."
"Posible kayang ang mga admins ang nasa likod nito?" tanong ko kay Kent na kitang-kita ang lalim ng mata na parang wala pa siyang tulog simula kagabi.
"Iyan din ang anggulong nakikita at tinitingnan ko. Nalaman ko kasi na hindi tuluyang naipalaglag ni Bea ang batang nasa sinapupunan niya. Nang uminom siya ng inuming pampalaglag ay hindi tuluyang namatay ang bata. Malakas ang kapit nito kaya maaaring nalaman ito ng admins kaya naisipan nilang ipapatay na lang si Bea kesa maibunyag ang lahat ng pagkukulang nila at ng eskwelahang ito."
Maaaring tama at maaari rin namang mali ang mga naiisip namin ngayon. Kailangan muna naming makahanap ng sapat na ebidensiya para mapanagot ang mga taong nasa likod nito. Ang naiwang note ni Bea ay hindi sapat para mahuli ang salarin kaya kinakailangan pa naming maghanap ng mga bagay na mas maglalapit sa'min sa katotohanan.
"May alam ka bang tao o bagay na maaaring makatulong sa'tin?"
"Yan nga ang pinoproblema ko ngayon. Isang araw na ang nakalilipas pero wala pa ring estudiyante o kahit sino ang lumalantad para maging witness. Marahil lahat sila ay takot sa maaaring kahinatnan kung makikialam sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko, paniguradong hindi na naman ako papatulugin ng konsensya ko," aniya na parang naiiyak na.
Hindi man sabihin ni Kent pero ramdam ko ang hirap at sakit na nararamdaman niya. Natitiyak ko na napakahirap mawalan ng kasintahan at anak sa parehong oras at dahilan. Kung sino man ang nasa likod nito, nasisiguro kong sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno.
Nagpatuloy kami sa paglilibot sa paligid ng pinangyarihan ng krimen, nagbabakasakali na makahanap man lang ng kahit katiting na ebidensya na makakatulong sa'min. Subalit alas singko na ng hapon pero wala pa rin kaming nahahanap. Napagpasyahan naming umuwi na lang at ipagpaliban muna ang paghahanap nang sa ganoon ay makasama na niya ang kanyang kasintahan at anak kahit man lang sa nalalabi nitong oras sa mundo.
Matapos ang hapunan ay tinipon muna kami ni Headmaster para sa isang maikling anunsyo. Ipinaliwanag niya ang nangyaring pagkamatay ni Bea kahapon. At katulad ng pagkamatay ni Cass ay pinagtakpan ulit nila ang tunay na rason ng pagkamatay nito. Ipinaalala niya rin sa'min ang kahalagahan ng pagsunod sa mga polisiya ng school upang mapanatiling malinis ang pangalan ng akademyang pinapasukan namin. Matapos ang lahat ay kaagad kong tinahak ang daan papunta sa dorm ko at bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may isang maliit na papel sa may paanan nito. Kaagad ko itong kinuha at akmang bubuksan ko na nang may biglang magsalita sa likod ko. Mabuti na lang at mabilis ko itong naitago sa bulsa ko.
"Hey Avi, saan ka ba galing at bakit naisipan mong umabsent sa klase? Huwag mong sabihing nakikialam kana naman sa kaso ni Bea?" tanong ni Dane habang nakataas ang kilay at nakacross ang mga braso.
"Nagkakamali ka ng iniisip Dane, hindi ako umabsent para makialam sa nangyari kay Bea. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya naisipan kong lumiban sa klase," pagpapalusot ko.
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Mystery / ThrillerImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...