Chapter 25

859 32 20
                                    

* * * * *
Everything Seems Strange

( Katherine )

Hi, I'm Katherine. If you remember, ako 'yong tinutukoy ni Bliss na pinakamysterious niyang kaklase. Ako rin 'yong nagbabala sa kanya noon pero sa kasamaang palad ay hindi siya nakinig. Pilit niya pa ring inaalam ang hindi niya dapat malaman.

She was too eager to know the truth to the point that she put an innocent soul in danger. Cha is dead now and I don't know if who's going to be the next. Malaking kawalan pa naman ito lalo na't alam kong alam niya na ang buong katotohanan. Hindi ko kasi alam kung anong tumatakbo sa isip niya at bakit pilit niyang inilalapit ang katotohanang dudurog lamang ng kanyang pagkatao sa huli.

Kaya heto ako ngayon, nag-iisip ng paraan kung paano mailalayo sa kanya ang katotohanan. Don't get me wrong, I know the saying, "Walang lihim na hindi nabubunyag" pero hangga't hindi pa ito naisisiwalat ay mananatili kaming nakagabay sa kanya palihis sa daan na magdadala sa kanya sa katotohanan. Sounds selfish right? But we're doing it for her sake and for everybody's sake.

I watched her eat solely at the cafeteria. Gusto ko man siyang lapitan but I know that she wanted to be alone lalo na't sariwang-sariwa pa 'yong nangyari noong isang linggo. I know up until now that she's still blaming herself about the unexpected Charity's death.

Matapos niyang kumain which is hindi niya man lang ginalaw 'yong pagkain ay sinundan ko siya papuntang locker room. Here she is, everything is happening according to my plan.

My plan is to lure her out towards the locker room, the place that she's been avoiding for a week. Probably because this place is reminding her of Cha. Finally, naisipan niya na ring pumunta rito. Matagal na rin kasi akong naghihintay na buksan niya ang locker niya.

Unluckily, she just opened her locker without giving a glimpse with the little envelope on it. I didn't expect it.

"Hindi niya pa rin ba kinukuha o tinitingnan man lang ang sulat?" bigalaang tanong ni Jenn na ngayon ay nasa likod ko na pala. She knew what I've been doing for a week. She knew that I've been following Bliss for a certain reason at hindi ko inaasahang magiging mahirap ito. I didn't expect her to be as hard as stone.

"Unfortunately yes. Ni hindi ko nga alam kung alam niya bang nag-eexist 'yon do'n," I said. You need a little more patience Katherine.

"Baka naman napagod na siya sa kakahanap ng sagot?"

"Let's say you're right then it'll be easy for all of us. Kung totoong napagod na nga siya then hindi na natin kailangang mag-effort pa para ilihis siya sa katotohanan."

"Paano kung pinapalabas niya lamang na wala na siyang pakialam pero ang totoo ay nag-iisip na siya ng plano--- mas magandang plano para maisiwalat ang katotohanan."

"Then we need to be more careful," I said as we start walking towards our room. Muntik ko nang makalimutan na may klase pa pala ako.

Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay kaagad kong hinanap si Bliss. Nakita ko naman siyang nagbabasa ng accounting book which is really the unusual thing about her. Dati-rati kasi wala naman siyang hilig sa pagbabasa ng kahit anong educational books. This past few days seems to be alarming. Ganyan lang siya palagi, hindi umiimik. Ang dating punong-puno ng curiosity ay nagpapaka-invisible na ngayon. Wala rin naman kasing nangangahas na lumapit sa kanya, maging si Dane na isa sa pinakamalapit sa kanya ay naaalangang lumapit sa kanya. Problably because she's guilty.

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon